Chapter 24

34 4 1
                                    


May's POV

Simula ng maghanap ako kay Pat hanggang sa makilala at mapalapit ako sa grupo nila, ni minsan hindi nawala sa isip ko si Pat.

Kahit saglit ay di ko ginustong di sya mahanap. Pero ngayon, bakit parang di ako natutuwa?

Natatakot ako.

Ang tangi ko nalang pinanghahawakan ay si Itian.

Oo, tama.

Siguro nga gusto ko na sya. Ang madalas naming pagaaway noon, ang mga sermon nya at mga pagaalala ay tumatak sakin. Ngayon lang may nagpahalaga sakin maliban kay Pat.

Lumaki akong walang pamilya, pinapamigay, si Pat lang ang tumanggap sakin. Kahit na ayaw nila tita dahil dagdag palamunin lang daw ako, tinanggap ako ni Pat. Nagtrabaho sya, tinanggap nya ang buhay ng isang bayaran para sakin. Inako nya ang bawat gabi na dapat ay para sakin. Naging marumi sya para manatili akong malinis.

Kaya dapat diba ako ang unang tatakbo para yakapin sya?

Pero bakit paatras ang mga lakad ko?

Wala akong lakas ng loob para lapitan sya. Katawan ni Pat ang nasa harapan ko pero sinasabi ng puso ko na hindi.

May bumubulong sakin, sinasabing hindi sya yon.

Kinapitan ko si Itian. Humuhugot ng lakas. Kahit na iba ang kinikilos nya ay nanatili ako sa tabi nya.

"Hi" anjan na sila.


"Pat?" bumuhos ang luha ko. Hindi ko na kaya ang bigat.

Nasa harapan ko na sya.

Buhay na buhay.


"Di mo ba ko yayakapin?" tanong nya na may ngiti sa mga mata.


Lalapit bako?

Binuksan nya ang kanyang mga kamay, binigyan ng puwang ang paglapit ko.

Humakbang ako papalapit pero agad akong pinigilan ni Itian.

Hindi ako nagtaka sa ginawa nya, bagkus nagpapasalamat pako.

"Maaga pa" seryoso nyang sambit, tsaka sya tumalikod kapit parin ang kamay ko.

Alam ko na hinila nadin ni Lance si Che, pero bago kami tuluyang makalayo nakita ko pa ang ginawa ni Jacob.

Tinakbo nya si Ana at niyakap ito. "Buhay ka!" tuwang tuwa ito sa pagbabalik ni Ana.

Hindi nya ba nararamdaman ang bigat ng paligid sa pagdating nila?

"Wag!" napalingon nalang ako pabalik kay Itian ng sumigaw sya, hindi ko na nakita kung bakit pero ang alam ko lang, magkalapit ang mga labi ni Jacob at Ana.

Bumitaw ito sa halik at muling niyakap si Ana.

Ramdam ko ang higpit ng kapit ni Itian.

"Pakiusap lumayo ka" bulong nito sa sarili.

Tinignan ko sya, at nagsimula syang magpaliwanag. "ang pagpasok sa dilim ay kusang dikta ng puso. At kusa rin ang paglabas dito. Sa ginawa nyang yon. Kumapit sya sa demonyo" nagulat ako sa sinabi nya.

Kailan pa sya nagkaron ng ganon kalalim na kaalaman sa nangyayari samin?

"Wag na wag kang lalapit sa kahit na sinong may hawak na baraha maliban sakin. Hindi, wag kang lalayo sakin hanggang sa sumapit ang gabi"

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon