Chapter 9

68 5 2
                                    

Lance' POV

Pagkaalis na pagkaalis nila Jacob ay pumasok agad ako saloob para mapanood ang interview ng nanay ni Che. Kita ko ang naging kilos ng nanay nya, sobrang kalmado. Tinititigan nya pa ang pulis na nagiinterview sa kanya.

"dadaretsuhin na kita Mrs. narinig mo naba yung sinabi ng mga magulang ng biktima tungkol sa anak mo?" nagsisimula na syang magtanong.

"Nagpadala ako ng 5317 pesos sa kapatid ko" tama ba narinig ko? sadya ba yun? pano nya nalaman yun?

bakit alam nya?





"wala akong pakielam sa kapatid mo, ang tanong ko ang sagutin mo. Alam mo bang mamamatay tao ang anak mo!" sumisigaw na yung pulis pero kalmada parin ang nanay ni Che.

"alam ko, mamamatay tao sya. Alam nya ang lahat, sya ang pumatay" agad na pagamin ng ina nito. Kung tama nasa isip ko, may alam ang nanay ni Che sa paraan ko.

"mabilis ka palang kausap Mrs." pagismid ng pulis sabay tayo, mukang aalis na sya. Nakuha na nya ang sagot na gusto nila.

"ligtas ako, ligtas kami." ibig sabihin... Tama nga ako... Sya nga!

"oo Mrs, ligtas ka. Pwede ka na ngang umuwi e, pero hindi ang anak mo" pagkalabas na pagkalabas nung pulis ay tumingin ang nanay ni Che sa camera, alam nyang pinanonood sya. Alam nyang pinagaaralan ang sagot nya. Tumayo na din sya at lumabas na parang walang nangyare, napaka kalmado ng kilos nya. Hindi mo iisiping may anak sya sa loob.

Lumabas agad ako para makasalubong ko sya, nagbabakasakaling makakusap ko ito. Pero dinaanan lang nya ko, may mali.



"Inspector Alba? Tama ba?" tinawag nya ko. Lalapitan ko sana sya pero agad nya kong pinigilan. "wag mong hahayaan na makalabas ang anak ko, mamamatay tao yan. Baka may mapatay nanaman" tinignan nya lang ako sa mga mata atsaka umalis.





Hindi, hindi ko hahayaan na makalabas sya.

____________________________________

CHE'S POV

Alam ko namang sa dulo ng lahat ng to ay may isang magsasakripisyo, hindi ko naman akalain na ako yun.

Nung gabing nakita ko si Jerome pinapunta ko agad si Ian. Nataranta kasi ako ng malamang buhay si Jerome, nung mga sandaling yun din kinausap ako ni Sir David.

"buksan mo ang mga mata mo Che, alamin mo ang tama sa mali. Hanapin mo kung ano ang totoo sa lahat ng nangyayari" kung magsalita sya e parang alam nya na lahat. Kung may alam sya, bakit di nalang nya sabihin sakin para matapos na to? Bakit di nalang nya ako tulungan!

Para akong binabangungot sa mga nangyayari. Nawawala ang mga kaibigan ko, may putol-putol na katawan sa campus, may mga lalaki sa buhay ko na biglang nagsusulputan, may mga nalalaman akong di ko dapat malaman pero parang lahat ng tao sa paligid ko kalmado at walang pakielam.

Dinala ako sa police station para paaminin, alam ko na ang mga ganitong eksena. Pinaupo nila sa isang upuan at iniwan mag-isa. Nagsimula na ulit bumagsak ng mga luha ko, katapusan ko na ba?


Sandali pa may pumasok na.

Sinasabi ko na nga ba, alam kong tama ang kutob ko. Alam kong may alam sya. Yung lalaking nakasumbrero sa campus kahapon, sya ang lalaking magiinterview sakin ngayon.

"Hi Che, kamusta ka naman" naiinis ako, inis na inis ako.

"anong kailangan mo sakin?" matapang akong nagtanong. Hindi ako papayag na basta maipit dito.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon