Chapter 17

68 6 1
                                    


Che's POV

"Nung minsang nawala sya halos isang linggo ko syang di nakausap, bigla syang sumulpot sa harap ko. Wala sa sarili. Natatakot ako  na baka totoo ang sinabi nya sakin bago sya nawala, hinahabol daw sya ng demonyo.At ngayon nawawala nanaman sya"

Nung unang nawala? Kung tama ako, si Jerome nga yung nakita ko nung minsan. At nakita nila Itian.

Pero anong ibig sabihin nya nung sabihin nya na hinahabol sya ng demonyo?

"Nung sinabi nya yon, anong ginawa nyo?" tanong ni May .

Tumahimik sya at huminga ng malalim, "Wala akong ginawa. Alam kong alam nyo na, na nagdodroga sya. Inisip ko na baka epekto yun"

Alam nya at hinayaan nya lang? 

"Bakit nyo hinayaan?" tanong ni Lance.

"Desperada nako, ako nagpakilala sa kanya sa mga yon. Despressed na depressed sya ng mawala ang nanay nya. Hindi sya kumakain, di umaalis ng kwarto. Wala nakong magawa. Kahit ipadoktor pa namin sya. Bumabalik at bumabalik sya sa ganong kondisyon"

Malalim palang tao si Jerome, kaibigan namin sya pero di namin sya nadamayan nung mga oras na mas kailangan nya kami. Minsan naiisip ko, ano ba talaga ang ibig sabihin ng kaibigan? Magkakaibigan nga ba talaga kami? 

Nawala daw yung nanay ni Jerome? Akala ko nasa ibang bansa?

"Patay napo? Akala ko po nasa ibang bansa?" nagtanong na si Itian.

Muli syang huminga ng malalim, nawala ang kanyang paghikbi. Isa-isa nya kaming tinignan. "Lumaki ito sa mayamang pamilya ngunit lagi syang pinagmamalupitan dahil sa pagiging anak nito sa labas ng kanyang ina." anak sa labas si Jerome? "Ako na ang halos nagpalaki sa kanya, alam ko kapag nakasimangot sya, kapag wala syang imik. Ako ang gumagamot sa mga latay na gawa ng kanyang amahin."

Tumigil sya sa pagkukwento. At muling yumuko.

"Isang araw, nawala si Jerome sa paningin ko habang naglalaro. Nakabasag sya ng isang mamahaling paso, galit na galit si Sir. Halos mapatay nya ang bata sa galit. Nanakbo si Jerome palabas sa may pool, sinundan sya ng dalawa. Nagtalo ang magasawa at aksidenteng nadulas si Ma'am at namatay. Sa galit ni Sir kay Jerome, tinutukan nya ng baril ang bata."

Walang umiimik, lahat ay atentibong nakikinig.

"Ano pong nangyari?" tanong ni May na ngayon ay may puwang na sa matanda.

"Kasalanan ko, sobra na ang ginawa nila. Kung di pako umaksena baka may nangyari na sa batang pinalaki ko na parang sarili kong anak."

Lumilinaw na ang lahat para sakin, hindi ko pa nga lubusang kilala si Jerome. Hindi sya masamang tao, hindi sya mababaw. Sadyang hindi ko lang sya kinilala.

"Hinila ko si Sir, nagtalo kami. At sa di ko inaasahang pangkakataon, binalikan ako ni Jerome, sinaksak nya si Sir. Pinatay nya ang kanyang ama-amahin. "

Lahat kami nagulat. Sya ang pumatay? Tinignan ko si Lance na di rin makapaniwala, inaamin na nya ang krimen na nagawa nila.

"Ano pong ginawa nyo?" tanong ni Itian.

"Sa takot ko, inilibing namin sila sa likod. At pinalabas na umaalis lang sila. Bata pa si Jerome non, di nya alam ang ginagawa nya. Gusto nya lang akong ipagtanggol." walang gustong magsalita matapos namin marinig ang lahat ng yon, buong akala ko'y sa pelikula lang yon nangyayari.

"Eh sino po yung nagpakilalang nanay ni Jerome sa school?"  gusto ko lang naman na wala ng maiiwan pang tanong sakin tungkol kay Jerome.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon