Chapter 13

60 5 1
                                    


Che's POV

"Nauna ako sa kanila e"

Nangangatog ang boses ni Itian ng sabihin nya yan. Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa narealize nya.

Ako ba? Pang-ilan nga bako?

Kasunod ko si Ana. Pangalawa ako sa huli.

Maggagabi na, nagpasya ang lahat na dito na kina Ms. Espiritu magpalibas ng gabi. Wala rin naman gustong humiwalay dahil sa takot.

"Edi hindi natin pwedeng pagkatiwalaan yang pattern ng pagkuha na yan kung ganon. Nagulo ang pagkakasunod-sunod e." sagot ni Lance.

Pagod na sya. Kita ko sa mga mata nya na pagod na sya.

"Magpahinga na muna tayong lahat. Hindi na nagana ng ayos yung utak ko. Mas mabuti siguro kung magpapahinga na muna tayo. Maraming naganap ngayong araw na to. Wag natin pwersahin ang lahat." paalala ko. Sumang-ayon naman sila sakin.

Itinuro ni Ms. Espiritu ang magiging kwarto namin ni May. Si Lance at Itian naman sa sala. Katamtaman lang naman ang bahay na to. Komportable.

Nagsimula nakong mag-ayos ng sarili para matulog. Pumunta ako sa kusina para maghilamos. Sinundan naman ako ni May na kukuha ng maiinom.

Ngayon ko lang napagtanto na, oo nga pala. May kasama kaming iba. Di ko na napagtuunan ng pansin si May sa dami ng nangyari. "May? Sigurado kaba na gusto mo sumama? Delikado to" paalala ko. Muka syang mahinhin at mahina kumpara kay Pat na matapang.

"Lumaki ako na pinoprotektahan ni Pat, ngayon na nawala sya. Pakiramdam ko ako naman ang dapat magprotekta sa kanya. Ayokong maupo lang. Kaya sana pumayag na kayo" may punto sya at naiintindihan ko yun kaya naman nginitian ko nalang sya at ibinaling ang tingin ko sa lababo para makapaghilamos na.

Pagkuha ko ng sabon dumulas ito sa kamay ko, sa pagyuko ko isang matalim na bagay ang tumama sa braso ko mula sa bintana. Iniangat ko ang tingin ko at di inaasahang tao ang bumungad sakin.

"Micah?" daig ko pa ang nakakita ng multo. Dali-dali akong lumabas para habulin si Micah. Dumiretso ako sa likod, sa may kusina. Pero wala na sya.

Si Micah ba talaga ang nakita ko?

Bakit hindi sya lumapit?

Bakit nya ko kailangan saktan?

San sya nagpunta?


Sa pagkainis ko hindi ko napansin na may natapakan na pala ako. Tinignan ko iyon...Wallet?

Agad kong binuskan at litrato ni Micah ang nandon. Sya nga.

Si Micah nga.

Bakit? Bakit Micah?

"Che anong nangyari?" tanong ni Itian. Nagsunuran pala sila sakin.

"Si Micah. Nakita ko si Micah"

"Che! May sugat ka!..." nilapitan ako kaagad ni May at inalalayan "bigla kang nanakbo kaya naman sumunod ako tas sinabi ko sa kanila. Okay ka lang ba?" nagaalala nyang tanong.

"Pumasok na kayo. Halika na Ija ng magamot yan" pagyayaya ni Ms. Espiritu.

Agad akong ginamot ni Ms. Espiritu. Buti nalang at mababaw lang ang natamo kong sugat. Kung hindi ako yumuko marahil sa puso ang tama ng maliit na patalim na to. Sa gaan nito kayang ibato mula sa bintana na katapat lang ng lababo.

Gusto nya kong patayin?

"Okay na yan. Lumabas kana para makapag hapunan. Wag mo munang isipin ang nangyari" paalala ni Ms. Espiritu.

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon