Chapter 26

65 4 0
                                    

.

Itian's POV

Nakauwi na kami kela Sir David, wala parin malay si Che. Hindi ko alam pano ipapaliwanag sa kanila ang nangyare, na hindi talaga ako ang kasama ni Che sa loob. Ang hirap buuin ng mga salita, kahit kasi ako hindi makapaniwala. 

"Ano? Ano ngang nangyare?" pangungulit ni May. 

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyare kanina bago kami pumasok sa bahay, ang shonga mo talaga Itian. Hindi ka naman pala mamamatay pa, bat mo hinalikan!

"Uy ano?" Nagulat ako na katabi ko na pala si May, pano naman ako makakapag-isip nyan ng ayos. Umatras ako ng kaunti bago nagkwento.

"Hindi ko alam ang nangyare sa loob ng kwarto, basta alam ko lang sumigaw sya. Tas ayun, tinakbo ko na sya, nagbukas ng kusa yung pinto kaya naman pumasok nako. Dun ko nakita si Che na walang malay" pagpapaliwanag ko.

"Hindi ba kasalli ka? Ikaw ang key card diba? kung baga sa laro parang game master" tanong ni Sir David. Eto na ang mga tanungan na hindi ko alam pano sasagutin.

"wala ako sa loob ng kwarto" nakayuko kong sagot. 

"ha? ang labo" nagtatakang tanong ni May. 

Sige eto na, sana lang maintindihan nila. " hindi ako ang kasama ni Che sa loob kundi ang key card sa katauhan ko. Hindi rin mga kaibigan namin ang nasa loob kundi ang mga baraha. Nasa loob lang ng bahay sila Pat..." napatigil ako sa dapat kong sasabihin. Wala na si Pat, nakita ko mismo kung pano umangat ang katawan nya't nangisay sa ere. Ganon din ang nangyare kay Jerome.

"Ano? tuloy mo" nakatingin lang sakin si May, hindi ko ata kayang makita syang masaktan. 

"wala na si Pat" matapang at madiin kong sabi. Para matapos na. Pero laking pagtataka ko ng hindi tulad ng inaasahan ko ang maging reaksyon nya. 

"Alam ko" seryoso nyang sagot.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. 

"Nung graduation nyo, oras na nakita ko si Pat don alam kong hindi na sya yon. May kasabihan sa probinsya namin na senyales ng kamatayan ang pagpapakita ng mga kambal na dyablo ng mga kaluluwa ng isang tao" pagpapaliwanag nya. Naintindihan ko na, mga dopplegangers. 

"Tapos? natapos ba ang laro?" sa pagtatanong na yon ni Sir David, nabaon ang tingin ko sa kanya. Pinilit kong ilabas ang pagiging key card ko tulad ng mga nangyayari sakin nitong nakaraang araw pero wala. 

"hindi ko alam, baka si Che alam nya" 

lahat kami ay napatingin kay Che na nasa sofa, sana masagot ni Che lahat ng tanong namin. Sana sabihin nyang, oo tapos na nga ang laro. Sana tapos na.


Ryan's POV

Kasama ko ngayon si Jacob at si Delgado, nakuha ko na agad na dapat ko munang maihiwalay si Jacob kina Lance para makapag-usap sila. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayare sa batang to, hindi naman to ganito kumilos dati. 

Eto pa nga yung kanang kamay ni Lance e. 

"Sir ano ba bibilhin natin?" tanong ni Delgado, nasa market kasi kami, bibili ng pagkain ng lahat. wala nako maisip na ibang palusot para lang mahiwalay kami sa kanila e.

"kahit ano, pero sana yung di na lulutuin. Panigurado wala ng lakas lahat." sagot ko habang pinagmamasdan ang mga prutas na nakahilera. 

"Ako nga pala si Dennis" narinig kong pagpapakilala ni Delgado kay Jacob, inabot naman ni Jaob ang kamay nya rito, "di kaba kasali sa kanila?"

Death GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon