CHAPTER 46 (REASONS BEHIND)
WARNING!!!
>This story is not edited so please do understand the typos and grammatically error….****ZHIROS' POV****
Dalawang linggo na ang nakalipas ngunit wala pa ring sign kung kailan magigising si Farra at si Thena.
Andito kami ngayon sa room kung saan inilipat na si Thena mula sa ICU. Yes, she was transferred to a private room now. Pero hanggang ngayon ay nakakabit pa rin sa katawan niya ang mga wires.
Nagtataka ba kayo kung bakit nandito kami?Ganito kase yun, the day na nalaman ng mga babae ang nangyayari kay Thena ay agad nila kaming tinawagan. Sa pagkakaalam nila ay nasa Pinas kami kaya nagpanggap kami na nagulat at sinasabing pupunta kami agad dito without their knowing na nandito na kami sa bansa.
Minsan naman dumadalaw kami sa underground upang alamin ang kalagayan ni Farra. At gaya kay Thena, she's still unconscious. Pero stable na ang mga vital signs nito unlike Thena. Pumarito naman minsan si Ale pero mas naglalagi siya sa underground dahil may pinag-aralan siya. Ayun kasi ni Amber, there's something wrong about our mission kaya pinag-aralan nila kung nasaan ang mali. Tumutulong din naman kami minsan pero syempre di pweding magtambay kami sa underground dahil tiyak na hahanapin kami ng mga babae. Dalawang linggo na kaming di pumapasok pero ang mga babae ay pinapasok pa rin namin sa kanilang klase. Nandito naman kami upang bantayan si Thena kaya napapayag namin sila.
Napalingon kami ng biglang may nagbukas ng pinto.
Inuluwa doon ang babaeng nakapangnurse attire."Hey." Bati niya sa amin saka niya tinungo ang kinaroroonan ni Thena. Di na kami umimik saka pinanood siya sa kanyang ginagawa. She run random checks on Thena pagkatapos nito ay bumaling ulit siya sa amin. Tinanggal niya ang kanyang face mask.
"Mukhang naging lungga na ninyo dito ah. Dito rin ba kayo natutulog?." Tanong niya sa amin.
"Minsan oo, minsan din hindi." Maikling sagot ni Marco.
"Wala naman kayong maitulong dito. Nagtutunganga lang naman kayo diyan. Buti pay magsiuwian or magtraining kayo. Kami na bahala kay Thena. Nandito lang naman si Amber at Sandy saka ako. May guards din kaya walang basta bastang makapasok dito. Kesa naman nagsasayang kayo ng oras sa pagtambay dito." Sabi niya habang nakacross arm pa.
Nag-aangalan sana ang mga ulol pero wala na silang magawa pa kundi mangsilabasan nalang.
Habang ako naman ay nanatiling nakaupo dito sa aking pwesto."Ikaw anong plano mo diyan Yu?" Tanong niya nang makitang di ako natinag sa aking kinauupuan. I lazily look at her. Kahit kailan ang ingay niya talaga.
"I won't leave her. And besides I did what you told me to do. Nagtime out lang ako upang makaisip ng bagay upang magresponse si Thena." Napataas ang kilay niya sa aking sagot. Ang ibig kong sabihin na I did what she told me to do ay ang pakikipag-usap kay Thena. Kung pakikipag-usap nga ba ang tawag ng ginagawa ko. Ako lang naman yung nagsasalita eh.
BINABASA MO ANG
THE LOVER OF THE HEIR
RandomSimula noong bata pa sila ay may pagtingin na si Thena sa kanyang bestfriend na si Prince Alexies Simon Oxford or known as Ale. Pinapangarap niya na sa kanilang paglaki ay si Ale lang ang kanyang pagtuunan ng tingin habang buhay at kanyang papakasal...