CHAPTER 62 (BREAKING NEWS)

287 7 2
                                    

CHAPTER 62 (BREAKING NEWS)

WARNING!!!
>This story is not edited so please do understand the typos and grammatically error....

******THENA*****

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagtulog nang biglang umuga-uga ang eroplano.

Gulat na gulat ako nang umuga-uga na naman ito.

Nilibot ko ang aking paningin, tiningnan ko ang bintana, may araw pa. Wala si Ale sa aking tabi, nasaan siya?

Para nang nilindol ng magnitude 7 ang eroplano. Ito nga ang sinasabi ko. We're facing another danger. At tiyak na mamatay na kami nito. Nasa himpapawid kami tiyak na wala na kaming pag-asang makatakas. Napakapit ako sa upuan nang biglang tumirik na ang eroplano. Shiit..

"Ale!!! Where are you?" Takot kong sigaw.

Pumasok si John sa cabin.

"Miss Greene. We need to get out from here." Tawag niya sa akin habang nakalahad ang kanyang kamay sa akin.

"John, where is Ale?" Tanong ko sa kanya na di tinatanggap ang kamay niya.

"He's at the cockpit, tinulungan ang piloto kung may magagawa pa ba sila upang makaligtas tayo mula rito. Halika na." Sigaw niyang sagot upang marinig namin ang isat isa.

I was about to reached his hand nang tuluyang tumirik ang eroplano saka nadulas ako. Dumados-os ako at sa kasamaang palad nabagok ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

"Miss Greene!" Sigaw ni John. Naramdaman ko na hindi na tumirik ang eroplano at gumagapang na si John papunta sa akin. Padilim na padilim ang aking paningin hanggang tuluyan ng nakalapit si John sa akin. Everything became dark...
Narinig ko pang may sumabog at siya namang pagkawala ng aking ulirat.....
-------------------------------------------

****AUTHOR****
Napabalikwas ng bangon si Joanna nang napanaginipan niya ang masasayang mukha nina Ale at Thena. Ngunit bigla lang itong naglaho at nakita niyang nakaburol na ang dalawa.

Pinunasan ni Joanna ang kanyang noo na puno ng pawis.
'What the hell is the meaning of it'. Sambit niya sa kanyang isipan.
Hindi siya napakali kaya binuksan niya ang television. At laking gulat niya kung ano ang ulo ng balita..

---
MASAYANG nagmomovie marathon sina Dapne sa isang hospital private room na kung saan nakaconfine ang kanilang kaibigan na si Nazumi.

Araw-araw silang bumisita sa kaibigan at minsan doon sila natutulog sa kwarto nito. Gaya ngayon na napagpasyahan nilang magmovie marathon. Dahil natapos na nilang panoorin ang dala nilang kopya ng mga palabas ay naisipan nilang magrandom channel nalang. Nadaanan nila ang channel na pinapalabas ulit ang drama na ang bida ay ang kanilang mga kaibigan. Nasa last episode na ito.

Naluluha sila sa ending ng drama. Kahit nakita na nila ito ng paulit-ulit ay di pa rin nila maiiwasang mapaluha. Maluha-luha pa ang kanilang mga mata nang biglang nagbreaking news.

At lahat sila ay napatigil sa paghinga kung ano ang laman ng breaking news. Nabitawan ni Kendra ang bitbit na popcorn. Naibuga naman ni Anika ang iniinom niyang juice.
Napakuyom naman si Nazumi.

'ONE OF THE OXFORD PRIVATE PLANE CRASHED: THE OXFORD HEIR AND THENA GREENE WITH THEIR TWO BODYGUARDS, AND THEIR PILOT WERE THE PASSENGER OF THE PLANE'

The news were too breath taking. Theara Oxford even collapse after hearing the news.

Tatlo sa limang sakay ang nakuha na nilang bangkay. Samantalang dalawa naman ang na missing.

At ang dalawang namissing ay sina Thena at si Alexies. And everyone assumed that the two were already dead. Sino ba naman ang mabubuhay kung ang eroplanong sinasakyan ay sumabog at sa dagat pa ito bumagsak. Tiyak na inanod na ang mga bangkay nito.

Ang balita ay agad na kumalat sa buong daigdig.

Ang daming nagluluksa dahil sa dami ba namang fans na iniidolo silang dalawa. Puro pa naman sila leader ng kanya-kanyang banda. Hindi matanggap-tanggap ng mga malalapit nila ang nangyayari. Umaasa na sana ay buhay pa ang dalawa. Ngunit kahit masakit ay dapat na nilang tanggapin. Dapat nilang tanggapin na talagang wala na ang mga ito kahit walang bangkay nila na nakikita.

Hinding-hindi matanggap ni Theara ang pagkamatay ng anak na panganay hanggat Hindi makikita ang mga labi nito ay umaasa pa rin siya na buhay pa ang anak.

Even Joanna cried a lot after hearing the ungrateful death of the two. She once hate Thena but she was very thankful that Thena save her despite of the barrier between them. At sinusumpa niya sa sarili na kung sino man ang may nais siraan ang relasyon ng dating nobyo at ni Thena ay siya ang makakalaban. Dahil sa nangyayari, pinapangako na naman niyang magbabayad ang walanghiyang Elbert at buong Johnson sa pagkamatay ng dalawa.

-------------

Sa kabilang panig naman ay ikinatututwa nila ang maayos na kinalalabasan ng kanilang plano. Masayang-masaya ang mga ito lalo na si Albert Hooper at ang anak na si Elbert Whine. Matagal na nilang ginustong mawala ang mga ito dahil sa kagustuhang pabagsakin ang Oxford Empire hanggang sa tuluyan na itong mawala sa lipunan. They believe that the death of Prince Alexies and Thema Greene will be the greatest downfall of Alexon Oxford. And it looks like they're right.
They were too happy despite they lost a trusted spy slash trusted man. Takashiwa Natuh died when they chase Alexon and Theena. Sumalpok kase ito sa isang making truck na sana ay sa sinasakyan lang dapat nina Alexies. Nakailag kase sila Alezxies na hindi naman nito inaasahan kaya tuloy-tuloy ito sa malaking truck.

Garrett Romano were in jail. Nahuli ito habang sinusundan sina Alexies. Ngunit ang di inaasahan ng mga Johnson ay may nahuli ang mga taga awturidad na siyang nagmamaneho ng Lexus na inaakala nilang si Alexies Oxford. The France police checked the CCTV footage, at ganun na lang ang kanilang gulat dahil ang sakay-sakay ng sasakyan ay ibang lalaki kasama ang girlfriend nito. Kahit nakuha nila ang lahat na footage simula sa parking lot ng hotel na tinutuluyan ng dalawa, ay nakikita nilang ang dalawang nahuhuli ay talagang ito ang sakay-sakay ng Lexus. Hanggang sa matraffic ito kaya nahabol din ng mga police dahil sa over speeding.

Nakalaya din ang dalawang sakay ng Lexus dahil kitang-kita naman sa mga footage kung ano ang dahilan ng kanilang mabilis na pagpapatakbo. Ito ay may humahabol sa kanila.

Isinasawalang-bahala nalang nila ang sakay ng Lexus, ang importante ay ang sakay ng eroplano na walang ligtas sa patibong nila.

Masaya man ang taga Johnson, ngunit may mangilan-ngilan ay natatakot sa susunod na mangyayari. At may isa na nagluluksa sa pagkamatay nina Alexies at Thena. Sa maikling panahon na nakakasama niya si Thena ay napalapit na siya dito. At handa siyang kalabanin ang pinuno ng Johnson organization para makamit ang hustisya ng pagkamatay ni Thena.

Kahit natatakot siya ay kayanin niyang magpapakatatag dahil ito naman ang nakabubuti ng lahat. To stop the wrong doings of Johnson. Pero uunahin niya ang psychopath na si Elbert Whine na mana sa ama nitong si Albert Hooper. Uunahin niya si Elbert dahil ito ang nagset-up ng pagsabog sa eroplanong sinasakyan ng dalawang celebrity.

---------------------------------------------------
DO NOT FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND DON'T FORGET TO VOTE.

THANK YOU.
@sil3ntbadkiller

'SINO SA TINGIN NIYO ANG ISANG TAGA JOHNSON NA SIYANG NAGLULUKSA SA BALITANG PAGKAMATAY NG DALAWANG MAHALAGANG TAO NG OXFORD EMPIRE?'

Comment na kayo😊😊

THE LOVER OF THE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon