CHAPTER 61 (THE TRAP)
WARNING!!!
>This story is not edited so please do understand the typos and grammatically error….
*****THENA*****
Maaga kaming umuwi ni Ale sa hotel na aming tinutuluyan dito sa France upang aming ihanda ang aming mga kagamitan dahil mamayang hapon na kami aalis ng bansa.
Abala ako sa pag-iimpake samantalang si Ale naman ay abala sa kanyang computer.
He alarmed everyone about Elbert Whine. Natatakot nga ako baka kung ano ang gagawin ni Elbert sa amin. Alam kong may masamang balak si Elbert laban sa amin, pero sabi Ale ay dapat pagkatiwalaan ko siya.
Dumating si Tom at John. Tinulungan nila akong mag-impake. Ang mga bagahe namin ay nilagay sa isang waterproof na maleta. Nang tinanong ko siya, ang sagot niya for emergency purpose daw.
Di na ako nangungulit pa. Pagkatapos naming mag-impake ay nagluto ako ng pananghalian namin.
Past 11 na kase ng matapos kaming mag-impake. Kasalukuyan na akong naghihiwa ng Sibuyas ng biglang sumulpot si John saka pinatay ang stove at hinila ako bigla papuntang kwarto. Nagtataka ako dahil wala na ang aming mga bagahe sa kwarto at wala na doon ni Ale.
Magtatanong sana ako ng suminyas si John na tumahimik. Binuksan niya ang wardrobe saka pumasok siya doon. Dahil hila-hila niya ako ay napasunod nalang ako sa kanya. May tinulak naman siya at laking gulat ko nalang dahil bigla itong bumukas. It's a secret passage. Pinauna niya akong pinapasok sa secret passage dahil sinara pa niya ang pinto ng wardrobe at nang masiguradong nakalock na ito ay agad siyang sumunod sa akin.Dahan-dahan kaming bumaba ng hagdan. Nang marating na namin ang lagusan ay may itim na Lexus ang nakaabang. Binuksan ni John ang pinto at pinapasok ako. Di nagtagal ay dumating si Ale na nagmamadali. Tumakbo naman si John papunta sa isa pang sasakyan. Naunang umalis ang apat na itim na van, sumunod naman ang sinasakyan namin ni Ale bago ang sinasakyan nina John.
Naguguluhan na ako sa nangyayari.
"Fasten your seatbelt, Mi Amor." Oh yeah I forget to fasten it.
Amor ang tawag s akin ni Ale. Love daw ang ibig sabihin nito. Iwan ko b, Amor lang siya ng Amor sa akin.Agad ko namang sinuot ang seatbelt. Then boooom..
Humiwalay kami sa hilera ng mga Van.Nang malayo-layo na kami ay di ko mapigilang magtanong.
"What is happening, Ale?" Napakapit ako sa upuan dahil ang bilis niyang magpapatakbo ng sasakyan.
He hold my left hand before he answered. "Elbert is following us. He want me to die and he want you to live with him. And I won't let that to happen. Never." He seriously said and kiss my left hand.
"And I will never choose him over you." Maghunosdili ang Elbert na yun. Kahit siya pa ang nag-iisang lalaki sa buong mundo. I will never choose him.
Nasa kalsada na ang buong atensyon ni Ale ng may biglang tumawag. It's Tom.
"Tom?" Bungad ni Ale dito.
"Someone is following you. Ped mustang." Balita nito.
Tiningnan ko ang side mirror at laking gulat ko nalang dahil malapit na pala ito sa amin. Napakabilis ng pagpapatakbo nito towards our direction.
"Ale, watch out!" I nervously shouted. Tinapakan ni Ale ang gasolinador kaya hindi kami tuluyang nabangga ng pulang Mustang.
"That was so close." Takot kong saad.
Ale's gaze were focused at the road.
"Tom, na trace niyo ba kung sino ang nagmaneho?" Tanong ni Ale kay Tom.

BINABASA MO ANG
THE LOVER OF THE HEIR
RandomSimula noong bata pa sila ay may pagtingin na si Thena sa kanyang bestfriend na si Prince Alexies Simon Oxford or known as Ale. Pinapangarap niya na sa kanilang paglaki ay si Ale lang ang kanyang pagtuunan ng tingin habang buhay at kanyang papakasal...