CHAPTER 63 (MS. JOHNSON)

281 3 0
                                    

CHAPTER 63 (MS. JOHNSON)

WARNING!!!
>This story is not edited so please do understand the typos and grammatically error….

*****SOMEONE*****
Ilang buwan na akong nasa loob ng interrogation room na'yun at hinintay ko na darating na ang aking ina. Ngunit isang araw ay may isang agent na naghahatid sa akin ng balita tungkol sa tunay kong magulang. Ang tunay kong magulang ang siyang may kagagawan ng lahat na gulong kinagisnan ko.

I feel pity for Farra's real parents dahil sa inaakala kong hindi na nito makakapiling ang anak. Ngunit nasiyahan ako nang nalaman kong buhay pa si Farra. I need to find where she is. Kailangan ko ang tulong niya. Kailangang matigil na ang kaguluhang ito. Tiyak na magpapatuloy pa ang Johnson sa mga kasamaan nila. Kung hindi ko man makita si Farra, sa Mama niya ako lalapit or sa mga Oxford.

----------
******ALTHEA******

Tahimik ang buong silid. Makikita mo sa mga mata at mga mukha ng mga taong nasa loob ng silid ang kalungkutan at pagkasawi. Nasa harap ng mga nakahilirang upuan ang limang larawan na pinalilibutan ng mga puti at dilaw na mga bulaklak. May tatlong katamtaman ang laki ng larawan na nakatayo sa likod ng isang porcelain urn at sa ibabaw na bahagi naman ng kinalalagyan ng mga ito ay may dalawang malaking larawan. Ang isa ay babae at ang isa naman ay lalaki. Ang malalaking larawan ay larawan ng dalawa sa mga pinakaimporting tao sa aking buhay. My brother and our adopted sister. Tatlong araw na ang nakaraan tungkol sa pangyayaring pagsabog ng eroplanong sinasakyan nila. My brother's corpse ay di pa nakikita kasama na ang kay Ate Thena. Tanging ang tatlong lalaki lang ang nakita. Kina John, Tom at ang labi ng piloto ang nakuha mula sa nasusunog na eroplano. My brother and Ate Thena were still missing. Then we all assumed that they're dead. Sino pa naman ang mabubuhay kung sumabog ang sinasakyan niyo saka sa malalim pa ng tubig bumagsak.😢😢

Nandito kami ngayon sa isang chapel kung saan binurol ang ang tatlong importanting tauhan ni Kuya at ni ate Thena. They were always there to protect ate Thena and Kuya. Nag-alay nalang din kame para sa di pa nakikitang labi nina ate at kuya. Para sa kanilang kaluluwa.

Ngayong gabi na ang huling burol ng tatlo. Bukas ihahatid na sila sa Oxford private memorial Paradise. Isa itong libingan at isang columbarium kung saan nakalagay ang mga cremated remains.

I ran some glances at my mother who's still silent since we receive the news after she fainted. Si Daddy naman ay tahimik ring nakaupo sa tabi ni Mommy. Simula noong tatlong araw ang nakaraan ay abalang-abala si Daddy sa organization. They are planning how to halt the bad doings of Johnson as soon as possible. Kung ako ang papipiliin ay tiyak na kikitilan ko ang lahat na myembro ng Johnson. Ngunit ayaw ng aking ama na ilagay sa mga kamay ng batas. So, he wanted Johnson's to be in jailed instead of killing them. It's not easy to get them jailed, it takes a lot of time and it's so risky for the lives of T/3As agents.

-------------------
*****SOMEONE*****

Kitang-kita ko ang mga mukha na puno ng sakit na dulot sa pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay. Nakamasid lang ako sa kanila habang nilalagay nila ang mga urn sa maliliit na apartment sa loob ng columbarium.

Wala akong ibang paraan upang makaganti sa kagagawan ng aking kinikilalang pamilya na kinasusuklaman ko naman. Nandito ako sa labas ng Oxford Private Memorial Paradise, gusto kong makausap ang mag-asawang Oxford para sa aking plano. Hindi ko kase matrace ang bagong anyo ni Farra. Siya sana ang hingan ko ng tulong. Hindi ako makalapit sa kanila dahil sa rami ng mga bantay ng mga ito at dahil nasa listahan ng mga missing ang pangalan at mukha ko kaya hindi ako basta-bastang makalapit sa kanila. Alam kong hinahanap naman ako ng mga tauhan ng aking ama, at alam kong nasa paligid lang din ang mga ito, kaya mas lalong hindi pweding makita nila ako. Isa pa, hindi ko alam kong sino ang kalaban o kakampi sa mga taong nasa aking paligid ngayon.

THE LOVER OF THE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon