kabanata 7

221 130 52
                                    

Kabanata 7

Same thing

Elisha's POV

"Eli?" Parang nanginig ang buong pagkatao ko sa narinig kong iyon. Ibigsabihin ba nito.....

We already know each other since we were sixteen......

"Eli..." Hindi ko alam ang dapat maging reaksyon ko. Matutuwa ba ako? Dahil nakita ko na sya. O magagalit dahil iniwan nya ako noon at ipinagpalit sa batang kakikilala pa lamang nya. Medyo masakit pa rin sakin ang mga alaalang iyon. Ni hindi ko nga alam na iyon na pala ang huli naming pagkikita!

"Lumabas ka muna." Malaming kong sabi sa kanya. Ayoko munang maglabas ng kahit anong emosyon sa kanya lalo na at masyadong masakit ang ginawa nya sa akin noon. Yung sakit na para bang nagbalik? Bigla ko na lamang iyon naalala at kahit sobrang tagal ng nangyari iyon, nananatiling sariwa ang sugat na iniwan nya, maaaring naghilom ito pero may hapdi pa rin!

Sabay ba kaming natauhan sa mga pangyayari?

Ngayon parang nakapag baliktanaw ako ng panandalian sa nakaraan. Lahat ng emosyon ko noong nalaman kong hindi na sya pumupunta sa aming tagpuan! Oo, masyado pa akong bata noon ngunit hindi mapurol ang utak ko sa pag-intindi ng mga bagay-bagay! Pagkatapos pa ng pangyayaring iyon ay nagkagulo sa palasyo, pakiramdam ko'y tinalikuran ako ng lahat! Sarra used to call me Maria dahil napakasimple daw nito at mahinqhon palinggan lalo na kung boses nya ang gagamitin. Malambing ito na kahit sino ay mapapa-ikot nya, sa pagkakaalam ko ay matanda lamang sya ng isang taon sa akin.

Binuksan ko ang bintana upang magpahangin.

Sana pala hindi ko na lamang ito naalala pa. Sana hindi ko na lamang ito napanaginipan kase sa tinggin ko hindi mag-iiba ang trato ko kay Ayu.

Balak ko sanang lumabas kaya lang, paano ko haharapin si Ayu kung sakaling magkasalubong o magkita kami sa labas? Dapat ba akong magpanggap na walang nangyari? Or sabihin ko na lang masakit ang ulo ko kanina kaya hindi ko muna sya napapasok? O mas dapat ko bang sabihin ang lahat na sobrang nasaktan ako sa mga nangyari dati?Ang hirap! Hindi ko alam!

Mahirap kase yung ako lang yung nasasaktan!

Napagpasyahan ko munang maligo sandali upang maibaling naman sa iba ang aking atensyon.

---

Tapos na akong maligo, nagpupunas na lamang ako ng aking balat. Naglagay ko rin ng kaunting pabango upang magkaroon manlang ako ng amoy. Kase ang mga makakapangyarihan na gaya ko ay mas naaamoy ang lakas ng kapangyarihan kesa sa pabango, matapang daw ang amoy nito. Kaya ang mga werewolves at vampires ay mas madali nilang malaman kung nanggaling ba kami sa mrangyang pamilya.

Mayroon din namang mga pinagpala at kahit mahirap sila ay masyadong matalas ang mga senses.

Now, I am wearing a floral off shoulder dress, it has the scent of a flowers from East that's why this is my favourite but then hindi lahat afford magkaroon nito. Dahil 10 ginto ang kapalit nito sa tagapagbantay ng lugar na iyon. Masasabi ko rin na makapangyarihan ang babaeng iyon mula sa kanyang tindig kaya minsan ninais ko rin na bumalik roon.
Pero sa tingin ko huwag muna ngayon.

Dumiretso na din ako sa baba dahil kakain kami ng umagahan ngayon ng sabay-sabay. Oo, minsan lang ito mangyari at baka hindi an rin ito masundan dahil nabanggit ko naman na si Ayu na ang mamumuno sa Palit, at mukhang bukas na bukas ay aalis na sila patungong Palit.

Nadatnan ko roon si Misu, napailing na lamang ako. Alam kong medyo natagalan ako sa pagligo ngunit bakit sya palang ang nandito.

"Misu, nasaan na sila?" Patukoy ko kina Ayu at Clara--ang kakambal ko, Clara ang tawag namin sa kanya.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now