Kabanata 19

31 5 0
                                    

Elisha's POV

I can't do anything when they finally remove the crown on me. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari, tila kay bilis kung tutuusin. Sobrang sakit. Pagkatapos ng ginawa ko sa kanila ay agad-agad gumawa ng pagpupulong si Aunt Marcy upang mapaalis ako sa trono. Sinubukan kong itanggi lahat. But everything was fabricated and no one defend me. Pinagbotohan ng ilang konseho ang gagawing pagpapaalis sa akin sa trono, ang iba ay hindi makatingin sa akin habang ang iba naman ay nakangisi na tila ba tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

Dahil sa mga kasinungalingan nila agad akong napatalsik bilang reyna. Sa tulong ni Aunt Marcy mas lalong kinampihan si Ellison, dagdag pang sumang-ayon dito si Ayu. Samantalang si Misu lamang ang pumili sa akin. Amd now nabawasan na ang karapatan ko sa sarili kong kaharian. Maraming ginawang pagbabago si Ellison na dahilan upang maraming magutom sa s'yudad. Gusto kong magreklamo sa isang linggo n'yang pamumuno dahil kitang-kita naman na hindi n'ya talaga kaya. Ngunit masyado pa akong mahina, nag-iipon pa ako ng lakas kung sakali. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ngayon dahil tiyak ay s'ya pa rin ang kakampihan ng lahat. Kung hindi nga lang daw ako anak ng isang Marforia ay paniguradong pinalayas na ako dahil sa sobrang pambabaliktad nila sa pangyayari.

Napaayos naman ako ng tayo ng biglang may pumasok na mga tagapagsilbi sa aking kwarto.

"Anong ginagawa n'yo dito!?" Halos nanggagalaiti kong tanong sa kanila.

"Utos po ng reyna na tanggalin po ang lahat ng gamit n'yo dito dahil dito na daw po ang magiging kwarto n'ya." Tila lalong nag-alabang damdamin ko sa sinabi ng matandang iyon kaya pabagsak kong binitawan ang vase na hawak ko.

Isn't enough?! Lahat na lang ba talaga ng akin ay balak n'yang angkinin?

Dali-dali akong nagpunta kung saan s'ya naroroon. Nadatnan ko itong umiinom ng tsaa habang nakikipagtawanan kay Ayu. Nang mapansin naman ako nito ay biglang sumeryoso ang mukha nito.

Tinaasan ko lamang ito ng kilay at padarag na hinatak.

"Ano ba Elisha nasasaktan ako!" Kaartehan!

"Wala akong pake!" Binitawan ko lamang ito ng makarating kami sa isang sulok. "Ganyan ka na ba talaga kababa? Inggit na inggit ka na ba talaga sa'kin ha?" Mas lalo kong pinagdiinan sa mukha n'ya ang mga salitang binibitawan ko. Makikita sa mga mata n'ya ang takot pero bigla itong napalitan ng ngisi. Ano pa ba ang aasahan ko e baliw na 'to!

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Elisha at tsaka wala kang karapatan na basta-basta lang akong hatakin." Hindi ako mapaniwalang may lakas pa s'ya ng loob para sabihin sa akin 'yon.

"Ano ba Ellison!? Gumising ka nga!" Sabay yugyog sa kanyang mga balikat. "Nasayo na lahat! Nakuha mo na! Ano pa bang gusto mo!?"

"Bakit ba? K'warto lang naman 'yon, bakit parang big deal pa?!" Fuck her.

"Yeah, it's just a room. Can't you afford to stay in your room?" Halos puno na ng pagsusumamo ang boses ko dahil halo-halong emosyon.

"Shut up Elisha, you don't rule me. " she left.

I guess I really don't have a right for now. Just wait.

Hapunan na ng nagpasya akong lumabas sa masikip na kwartong ito. Kumpara sa tunay kong kwarto, mas malaki ang espasyo no'n. Hindi ako sanay dito. Kailangan may gawin ako. Hindi ko mahahayaang magtagumpay si Ellison.

Kakausapin ko na lamang si Misu at baka sakaling matulungan n'ya ako kahit papano.

Nang bumaba ako sa hagdan ay nakasalubong ko si Vamy na dahan-dahang umaakyat sa hagdan habang nakayuko. Muntikan na nga itong mahulog ng mapagtantong may tao sa harap n'ya.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now