Kabanata 59

40 0 0
                                    

Kabanata 59

After a few months...

"Sobrang laki naman ng tiyan mo, may pakwan lang sa tiyan ang peg?" Pang-aasar sa'kin ni Ellison.

Inirapan ko na lang siya dahil totoo naman ang sinasabi niya, malaki na talaga ang tiyan ko. HIndi na din ako gaanong nakakakilos dahil ang bigat, kaya sina ama at ina na ang namamahala muli sa Marforia. 

"Kambal 'yan hula ko," komento ni Dorothy.

Lagi na nga pala siyang bumubisita dito nang malaman niya na buntis pala ako. Hindi ko masasabing magkaibigan na kami ulit pero there's closure naman na. She already asked for forgiveness because she was too immature raw, and I guessed wala naman na akong hinanakit sa kanya dahil ayos na sa akin na na-realize niya na 'yung mga mali niya.

Sa mga nakalipas na buwan ay maraming nagbago sa akin. Napapagod agad ako kahit wala pa akong ginagawa, mas nararamdaman ko na din ang bata sa aking sinapupunan dahil malikot sila. Hindi ko makkalimutan ang unang beses na sumipa ito, nagulat ako kaya bigla akong napahawak sa pader at nagyelo ito. Lubos na nagtataka ang mga tagapagbantay ngunit ang pilya kong kapatid ay pinagtatawanan pa ako. Sinasabi niya'y wala na akong kontrol sa kapangyarihan ko. 

 "Love, kamusta pakiramdam mo? Can you walk?" Tanong ni Riyen habang inaayos ang buhok.

 "I don't think I can, ang bigat ng tiyan ko..." sagot ko at tsaka hininas-himas ang tiyan ko.

 "I told you, kambal iyan." 

 Pinanlisikan ko naman agad ito ng mata. "Paano kung hindi? Malay mo malaki lang talaga siya!" 

 Sa tuwing iniisip ko na kambal ang lalabas sa akin ay nanghihina ako, baka hindi ko kayanin, but every time I imagine their faces, nae-excite ako. 

 "Love, paano kung kambal? 'Diba Elainh Tesha lang naman ang napag-usapan natin?" 

 Napa-isip naman ako doon. "Uhm, Jasmine na lang kaya?"

"You got her name from your favorite flower, huh? Then that would be unfair for Elainh," he explained. 

 Naramdaman ko naman na tapos na siya sa pagbe-braid ng buhok ko kaya humarap na ako sa kanya. 

 "Bakit naman unfair 'yon?" 

 "Arabian Jasmine is your favorite flower, while the name Elainh is not." 

 "Sa tingin ko naman ay hindi sila lalaking ganyan mag-isip. I would teach them a lesson if they're biased with their opinions, you know, we shouldn't be like that, stop giving meanings. Just because I got her name from my favorite flower it doesn't mean na paborito ko na siya. Riyen, we should be a good example to our kids so—" he cut me off.

 "Does that means naniniwala ka na sa'kin na kambal nga sila?"

 "Wala akong sinabing ganyan!" 

 "You said 'our kids'!"Napailing na lamang ako. "You're unbelievable. At tsaka bakit ayaw mo nang kambal, love?"

"Riyen, I'm afraid...Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. I felt anxious at the same time excited."

Ngumisi naman ito ng nakaka-asar. "Don't be nervous 'cause I'm always here..."

Hindi ko na rin napigilan ang nangingilid kong luha, sa loob ng ilang buwan ay sa'kin lamang nakatuon ang atensyon nang lahat maliban sa mga mamamayan dahil hindi pa kalat ang aking pagdadalang-tao.

Napatingin naman ako nang may biglang kumatok at diretso pang binuksan. Kapal na talaga ng mukha e 'no.

"Hoy, bumaba na raw kayo," mataray na sabi ni Ellison tsaka ako kinindatan.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now