Kabanata 32

23 1 0
                                    

Kabanata 32

Elisha's POV

"How long will you going to keep that vampire?"

She's talking about Vamy. Sa totoo lang ay wala akong balak na isama s'ya ngayon pero dahil nga kailangan ito dahil isa s'ya sa mga pinaghihinalaan ay kailangan pagmasdan ko s'ya lagi. Dapat nga ay si Misu ang kasama ko pero hindi ko s'ya makita.

"As long as I c-can." May pag-aalinlangan sa aking sagot dahil hindi ko alam kung sa hawat kilos n'ya ay may binabalak na ba s'ya sa'kin.

Nandito kami ngayon sa bahay nung lalaking nasunod na napag-alaman namin si Mang Isto. Ang bahay n'ya ay noong nakaraang linggo pa sinara pero dahil ako ang Reyna ay mas napabilis ang pagsunod nila. Isinama ko dito si Ayu para pagmasdan ang magiging reaksyon n'ya kung sakaling may makita kaming ebidensya.

Si detective na rin ang nagsabi na kailangan ko itong gawin upang masigurado na rin na kung may magbagao man sa panahon ngayon ay tiyak hindi si Ayu dahil kasama ko s'ya.

"What ddo you think we will find here?"

"Evidence?" I asnwered.

Patuloy kami sa pagmamasid bago pumasok sa kwarto. Kapansin-pansin na walang ginalaw na kahit ano dito kaya may mas malaking tsansa na may makita pa kami dito. Napag-alaman ko din na mag-isa lamang s'ya kaya walang iba ang pwedeng mag-bantay sa bahay.

Pero hindi ko din naman pwede sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko dahil baka magtanong ito kung saan ko ito nalaman. At baka mabisto pa kami ni detective.

Tiningnan ko naman ang mga drawer at walang makikitang papel na pwedeng gamitin upang gawing mensahe.

"Wala naman tayong makikita dito, umuwi na lang tayo..."

"Teka! Kararating lang kaya natin!" Pigil ko sa kanya.

Kung ganyan s'ya aasta ay baka lalo ko s'yang paghinalaan.

Bumuntong hininga na lamang ito at  parang napilitan na lang tumulong.

Napa-isip naman ako, kung hindi sila nag-uusap gamit ang papel ko kahit anong pwedeng maging ebidensya ay baka nag-uusap sila gamit ang isip? May point ako doon pero parang napaka-imposible naman kung ganoon.

Pero pwede din namang kinokontrol s'ya nung araw na 'yon kaya hindi s'ya makapagsalita at noong balak na n'ya umamin ay tsaka tinapos ang buhay n'ya. That's cruel.

Is he being manipulated?

Napahinto naman ako sa paghahanap dahil sa naisip. Yes! It's possible na manipulated lamang ang lalaki kaya n'ya nagawa iyon. Pero si Sarra lang ang may ganoon. Matagal na rin akong walang balita sa kanila at sabi din ng mga tagapagbantay ko ay mukhang wala na sila sa Marforia dahil wala na silang bakas dito.

Naniniwala naman ako sa kanila dahil magagaling ang mga iyon.

Napailing naman ako sa iniisip ko at agad bumalik sa paghahalungakat. Ilang minuto lang ang nakalipas ay muling nagreklamo si Ayu.

"Let's just go, nagsasayang lang tayo ng oras dito!"

"Nag-sasayang? Are you sure? Hindi mo ba alam kung ano ang pwede nating makita dito? What if he has the evidence that could lead us to the culprit?!"

"We can let the others do this job, let's go."

Aangal pa sana ako pero dumiretso na agad s'ya sa labas. Gusto ko pa sanang maghalungkat pero hindi ko pwedeng iwala ang tingin ko sa kanya at mahirap na.

Sa ngayon ay maayos ang panahon kaya hindj namin kailangang mag-teleport ngayon.

Napilitan na akong sumakay sa kalesa dahil sa kanya. Sa totoo lang ay naiinis na ako dahil ayaw n'yang maki-cooperate sa'kin pero hindi din naman mawala sa isip ko na kailangan kagi akong nakabantay sa kanya. I have no choice but to linger around him.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now