Kabanata 29

22 2 0
                                    

Kabanata 29

Elisha's POV

Ng makabalik ako sa palasyo ay samut-saring tanong ang inabot ko kay Vamy. Akalain mo 'yon kahit pilipit ang dila ay napaka-daldal pa rin. Buti na lang at naniwala s'ya sa'kin na may kailangan lang akong tignan sa Academy. Hindi naman na s'ya nagtanong pagkatapos no'n.

Narito kami ngayon sa training room kung nasaan si Szain. Nakakagalaw naman na ito kaya lang ay paunti-unti pa lang. Manghang-mangha ang dalawa. Dapat nga ay masanay na sila sa mga ganitong bagay dahil ditl sa immortal world hindi lang kagaya namin ang makakasalamuha nila.

Their papers was actually processing and the estimate time was next month. Siguradong pagka-process ng papeles nila ay bakasyon na sa dalawang akademya kaya sakto sila para sa second semester. But I think it will be hard for them since they have to adjust a little bit more because some students will not treat them nice.

Vamy was left in our room. She said she wasn't feeling well so I have to ask Caine if she can make tomato juice secretly. Alam ng mga tagapagsilbi na ayoko ng tomato juice kaya magtataka lamang ang mga ito kapag nalaman nila. I know Caine have ways since isa naman s'ya sa mga pinagkakatiwalaan ko pero kung nandito pa rin si Ellison ay tiyak na mahihirapan lamang kami.

"Ate, anong purpose ni Szain? Does she have powers too?" nakapangalumbabang tanong ni Jaeda sa'kin.

Napa-isip naman ako do'n. Teur can fight on his own because her body wasn't weak as others but in Szain's situation she can't, because she might melt.

"Do you think retrocognition will be fine?" I asked.

"Ano ba 'yon Ate?"

I almost forgot hindi nga pala nila alam ang abilities na maaaring taglayin ng isang immortal. Well, Sigurado naman ako maituturo 'yon sa academy.

"Uhm, sabihin na lang natin na she can recall past events of a person by touch?"

Napagtango-tango na lamang sila sa sinabi ko. As a Queen, I can easily put an ability to a living but that depends on how much power I have to consume. Kase kapag masyadong marami ang kailangan ay baka mamatay naman ako. Pero kung kagaya lamang ni Szain ay madali lang.

"Dito ba muna kayo?" Tanong ko sabay hikab.

"Ah oo Ate, you look sleepy."

"You can sleep muna Ate kami muna dito..."

"Sige, I'll leave you two here ah. Matutulog lang muna ako..."

I'm so sleepy! Kulang na'ko sa tulog dahil sa stress na naidudulot ng kung sino man 'yon.

Lumabas na lang ako ng training room at dumiretso na agad sa kwarto. Naabutan ko naman si Vamy na halos wala ng saplot kundi panloob na lang at parang init na init. Pinakiramdaman ko naman ang panahon, hindi naman gaanong mainit dahil nga walang tigil ang pag-ambon!

Sa tuwing nakikita ko ang pagpatak ng mga ulan naiinis na tuloy ako!

Umirap na lang ako sa kawalan dahil baka sakaling mabawasan yung inis ko. Pero talagang inaantok na'ko kaya humiga na lang ako ay natulog.

Pagkagising ko ay ako na lamang mag-isa sa kama. Panigurado ay nasa banyo lamang si Vamy. Sumilip naman ako sa malaking bintana na daan papunta sa veranda. Mag-gagabi na pala. Mukhang napahaba ang tulog ko! Tsk!

Naalala ko naman ang dalawa na iniwan ko sa traning room. Siguro naman ay bumalik na sila sa kwarto nila dahil matakino naman sil 'di ba?

Kinuskos ko muna ang mata ko bago nagsuklay sa harap ng salamin.

"Medyo nabawasan na din pala ang itim sa ilalim ng mata ko, buti naman..." usal ko sa aking sarili.

Bumaba lang ako sandali upang sabihin kay Caine na dalhan na lang kami mamaya ng pagkain. Pagkatapos noon ay umakyat na ulit ko pero nakasalubong ko pa si Misu. Hays. We always bumped each other here!

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now