Kabanata 43

19 1 0
                                    

Elisha's POV

Hindi ako mapakali habang papunta kami sa train station kung saan ako sasakay upang makapunta sa Magicis. Maya't-maya ay nagtatanong ako kung malapit na ba kami pero isang oras pa raw, pagkatapos naman ay 2 oras ang ilalaan sa train, sobrang kumakalabog ang puso ko sa kaba. Bago ako umalis kanina ay sinabihan ako ng tagapagsilbi na iyon na isang patimpalak ang aking pupuntahan kaya lang ay hindi ko talaga maalala. So sa loob ng apar na taon ay maaaring nangyari ang pagkawala ng memorya ko, pero mahigit isang daang taon na ang nakakalipas simula nung nawala ang mga magulang ko sa pagkaka-alala ko, paanong nangyari na nito lang ako nawalan ng alaala at bakit pili lang?

Halos kalahati siguro ng kaalaman ko ay nabura pero bakit wala ni-isa sa paligid ko ang nagbabanggit ng mga kaganapan four years ago. Ni mga dyaryo wala akong makita, kahit mga usap-usapan ay wala din! Impossible namang alam nilang lahat na wala talaga akong maalala? Posible kaya 'yon? Pero dapat ang alamin ko muna ay ang dahilan ng pagkawala ng alaala ko. But I don't know where to start. It's between this year and four years ago!

Sa makatutal ay kailangan kong magbalik sa mga isyu noong mga panahon na iyon dahil baka may makuha akong mga importanteng impormasyon na may kinalaman sa akin. At kailangan ko din maghanap ng mga lumang dyaryo. Hindi ako makapaniwalang ganito ang naging buhay ko. Tuwing gumigising ako nagdadasal ako na sana panaginip na lamang ang kahapon para hindi totoo na may nakalimutan talaga ako. Kung panaginip na lang ang lahat sana magising ako kung saan buo kaming pamilya.

Pinagmasdan ko madilim at tahimik na kagubatan. Mag-gagabi na dahil natagalan pa kami kanina kaya mukhang madaling araw na akong dadating doon sa Magicis, sakto at bukas pa naman daw ang simula doon. Hindi ko maialis ang tingin ko sa labas dahil hindi ko rin maipirmi ang jtak ko sa pag-iisip ng mga dapat kong gawin.

"Malayo pa rin ba?" tanong ko.

"Malapit na po tayo, Mahal na Reyna. Nakikita ko na po ang ilaw ng tren!" maligayang sambit nito na nakapagpagaan at nakapagpalakas ng loob ko.

"Pakibilisan na lang!"

Huminga ako ng malalim at inayos ang kasuotan ko. Sumilip ako sa labas at tama nga siya, natatanaw na ang nga ilaw na nagmumula sa tren na sa tingin ko ay ang sasakyan ko. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagbaba dahil sa sobrang excited at muntikan pa akong matalisod buti na lang ay nahawakan ako nito.

Inihatid ako nito sa sakayan at nang bumukas ang eleganteng pintuan ay nagmamadali akong sumakay upang wala ng masayang na oras. Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang parang mansyong loob. Hindi ko inaakalang ganito pala ang loob ng mga sasakyang patungong Magicis. Nakakamangha!

Naupo na ako sa malaking sofa at nagulat ako ng biglang namatay ang ilang ilaw kaya magmukhang nakaka-antok ang aura sa loob.

Sa lawak ng loob nito ay talagang feel at home ang nararamdaman ko.

Sa may dulo ay may malaking bintana na sa tingin ko ay maganda ang tanawin ay dali-dali akong nagpunta doon at binuksan ang malaking bintana. Nang tuluyan ko itongnabuksan ay akala ko tatangayin na ako sa labas dahil aa lakas ng hangin. Natawa naman ako sa sariling kaabnuan, ang mga hibla ng buhok ko ay halos nakakain ko na lahat sa sobrang lakas ng hangin. Tumingala ako at inilabas ng kaunti ang ulo ko at natanaw ang blangkong langit. Wala ni isang bituin. Panigurado ay uulan bukas. Mukhang mahirap na labanan ang mangyayari bukas dahil nagyeyebe at mukhang uulan bukas. Sana ay maging ligtas sila Jaeden at Jaeda kahit na maliit ang tsansang magkita kami doon.

"Pakiusap lamang ay huwag ilabas ang kahit anong parte ng katawan sa bintana!"

Nauntog naman ako dahil sa biglang pag-anunsyo nito. Damn! Ang lakas-lakas pa! Mukhang ba akong bingi?

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now