Kabanata 8

235 124 70
                                    


Kabanata 8

Paglalakbay

Elisha's POV

Nagsimula na akong maglakbay upang matagpuan ang Fail Ocean, hindi ito nabibilang sa mapa ngunit nandito ang halos kalahating porsyento ng mga sirena kaya siduradong mas mapapadali ang aking misyon. Iniwan ko sa bahay ni Chesi si Teur--ang aking kabayo. Sinabi n'ya din kasi sa amin na kinakailangang mag-isa lamang kami sa paglalakbay. Dahil kung sino ang mauna yun lamang ang maigagawa nya dahil isang kaliskis lamang ang kailangan n'ya para makabuo daw ng panibagong potion.

Habang nasa kagubatan ako ay may isang puting lobo ang humarang sakin. Umangil ito na para bang kahit anong oras ay maaari s'yang umatake.

Hindi ba nya ako nakikilala?!

"Puting lobo!" Sigaw ko dito. Teka! Kilala ko ang mga mata n'ya! Hindi ako maaaring magkamali! Ang mga matang iyon ay kay Ayu! o_O

Dahan-dahan itong lumapit sa akin at ikinuskos ang kanyang ulo sa aking binti na animo'y nagpapaamo. Argh, ang mga balahibo nya nagdidikitan na sa binti ko!

"Ayu! Bumalik ka na sa dati mong anyo!" Hindi ko alam na may kakayahan pala syang maging lobo! Nakakainis, akala ko kilala ko na sya, akala ko alam ko na ang mga kilos, akala lang pala. Sabagay ilang dekada na din simula noong huli kaming nagkasama kaya bakit pa ako magtataka?

Unti-unti na itong bumabalik sa dati n'yang anyo, masasabi ko lang na kahit gaano ba s'ya kabalahibo gwapo pa rin, habang bumabalik s'ya sa dati n'yang anyo nag-iiba na din ang kulay mg kanyang mga mata ngunit kahit maging anong kulay ito ay palagi ko itong makikilala.

Tumalikod ako sandali dahil siguradong wala itong saplot o huwag na lang kaya? Ay ang harot!

"Tapos na ako Elisha." I faced him, he look so serious. I don't know why. He slowly walked to me. Ang mga mata n'yang nag-aalab ay lalong nakakapagbigay sa kanya ng appeal. Kahit sino siguro ay magugumaling sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Kaninang umaga ay bumaba ako para mag-almusal ngunit ang sabi ni Caine ay nagmamadali  ka daw umalis."

Why do you care? Kahit hindi ako bumalik ay dapat wala na s'yang pakialam doon! Akala ba n'ya hindi ko nakita ang pagyayakapan nila ni Clara? Kung selos man ang tawag dito ay ganoon na nga siguro ang nangyayri sa akin.

"Ano naman?" Mataray kong tanong.

"Elisha, bakit hindi ka nagsabi? Maaari naman kitang samahan." Aba't ang mukha ay oarang nagsusumamo pa! Akala ba n'ya ay mauuto n'ya ako?

Hindi ako marupok!

"Hindi naman ako ganoong kabastos upang guluhin ang inyong pag-ya-ya-ka-pan!" Hindi ko naman gaanong pinagdiinan ang pagyayakapan nila. -,-

"Elisha ma-"

"Shut up!" Grr! Naiinis ako sa kanya! Bakit pa n'ya kailangang magmaang-maangan, nakakairita! Ewan! Bakit nga ba ako naiirita? Bakit?

"Elisha, gusto mo ba samahan na lamang kita?" Hmm, siguro ay mas madadalian naman ako kung kasama sya, hindi naman malalaman ni Chesi eh. At tsaka mukha namang may maitutulong s'ya.

"Sige." Yun lamang ang naibigay kong sagot sa kanya.

"Hm, gusto mo bang mapabilis tayo?"

Shempre! Sino ba namang hindi!

"Sa paanong paraan?" Tiningnan ko lang s'ya habang nakataas ang aking mga kilay. Kung makakatulong ang kanyang ideya ay papayag ako kung sabagay masakit na rin ang aking mga paa. Tatalikod na sana ako ng nabigla ako sa kanyang mabilis na kilos, hinawakan n'ya ang aking bewang at sumunod ay binubat n'ya ako ng parang pang-kasal at dali-daling nilagay si likod n'ya.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now