Kabanata 42

16 1 0
                                    

Kabanata 42

Paano ba umabot ang lahat sa ganito? Gusto ko lang naman maibalik ang alaala ko, pero bakit ganito ang nangyari?

Kung naririnig man ako ng mga bathala ngayon, sanay pakinggan nyo naman ako. Pakiramdam ko may galit kayo sa akin. Ano ba kasi ang ginawa ko noon? Bakit parang karma ata ang lahat ng ito.

"You want?" sabi ni Ayu at nag-abot ng orange.

Kinuha ko naman ito agad at aakmang balatan na sana ng may maalala ako.

"Ang baboy mo, Elisha!"

"What?! How dare you compare me to a pig?!"

"Ikaw kase! May kasamang laway yung buto! 'Pag ako nakaganti sa'yo, pasok 'to sa butas ng ilong mo!"

Napatakip naman ahad ako ng ilong dahil sa sinabi niya. Mahirap na, madaya pa naman ang isang 'to!

"Beng! Beng! Beng! Elisha, wala ka ng tatakasan, sumuko ka na! Napapaligiran ka na namin!"

"Shut up! Saliva man!"

"Kadiri ka talaga, Elisha! Like duh!"

"Manahimik ka nga! Why are you using my line?!"

"Like duhhh!!!"

Lalo akong naasar kaya isang buong orange na ang binato ko sa kanya at tumama iyon sa batok niya kaya napahagalpak ako ng tawa.

I wish that day never ends. Pinaglaruan ko na lamang ang orange sa kamay ko tinititigan.

"Where did you buy this?"

"Store. "

Whoa! Tila bumalik ang Ayu na unang beses kong nakilala ah! Store ha? Alam ko! Duh!

"Saang store?" I asked again.

"D'yan lang."

I sighed in defeat. Why he is so silent today?! Nakakainis naman.

"Naiinis ka ba?"

Napataas naman ako ng kilay sa naging tanong niya. Is he a mind reader or what?! Oh! I suddenly remember na si Misu nga pala ang mind reader sa kanilang dalawa. Kamusta na kaya si Misu? Ay teka! Kasalanan din naman niya yun e! Why am I concern?! Tsk.

"Will uhm... Misu be o-okay?" nag-aalinlangan kong tanong habang sinisimulan ng balatan ang prutas.

"Hindi ka naman marunong magbalat e!" saway nito sa akin at inagaw ang orange.

Tinitigan ko lang siya kung paano niya binalatan, gumamit pa siya ng kutislyo samantalang si Misu kamay lang.

"That's wrong, you can use your hand instead," I suggested with a low voice.

"Why? Because Misu taught this to you? Why stick on that when there's easier way?"

Natikom naman agad ako dahil aa sinabi niya. What he sais was right but...

Nang matapos na niya itong balatan ay nagulat ako ng makakita ng maliit na hiwa sa hinlalaki niya. Agad itong nagdugo pero may ginawa agad siya at natuyo na agad ang sugat.

"It's dangerous. Use your hands na lang next time, " paalala ko.

"It's already healed don't worry."

"But you wouldn't know how long it would hurt," madiin kong sabi at inagaw ang kamay niya tsaka diniinan ang partr ng nahiwaan.

Nakita ko naman kung paano siya napangiwi sa ginawa ko.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now