Kabanata 44

21 0 0
                                    

Elisha's POV

Nag-tulug-tulugan lamang ako pero talaga hindi nila ako binigyan ng almusal?! Anong karapatan nila? Ang dami ko ng gustong sabihin sa kanila kaya lang nagpapanggap nga pala akong tulog kaya kailangan kong i-maintain ang pag-arte ko. Pero hindi talaga ako makapaniwala na dito pa talaga sila kumakain sa harap ko!

"Ang sarap talaga magluto ng kapatid mo RT," malambing na sabi ni Dorothy.

And what? RT ang tawag niya kay Riyen!? Ang baho pakinggan sa totoo lang. Tss. At ano daw? May kapatid si Riyen? I wonder who he is. Lalaki kaya or babae? Mas matanda sa kanya or mas bata? Are they really that close kaya ipinagluluto pa sila? Hindi ba siya marunong magluto? Oh well, that's a total turn off for me. Duh.

"Alam mo naman na do'n lang 'yon magaling, hangang-hanga ka naman..."

Hinayaan lang niyang tawagin siyang RT? Kadiri naman sila! O baka naman 'yon ang tawagan nila? Hmm, I really hate eavesdropping pero nakaka-intriga ang pinag-uusapan nila.

"Ano nga palang gagawin natin diyan?"

"Hindi ko pa nga alam e, baka bukas pa kasi o mamaya dumating yung sundo," mahinang sagot ni Riyen at parang napakamot pa sa ulo

At teka nga lang ako ba ang pinag-uusap? Hindi ba sila nahihiya? Reyna ang pinag-uusapan nila! Grabe.

"Sobrang pabigat, nakakainis! Bakit ba kase kailangan pa nating tulungan 'yan!"

Muntikan na akong mapadilat sa tanong niya buti na lang ang napigilan ko ang sarili ko . Sumosobra na siya ah!

"Huwag mo naman siyang pagsalitaan ng ganyan, D."

Kung hindi lang talaga ako nagtutulug-tulugan ay baka nalait ko na ang nakakapanindig balahibo nilang tawagan.

"Sorry na, RT. Medyo nadala lang naman ako..."

"That's okay, ubusin mo na 'yan para makapagpaginga na tayo, D."

Argh! Nakakairita naman sila. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako naiirita na naririnig ko silang mag-usap. Una sa lahat, bakit ba kase nila ako sinama pa dito. I can't find my business here and I don't know where we are!

I can't stand it anymore!

Padabog akong tumayo at tumakbo pabalik ng tren, kaso nakasara pala. Tsk! Kapag nga naman minamalas ka! Nakakainis talaga ang araw na ito!

Susubukan ko na sanang gamitan ng ability ang pisteng tren ba ito ng bigla bumukas. Napaatras naman ako bigla dahil sa pagkagulat.

"I knew you were not sleeping."

Hinarap ko naman ang lalaking nagsabi noon at inirapan. Siya pala ang dahilan kung bakit biglang nagbukas. Wala pa rin akong pake.

"So?"

"We're not talking about you, it's about the bird we saw. Malaking ibon, you can check if you want," mahaba niyong eksplanasyon.

"I didn't ask and stop being defensive!" sabi ko at nag-cross arms.

"I'm not being defensive. Kasalanan ko bang nakasulat sa mukha mo na akala mo ikaw ang pinag-uusapan?"

"Malinis ang mukha ko at walang nakasulat, so stop bothering me and let's go back to Marforia or else you'll be punish! You two!" pasigaw kong sabi at dinuro pa ang nasa lamesang si Dorothy.

Pasalamat na lang siya at hindi niya ako naririnig.

"Okay, fine!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay pagpapakita ng pagsuko tsaka ko tinalikuran.

Sumalampak agad ako sa malaking kama at nagpagulong-gulong. Paano ko ba malalaman kung nasaan ako? Alam ko may paraan kung paano malalaman yun e! Paano nga ba. Wait, naaalala ko doon yun sa ikalawang stanza sa page 323 e, sigurado ako doon ko nasa yun e. Sandali nga, hindi ko talaga maalala. Nasa dulo na ng dila ko e!

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now