Kabanata 55

24 0 0
                                    

Kabanata 55

"I'm afraid that we won't be able to see each other in a while," malungkot kong sabi kay Riyen.

"What do you mean?"

"Dorothy and I are not in good terms anymore plus my mom still—"

"Alam ko...sorry ha? Kung dahil sa'ken sumusuway ka sa magulang mo," mahina nitong sabi.

Napayuko na lamang ako sa sitwasyon namin ngayon.

"Don't be sorry. We still have long way to go."

I wanted to cheer him up but I know I can also make him sad. Posible pala talaga ang bagay na iyon, pwede mo siyang mapasaya pero pwede mo rin siyang mapalungkot and I don't want it. I want the best for him. I know I'm such a fool dahil nakakahadlang ako sa pag-aaral niya at sa pangarap niya kaya I have to think about this.

"Sige, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo."

I still don't feel that we're okay. Pakiramdam ko ay dumami ang aking pasanin. He had to pursue his dream and he can't do that while he's dating me.

Sa pagitan namin ni Sarra, sino kaya ang mas maangat? Sino ang mas magaling? Sino ang mas matalino? Nanliliit na ang tingin ko sa sarili ko.

Napatingin naman ako aa kamay ko. I'm a failure. Hindi ko ma-kontrol ang sarili kong kapangyarihan, how can I defeat them? Kung magka-ayos lamang sana kami ni Ellison, siguro ay mas mapapadali ang ganitong sitwasyon.

Bigla namang kumirot ang puso ko kaya napaluhod ako sa daan habang nakahawak sa dibdib ko. Makalipas ang ilang segundo ay nawala din naman itong bigla.

Hindi ko maaaring magkamali, isa lamang ang dahilan ng ganito!

Dali-dali naman akong tumakbo patungong palasyo. Kahit ilang beses pa man akong matapilok ay tila hindi ko nararamdaman dahil manhid na ang mga talampakan ko. Pagkarating ko ng palasyo ay nakahandusay na lahat ng tauhan namin pati na rin ang mga tagapagsilbi.

Bumilis lalo ang pintig ng puso ko ng hindi ko mahagilap sa mga mata ko ang mga mahal ko.

"Ina! Ama! Ellison!" sigaw ko.

Nilibot ko ang buong palasyo pari na rin ang hardin at sa burol. Ang mga kawarto ay naka-iwang bukas lahat! Nanginginig akong tumakbo patungo sa pinakatuktok na tore. Where dungeons were built. Pigil hininga kong tinahak ang lugar na iyon habang iniinda ang mga gasgas.

Nang malapit na ako sa dulong hagdan ay may naabutan akong isang pigura na nakatayo sa harap ko. Walang iba kun'di si Mila, ang kapatid ni Sarra. The thief ability. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na ngayon ang taong humahawak ng ganitong kapangyarihan.

"Aren't you shocked to see me here?"

"I'm more shocked to see you there standing and doing nothing than your presence..."

Heto na nga ang kinatatakutan ko. Ang makahatap ang isa man sa kanila sa pinakamahalaganag oras para sa akin.

"Talaga?"

"Nakakapagtaka na hindi ko makita kahit isa sa pamilya ko, anong ginawa mo sa kanila?" diretso kong tanong.

Hanga ako sa sarili ko dahil gaaano pa ako kakaba ay hindi man lang ako nauutal. Hindi ko mapigilang pagpawisan sa mga titig niya kaya lumakad na lamang ako pataas na parang hindi siya nakikita mgunit tulad ng inasahan ay pinigilan niya ko. Hawak hawak niya ang braso ko habang naka-ngiti.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now