Kabanata 9

184 86 44
                                    

                                Dedicated to:  kinenly

Kabanata 9

Kaliskis

Elisha's POV

Malapit na naming malagpasan ang makikitid na daanan. Ibigsabihin ay malapit na kami sa ilog, maaari din na doon muna kami magpahinga dahil tiyak naman akong ligtas doon. Pinagpatuloy lamg namin ang paglalakad, kung sabagay maaari ko namang ipag-utos ito sa mga kawal ng palasyo ngunit sa hindi malamang dahilan ay mas pinili kong ako na lamang ang gumawa. Kahit na medyo malilim na ang aming dinaraanan ay tagaktak pa rin ang pawis namin. Napatitig naman ako sa kanya habang naglalakad. Mas nauuna kasi ito ng kaunti sa akin dahil malalaki ang mga hakbang na nagawa nito.

Matangkad ako pero mas matangkad s'ya, ang kulay ng kanyang buhok ay dark brown. Ang pawis nito ay tumutulo na sa kanyang batok papuntang likod. Hindi naman gaanong mainit ang suot n'yang damit ngayon at ang akin naman ay medyo presko pa. Bakit nga ba hindi ko subukang gamitin ang aking kapangyarihan. I'm the ice queen, pwede ko naman sigurong i-freeze muna ang mga puno para maging malamig kahit kaunti. Ang problema lang ay baka madamay ko si Ayu. Ayoko namang mangyari iyon, dagdag pa, kung hindi nga s'ya madadamay sa pagiging yelo, ay baka sobrang lamigin naman ito. Kaya 'wag na lang.

Dire-diretso pa rin kami sa paglalakad hanggang sa mapagtantong nakalabas na pala kami sa Suerya. Silumilay sa kanyang labi ang isang busilak na pag-ngiti dahilan kung bakit napangiti na rin ako. Nagkatinginan lamang kami dandali at dumiretso na ulit. Namangha ako sa ganda ng ilog, napakalinaw ng tubig.

"Gusto mo bang magpahinga muna, Mahal na reyna?" Nagulat naman ako sa pagtatanong n'ya dahil busy ako sa pagtingin dito sa paligid.

"Sige." Mukhang pagod ka na rin naman e. Yun na lamang ang naging sagot ko. Pinagpagan n'ya ang isang malaking bato para doon kami maupo. Pinauna n'ya ako ng ganon ay makahanap ako ng komportableng puwesto.

Pagkatapos naman ay umupo na rin s'ya. Sa pag-upo n'ya mararamdaman mo ang bigat ng paghinga n'ya tulad ng akin. Siguro ay talagang nakakpagod ang paglalakbay namin. Pero malapit na rin naman kaya hindi na kami aabutin ang gabi pagdating sa Fail Ocean.

"So kailan mo balak umuwi sa kaharian n'yo?" Pag-uusisa ko sa kanya. Napatingin lamang ito sa akin ng makahulugan. Kahit pala pawis na pawis si Ayu lumulitang parin ang kanyang kakisigan. Nakatitig lamang ito sa akin na para bang pinagmamasdan ang emosyon ko. Wala ba s'yang balak sagutin yung tanong ko?

Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay para malaman n'ya na nag-iintay pa rin ako sa kanyang isasagot.

"Wala na akong balak bumalik pa roon." Bakit naman?

"Huh?"

"Ano pa bang babalikan ko roon? Wala na si ina at ama, at tsaka masaya na rin ako dito, mahal na reyna." Binigyan n'ya lang ako ng isang matamis na ngiti. Binaling n'ya na ulit ang kanyang atensyon sa rumaragasang tubig sa ilog. Malakas ang agos nito ngayon kaya delikadong tumawid, panoguradong kakailanganin ko ang aking kapangyarihan para makatawid.

"Hindi mo ba inaalala ang mga mamamayan doon?" Tanong ko.

"Shempre, naiisip ko rin sila ang balak ko ay ipasa na lang kay Misu ang mga responsibilidad, gusto kong mamuhay bilang normal na mamamayan lamang. Ayoko ng posisyon na ito tila wala naman akong silbi." Naiintindihan ko s'ya. Ni wala manlang s'yang nagawa para sa kanilang kaharian pero paano naman si Misu? Kaya na kaya n'ya.

Naging tahimik ang pagpapahinga namin, walang nag-aatubiling magsalita. Kaya sumandal na lang ako sa puno na nasa likod ng batong inuupuan namin. Feeling ko narerelax ako. Habang si Ayu ay nananatiling nakatingin sa ilog na parang malalim ang iniisip. Kung sakali kayang bumalik s'ya sa kaharian nila ano kayang mararamdaman ko? At may gusto ba talaga si Clara Ellison Marforia kay Ayu Palit?

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now