Kabanata 24

18 1 0
                                    

Kabanata 24

Elisha's POV

"STOP DENYING IT!" nang-gagalaiting sigaw sa'kin ni Queen Crissana.

Pa'no ba naman ay paulit-ulit ang tanong n'ya malamang paulit-ulit lang din ang magiging sagot ko!

"Again, nasa'n ang anak ko?!" sabay hampas sa mesa.

Mabuti na lang at matibay kun'di pababayaran ko pa sa kanya 'yan e. Magtatanong na lang naninira pa ng gamit!

"Uulitin ko din! Wala na nga s'ya dito! Malamang nagtatago na 'yon!" kahit paulit-ulit kong itanggi mukhang hindi yata ito maniniwala.

Vampires are known for being clever. They will just going to repeat their questions until the prey slip her tongue. That's their technique. She want me to be confused but I'll be more tricky. If they have a technique then I also have one.

Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa'kin kung bakit parang takot na takot si Vamy na sumama sa kanila at 'yon ang gusto kong malaman mula sa kanila.

"Impossible! Ikaw na din ang nagsabi kahapon na nagpunta s'ya dito at sinabing itago s'ya!"

"Sinabi ko 'yon?" wala akong maalala huh?

"Nauubusan na ako ng pasensya Elis—" I cut her off.

"It's Queen Elisha..." maarte kong sabi.

Once na masabi na n'ya ang tunay na dahilan tatapusin ko an ang usapang ito. Kung nasa katwiran naman ang ina n'ya ay baka mapilitan pa akong kumbinsihin si Vamy pero kung hindi naman ay it's either a clash between our kingdom or she have to surrender.

"I don't care. Ilabas mo na ang anak ko o ako mismo ang maghahanap sa kanya dito!"

"Go on. Pero sa tingin ko may nasabi s'ya sa'kin nung nagkita kami e." pag-uumpisa ko sa finding-the-reason-why operation ko.

"What is it?!"

I know you'll be curious, chill!

"Ano nga ulit 'yun, Caine?" pandadamay ko kay Caine. Ang totoo n'yan ay scripted na ang mga sasabihin namin dahil ayaw talagang umamin ni Vamy kung bakit ayaw n'yang umuwi sa kanila. Sa tingin ko'y ginagawa lang n'yang palusot ang sumpa.

"Mahal na reyna, ang sabi po n'ya ay pinagmamalupitan n'yo daw po s'ya..." mahinahon na sabi ni Caine.

"Narinig mo naman 'yon siguro 'di ba?" sabi ko habang kinakalikot ang kuko ko.

Balita ko kasi na hindi pala talaga s'ya ang tunay na ina ni Vamy, bale itong si Queen Crissana ang latest na asawa ni King Viland kaya nabasura na ang tunay na ina n'ya. Gawa-gawa lamang talaga namin ang sinabi ni Caine.

"Ang kapal naman ng mukha n'yang magsumbong! Ilabas n'yo ang walang hiyang bata na 'yon!"

Nanlaki ang mata namin ni Caine sa sinabi ng reynang ito! Napatayo ako ng marahas. So talagang pinagmamalupitan n'ya si Vamy!? Nakakagigil! Hindi ko ito papalampasin! Anong akala n'ya? Porket s'ya ang bagong asawa may karapatan na s'yang gawin 'yon!

"Queen Crissana Alou Suerya... pwede kang mapaalis sa trono ng dahil sa pagmamalupit mo sa unang babae anak ng Hari, tama ba ako?" hindi ko na mapigilan ang pagiging sarkastiko dahil sa nalaman ko. Ang kapal naman ng mukha n'yang magpanggap na ina ni Vamy gayong pinagmamalupitan n'ya pala ito!

Hindi s'ya nakasagot. Malamang ay umiisip na ito ng dahilan upang mapagtakpan ang kanyang sarili. Pero hindi ko 'yon palalampasin.

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at gumawa ng sulat para sa Hari.

Reigning of Ice Queen ( Completed)Where stories live. Discover now