Part 1

52 4 2
                                    

EDITED

Part 1


Year 2003-2004

"UWAAAAAAAAAAAAAA!"iyak ng isang sanggol. "Congrats ma'am, your baby is a girl."binigay ng nurse ang sanggol sa kanyang ina. "Ano pong panggalan niya, ma'am?"tanong ng nurse. "Dan."masayang bati ng nanay ng bata.



"May pinanganak na babae ngayon at iyong babae na iyon ay siya ang iyong makakasama sa habang buhay."saad ni Lola habang hinahaplos ang aking kamay. "Talaga Lola?"bigla akong sumigla sa aking narinig. Di ko alam kung ano. Isa lang naman akong 3 years old na batang lalaki na kinitaan ng future 'kuno' ng Lola ko.


"Maganda ba siya, Lola? Pwede ko ba siya makalaro? Kilala ko ba siya? Pwede ba nating puntahan siya, Lola?"masiglang bati ko. Napailang nalang si Lola sa aking naging reaksyon. Samot-saring reaksyon ang mababasa sa aking mukha. Sino kaya ang tinutukoy ni Lola? Gusto ko na siyang makilala. Tiyak maganda siya. Parang crush ko na ata siya!

Dahil alam ko sa murang edad ko napakalikot ko, pumunta ako sa library ng aking Lolo. Upang magbasa ng mga libro, mahilig akong magbasa ng mga libro. Habang ako ay nag-iikot sa library ng aking Lolo may nakita akong kakaibang libro. Hindi ko alam pero kinuha ko ito. Parang may sariling buhay ang aking mga kamay at kinuha ang librong iyon. Nagsitayuan ang aking mga balahibo noong kinuha ko ang libro. Binuklat ko ito. Hindi ko mabasa ang nakalagay doon parang ibang lengwahe ang nandoon. Sa pagbuklat mo may naririnig akong mga bulong na hindi ko wari maintindihan. Parang mga kaluluwang nanghihingi ng tulong. Napailing nalang ako, guni-guni ko lang siguro iyon. Habang binubuklat ko bawat pahina ng libro may mga nakita akong kakaibang nilalang parang mga demonyo na hindi ko malaman kung totoo o hindi.


"Anong ginagawa mo dito, Josh?!"parang nakakita si Lolo ng multo noong makita niya ako kasama noong librong iyon. "L-Lolo!"takot kung tawag. "Wag na wag mong pakikialaman ang gamit ko lalong-lalo na ito. Delikado 'to para sa'yo."galit na tugon niya. "Ano po ba kasi iyan, Lolo?"inosente kong tanong. "Wala. Di mo na kailangang malaman pa. Wala kang dapat malaman sa libro na ito. Umalis kana dito."pinapaalis na ako ni Lolo sa kaniyang library.


Kunot noo akong lumabas. Ano ba kasi iyon at napaka mahiwaga naman noon?Nakapanindig balahibo. Napailing nalang ako sa sariling pag-iisip. Hindi kaya libro iyon ng ma witch na consist ng mga spells? Hindi naman witch si lolo so hindi. Baka kinukulog ni lolo ang mga kaluluwa doon? Nakakakilabot kasi parang may mga bumubulong na gusto nilang lumabas. Napailing nalang ako.

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon