EDITED
Part 8
(Josh's POV)
Kanina pa ako kinikilig dito sa kama ko. Nakita ko nanaman siya. Sabi ko na nga ba tadhana talaga kami sa isa't isa. Ilang taon din noong huli ko siyang makita. Nahanap na din kita sa wakas, Dan. Ang dahilan upang bakit ako naparito sa mundo. Nakaka bakla naman itong ginagawa ko. Para na akong tuod dito sa kwarto ko.
Stalk lang ako ng stalk sa facebook niya. Dan Mendres. Ang ganda niya talaga. Add ko na ba siya or message ko na? Wag nalang. Hintayin ko nalang siya mag-add sa akin. Simula noong bata pa talaga siya ang ganda talaga niya. Bakit ba ang ganda niya? Di ba niya alam na hulog na hulog ako sa kanya? Napangiti naman ako ng wala sa oras dito. Ayaw ko na para na akong may topak nito. Kainis! Pero thank God nagkita ulit kami.
Biglang nag chat sa akin si James, pinsan ko. "Akin lang si Dan, Josh."iyan lang ang chat niya. Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa nabasa ko. Alam ko na matagal ng may gusto ang insan ko sa kaniya pero hindi pwede. Halata naman kasi sa mga pinaggagawa niya para kay Dan. Matagal ko ng alam na kilala ni insan ang matagal ko ng hinahanap na babae. Wag siyang magkamaling nakawin sa akin si Dan kundi kakalimutan ko na magpinsan kaming dalawa. Alam ko kung anong klaseng tao ka, James! Di ko papayagang mapasayo siya. Alam ko lahat ng baho mo sa katawan. Hinding-hindi mo mapapa-iyak si Dan. Never.
No. Akin lang siya. Hinding-hindi ko siya mabibigay sa iba, gusto ko ako lang. Ako lang. Balang araw makukuha din kita , Dan. Hintayin mo lang iyan. Makukuha ulit kita.
BINABASA MO ANG
A Man In The Future
Science FictionThere is this guy who can see the future. What's more crazy, he is my future husband. Wouldn't you believe that? May mga tao palang may abilidad na ganyan, ano? It's scary to have that ability. What's more scary are your enemy, which is demons and g...