Part 2

40 2 0
                                    

EDITED

Part 2


"Laro tayo!"tawag ko sa bata dito sa aking silid. Ang weird lang niya kasi parang ang putla ng kulay ng kaniyang mga balat. Nakakatakot pero binalewala ko lang iyon. Tumango naman ang batang lalaki. Naglaro kami ng bola dito sa aking silid. Habang tumatagal naging magkaibigan kami nitong lalaki sa loob ng aking silid. Lagi siyang nandito sa loob ng silid ko, hindi ko alam kung sino siya basta nakakalaro ko siya. 


"Hagis mo sa akin ang bola!"masiglang tugon ko sa aking kalaro. Hinagis naman niya. Naging masaya ang aming paglalaro dahil doon. Masarap siyang kalaro kaso hindi ko pa siya narinig magsalita. Ni hindi ko pa alam ang kaniyang palangalan. Sino kaya siya? Bakit kaya siya nandito sa aking silid? Pinsan ko ba siya? Maraming tanong ang bumabagabag sa akin pero binalewala ko lang ito. Baka nga pinsan ko lang siya.


Nakita ko si Lolo sa labas ng balcony. "Lolo, may pinsan ho ba ako na nandito?"tanong ko. Tila napa-isip si Lolo sa tinanong ko. "Wala naman, iho. Bakit mo na tanong?"punong pagtatakang sabi niya. Umiling lang ako. Bumalik na ako sa aking silid. Parang may mali, kung wala akong pinsan dito, sino ang nakakalaro ko dito?


"Anak Josh, tapatin mo nga kami sino ba iyang kalaro mo lagi sa loob ng silid mo? Wala naman kaming nakitang nakakalaro mo eh."tanong sakin ni papa. "Pa, meron po talaga katabi ko nga siya ngayon eh."talagang pinush ko na may kalaro akong batang lalaki. "Anak, may nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"tanong ulit ni papa sakin. "Maniwala kayo sakin pa."malapit na akong maiyak. Biglang sumipot si Lolo sa amin. "Hindi ordinary ang inyong anak."biglang tugon ni Lolo. Kumunot ang noo ni Papa sa sinabi ni Lolo. "May kakayahan si Josh makakita ng mga kaluluwa."saad ni Lolo. "At hindi pa diyan, may kakayahan din siyang makakita ng future. Oo, alam ko nalilito pa kayo pero totoo lahat ng mga sinasabi namin."saad ni Lola. "Alam ito lahat ni Almira, hindi kami ordinaryong mga tao Roger."sabi ni Lolo kay papa. "Si papa ay isang immortal at nakasaad ito sa propesiya na mamamana ni Josh ang kakayahan ni papa."sabi ni mama. "Ano bang klaseng pamilya kayo?!"halatang natatakot na si papa. Umiyak lang ako ng umiyak. "Roger, please hindi kami masama sorry kung inilihim ko sa'yo ito."umiyak na tugon ni mama. 


Naging discussion lang ang nagawa namin. At doon ko nalaman na isang batang kaluluwa pala ang kalaro ko. Bigla naman nagsitayuan ang balahibo ko. Hindi ko alam na isa siyang kaluluwa. Kaya pala napaka misteryoso niya. Hindi ko mawari ang aking naging reaksyon. Tila parang lumabas ang kaluluwa sa katawan ko. Simula noon, hindi ko na muli siyang nakita.

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon