Part 19

17 2 0
                                    

Part 19


(Dan's POV)

"Uy, insan! Ba't may bulaklak? May patay ba?"pang-aasar ni James. Bigla siyang sumulpot sa kung saan. Nainis ako bigla sa kaniya. Napairap nalang ako ng wala sa oras.


"Wala."seryosong sabi ni Josh. Halatang inis na inis siya sa kaniyang pinsan. "Ano nga 'yung sinasabi mo?"taking tanong ko kay Josh. "Wala. Bulaklak pala saka pagkain."tipid lang siyang ngumiti sa akin. Napakilbit balikat nalang ako sa sinabi niya bago sumunod sa dalawang nasa unahan ko.


Halatang may tensyon sa pagitan nila. Ano bang nangyayari? Parang outcast lang ako dito. Para naman silang mga bodyguard ko dahil nasa bawat gilid ko lang sila. Napa facepalm nalang ako sa aking naisip. Nilingon lang ako ni Josh at tipid na ngumiti sa akin. Ewan pero hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos.


Habang naglalakad kaming tatlo biglang nanindig ang balahibo na parang may multo na nanunuod sa akin. Biglang nagging seryoso ang mukha ni Josh.


"May assignment ba tayo bukas?"tanong sa akin ni James. "Meron."tipid kung tugon habang naka tingin kay Josh. Ngumisi naman siya ng nakakaloko. Napairap naman ako dahil sa itsura niya. "Tulungan mo naman ako, di ko kasi iyon maintindihan."napakamot nalang siya ng ulo niya. Biglang sumingit si Josh sa amin. "Ang ingay niyo."seryoso niya iyong sinambit habang pikon na pikon ang mukha. Problema niya?

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon