Part 25
(Josh's POV)
Ngumiti nalang ako para kasing de javu. Napaginipan ko lang ito kagabi kaya tinotoo ko na. Pumunta talaga ako sa computer shop dahil alam ko na pupunta sila doon. Nakakainis lang kasi kailangang magkasama talaga ang dalawa. Nagseselos ako kahit alam ko na hindi kami. Ba't ba? Ang pagseselos naman kasi wala sa label 'yan nasa feelings iyan.
Ngumiti ulit ako sa aking naalala. Ang purpose kung bakit ako pursigido dito. "Nga pala liligawan na kita simula ngayon. Hindi mo kailangang umangal dahil sinabi ko lang sa'yo ito. Sa ayaw at sa gusto mo."bigla kong sinabi sa kaniya at natawa naman ako sa reaksyon niya. Nabulunan siya sa mga narinig niya, ang cute niya tuloy. "Grabe ka naman mag joke."halatang di siya makatingin sa akin ng maayos. "Totoo nga kasi, hindi to prank time."natatawa ako sa kaniya.
Walang umimik na sa amin. Alam ko na di pa rin naka process sa kaniyang utak lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. "Kaasar ka talaga."bigla-bigla niyang sabi niya sa akin. Natawa talaga ako ng tuluyan sa kaniya. Ang cute niya talaga talagang ma fa-fall ka sa ka cute niya. Hulog na hulog na ako sa mga ngiti niyang sobrang gaan.
BINABASA MO ANG
A Man In The Future
Science FictionThere is this guy who can see the future. What's more crazy, he is my future husband. Wouldn't you believe that? May mga tao palang may abilidad na ganyan, ano? It's scary to have that ability. What's more scary are your enemy, which is demons and g...