EDITED
Part 11
(Third Person's POV)
"Iyan lang ang order niyo, ma'am?"tanong sa ng cashier. "Yes, 'yan lang."saad ni Dan bago binigay ni James ang order niya. "Ang cute niyo po ng boyfriend niyo ma'am."kinilig pa ang cashier. "Hindi ko po siya boyfriend."tangi ni Dan sa cashier. Inakbayan naman ni James si Dan. "Let's go, babe."sabi niya bago tumalikod. Inapakan ni Dan si James. Palabas na sila ng biglang. "Okay ka lang?"tanong ni James sa kanya. Tumango lag si Dan. Bigla kasi siyang nadulas. Tila parang nagulat siya dahil alam niya na madudulas talaga siya pero hindi siya nadulas. Parang may kakaiba. Para kasing may sumalo sa kaniya.
"Ang clumsy naman nito. Buti nalang nandito ako upang saluin ka."napailing na tugon ng kung sino. Matagal na niya itong minamasdan sa malayo. Ayaw niya kasing mapahamak si Dan. Sinusundan niya ito ng palihim. "Sasaluhin kita kahit anong pang magyayari. Dahil mahal kita."
Matagal ng may kakaibang nararamdaman si Dan. Alam niya sa sarili niya na may sumusunod sa kaniya pero kapag lumingon siya sa likuran niya wala namang tao. Baka guni-guni lang niya.
"One day, I'll get you back."misteryosong saad ng lalaki. Habang pinagmasdan si Dan sa malayo. He was so eager to get her. Atat na atat na siyang makuha ito, ulit. Just wait my precious wife. Babalik kita kung saan ka dapat.
(Dan's POV)
Kanina lang ako nakatunganga sa phone ko kasi nga magkikita ulit kami ni Josh. Ewan ko ba bigla akong kinabahan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Mixed emotion kumbaga ang nararamdaman ko. Tila parang gusto kong matuwa, kabahan, kiliginat kung ano pa. Di na normal ang circulation ng puso ko. Aminin ko man, oo crush ko siya pero iyon lang. Nothing more, nothing less.
BINABASA MO ANG
A Man In The Future
Science FictionThere is this guy who can see the future. What's more crazy, he is my future husband. Wouldn't you believe that? May mga tao palang may abilidad na ganyan, ano? It's scary to have that ability. What's more scary are your enemy, which is demons and g...