Part 24

16 3 0
                                    

Ilang minuto noong umabot na ang aming inorder. Siya lang pala nag order nito, taka pa kasi ako kung paano niya nalaman. Weird kasi eh.

"Sabi ko sa'yo eh kilala na kita saka paano kita di makilala kung ano naman ang future husband mo?"kinindatan niya pa ako. Napa-irap nalang ako sa kaniya. Kumain nalang ako dito dahil libre naman ito. Kanina pa siya naka tingin sa akin kaya parang awkward kung tignan. "Ano ba? Ayaw ko 'yung may tumitingin sa akin habang kumakain ako."inis kong tugon sa kaniya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Napatigil naman ako sa pagkain noong tumunog ang cellphone ko. May tumawag at si James nga iyon. Naalala ko, iniwan ki nga si James doon sa computer shop na iyon dahil sumama ako dito kay Josh. "Hello? Dan, asan ka ba? Kanina pa kita hinahanap."saad ng sa kabilang linya. Napatayo naman ako. Balikan ko kaya siya.

"Asan ka pupunta? Sino kausap mo?"kunot noong tanong ni Josh sa akin. Sinabi ko naman kung sino ito at inagaw noya ang phone ko. "Insan, kasama ko si Dan. Di muna kailangan maghanap sa kaniya at saka wag mo na siyang hintayin."sabi niya bago e-nend ang call. "Don't worry about him."sabi niya bago niya ako pinabalik kumain.

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon