Part 4

27 2 0
                                    

EDITED

Part 4


Years have passed. 15 years old na ako ngayon. Maraming pagbabago ang dumating pero isa lang ang hindi nagbago, siya. Ang babaeng nakita ko noon sa resort. Kung sakaling magkita kami ulit, tama na talaga ang hinala ko na itinadhana talaga kami. Gabi-gabi ako binabagabag sa kanya. Ni hindi siya mawala sa aking isipan. Pag-ibig na kaya ito? Ito na ba ang aking hinihintay?


Ngayon, may camping kami dito sa isang bundok. Kasama ko ngayon ang mga kasamahan ko sa simbahan. Isa akong Christian na Catholic ay ang hirap mag explain nito pero Catholic talaga ako. Nagsasaya na sila doon sa camp fire dahil last day na namin ngayon pero ako heto nasa isang sulok naka upo at tumingin sa kalangitan. Di kasi ako mahilig makihalubilo sa kanila. Judgemental na kung judgemental pero ang pla-plastik naman kasi nila. Free time namin ngayon kaya nagsaya muna kami pero wala akong ganang maki sabay sa kanila. Something caught my eyes, it's a red star. Biglang bumilis ang tibok puso ko noong tinitigan ko ang bituin na iyon. Ang weird kaso noong bituin na iyon eh. Sa pahat ng bituin siya lang ang may pinaka masilaw at maganda. Siguro naman hindi iyon bituin. Nanatili pa rin kong naka tulala sa bituin na iyon. Nangindig ang balahibo ko kaya napagdesisyunan ko nang sumama sa kanila. Hindi ko mawari ang aking naramdaman. Parang may hindi magandang mangyayari.


Bigla akong nataranta sa aking nakita. May batang kaluluwa sa likod ng isa kong kasamahan. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa nakita ko. Hindi ito maari. Akala ko matagal na itong nawala sa akin? Bakit tila parang bumalik? Bakit ganito ang nangyari? Gusto ko mang magsalita pero walang boses ang lumabas sa aking bibig.  Natakot ako kaya pumasok at sa oras na iyon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


Gusto ko mang lumayo, iyong wala ng tao at ako lang mag-isa. Ayoko na nito. Minaligno na naman ako. Natatakot na ako sa posibilidad na mangyayari. Wala na, bumalik na ang aking abilidad.

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon