Part 53

15 2 0
                                    

Part 53

Day 3. Tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwartong ito. I wanna go out. Tatlong araw din akong walang ganang kumain at mabuhay. Pinalalabas naman ako ni Renzel sa kwarto pero hanggang sa bahay lang ako makakalabas. Wala naman akong laban sa kaniya.

Umalis si Renzel dahil may bibilhin daw. Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas dahil naiwan niya ang susi sa bahay. Hindi ako nagdadalawang isip na lumabas.

Nagtago ako sa malapit na sasakyan. Nakita ko ang pamilya ko. Nakita ko siya. Ang lalaking mahal na mahal ko. Si Josh. Tumulo luha ko. Ang gulo ng buhok niya at mugto ang mga mata halatang galing siyang umiyak. Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan kong makagawa ng ingay.

Lumabas siya at sumakay siya sa kaniyang sasakyan. Buti nalang talaga naiwan din ni Renzel ang isa niyang sasakyan. At kasama sa susi na naiwan niya ang kotse kaya iyon ang ginamit ko upang sundan si Josh.

Pumasok siya sa isang bar at halatang regular costumer na siya dito. Kailan pa siya natutong mag bar? Sinundan ko lang siya. He ordered some drinks tas lahat ng iyon walang alinlangan ininom niya. Uminom lang ako ng juice kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko matanggap na naging ganito siya. Ako may kagagawan nito eh. Ako 'yung may kasalanan. Gusto ko siyang lapitan, yakapin, halikan kaso hindi ko magawa. Ang kapal naman siguro ng mukha ko sa kaniya at gawin ang mga iyan. Iniwan ko siya sa ere. Ininwan mo siya, Dan!

Unalis na ako. Babalik nalang ako kung saan ako nararapat. Ayokong mamamatay sila ng dahil sa akin. Dahil sa katangahang ginawa ko. Ayoko na ding makitang ganiyan si Josh. Alam ko balang araw malilimutan din niya ako. Ang sakit lang isipin pero ito na hindi ako nagpakita kahapon may kahihiyan pa akong ginawa. Ano nalang kayang sasabihin ng pamilya ni Josh sa akin? Na malandi ako? Ang kapal ng mukha kong magpakita matapon ng mangyari?

I wanna end my life. Sana, sana masabi ko kay Josh lahat ng hinanakit na ito. Sana maibalik ko ang oras.

A Man In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon