“Mukhang matamlay si sir Ira. Ano sa tingin mo, Ma’am Beth?” tanong ni Chelsea habang nakatingin sa gawi ni Ira. Magkatabi sila nito sa kaha dahil kinukumusta nito ang trabaho niya. Napatingin si Beth kay Ira na nakaupo sa bar stool. May mga pinipirmahan itong papeles doon habang nagme-meryeda. Doon ito nagpuwesto pagdating pa lang dahil hinihintay daw nito sina Yaya Muring at Irvin.
Kanina niya pa ito napapansing pahawak-hawak sa sentido at imamasahe. Tingin tuloy niya ay sumasakit ang ulo nito. Hindi rin nito masyadong nagagalaw ang meryenda. Nagalala tuloy siya sa nakikita. Baka naman napuyat na naman itong kakaisip sa kaso.
Mahigit isang linggo ng nakararaan mamula ng magpunta siya sa bahay nito ng nagiisa. Sa ngayon, gumaling na rin ang lagnat ni Irvin. Magmula din noon ay nakatatlong dalaw na siya sa bata. Nadadatnan siya ni Ira doon. Kinakausap na rin siya nito at hindi na dini-deadma kagaya ng dati. Mukhang nakatulong ang pagkausap niya rito dahil nabawasan na ang pagiwas nito.
Pero dahil normal lang na magalala ito sa kaso ng namayapang asawa, alam niyang may mga gabi o araw na iisipin pa rin nito iyon. Kaya hayun ito. Mukhang nanakit na ang ulo dahil doon.
“Mukha ngang hindi maganda ang pakiramdam niya. Kukuhanan ko lang siya ng gamot,” ani Beth saka nagtungo na kung saan nakalagay ang medicine kit nila. Kumuha ito ng gamot at tubig saka iyon ibinigay kay Ira. Saglit na nagusap ang dalawa. Hindi niya masyadong dinig ang usapan ng dalawa dahil may kalayuan sila.
Agad siyang nagiwas ng tingin ng mapatingin si Ira sa kanya. Nagkuwanri siyang abala sa trabaho. Gusto na niyang tuktukan ang sarili dahil ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Tingin pa lang ni Ira ay natuturete na agad siya.
“Masama nga ang pakiramdam ni sir. Uuwi na rin siya mamaya. Tinext na lang daw niya sina Yaya Muring na huwag ng tumuloy dito. Hihintayin na lang niya si sir Gerald na dumating para makaalis na siya,”
Napatango siya. “Maganda ngang umuwi na lang siya para makapagpahinga. Lagi naman kasi yata siyang nagiisip. Nakakasama din kasi iyon sa katawan,” komento niya at napatingin kay Ira.
“Concern na concern ka talaga kay sir. Gusto mo ba siya?”
Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan! Namula ang mukha niya at agad siyang nagisip ng alibi kung bakit niya ginagawa iyon. Aminadong concern talaga siya kay Ira. Bukod sa atraso dito, nandoon pa rin ang damdamin niya para rito.
There. She finally admitted it. Isinantabi man niya ang damdaming naging dahilan ng problema nila ngayon, hindi pa rin niya nagawang pigilan. Sumingaw pa rin iyon kahit anong tago niya dahil na rin sa sitwasyong napasok niya.
“Naaawa lang ako kay sir.” pagdadahilan niya saka nagiwas ng tingin. Hindi naman niya magawang aminin ang lahat dito dahil malalim ang lihim niya.
“Naririnig ko rin sa mga kasamahan natin ang mga ginawa mo para kay sir. Ipinagtatanggol mo siya sa pagiinom niya at lagi kang nandyan sa tuwing walang nagaalaga sa anak niya. Hindi mo naman gagawin iyon kung wala lang.” seryoso nitong komento.
Napatingin siya rito. Napalunok siya ng mapahinga ito ng malalim. “Hindi naman sa nakikialam ako pero… alam ko kasi kung gaano kamahal ni sir Ira si ma’am Bonsai. Ayoko lang na masaktan ka…”
Alam naman niya iyon dahil naging saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa pero nasaktan pa rin siya. Parang nadurog ang puso niya. Nahirapan siyang huminga at bumigat ang pakiramdam niya.
Pero naisip niya, kaya nga siya nandoon. Regardless of her feelings and Ira’s love to Bonsai, she was still there ready to get even. Nangako din siya na gagawin ang lahat kahit gaano kahirap. Ang mahalaga, makuha ni Ira ang hustisya at makabawi dito.
“Ma’am, salamat ho sa payo.” aniya na lang para hindi na lumawig pa ang kanilang usapan. Wala na rin naman siyang masasabing paliwanag dito. Hindi na rin ito nagkomento. Natahimik na rin ito at nagtrabaho na siya.
Ilang sandali pa ay hinarap na rin ni Beth ang sariling trabaho. Siya naman ay itinuon na ang atensyon sa kaha hanggang sa dumating si Gerald. Saglit nagusap ang magkaibigan hanggang sa umuwi na si Ira.
Hindi na naman siya mapakali. Isip siya ng isip sa kalagayan ni Ira hanggang sa sumapit ang uwian. Naisip niyang puntahan ito. Wala naman sigurong masama sa gagawin niya. Maaga pa naman. Puwede naman muna niya itong saglitin bago magpunta sa salon.
Dumaan muna siya sa grocery para bilhan ito ng prutas saka dumiretso doon. Pinapasok na siya ng guwardya. Naabutan niya si Ira na kausap ang matanda. Naka-pajamma ito. Halatado na ring mabigat ang pakiramdam nito dahil namumungay na ang mga mata.
“Tulog si Irvin,” ani Ira at naubo. Pansin niyang iba na rin ang boses nito. Medyo paos na. Namumula na rin ang mga mata nito. Mukhang tuluyan ng nagkasakit.
“Hindi na rin ako magtatagal. Nagpunta lang naman ako para ibigay ito. Magpagaling ka, ha.” aniya saka ibinigay ang isang supot ng prutas.
Napatitig ito sa kanya. “Nagabala ka pa.”
“Okay lang. Kainin mo ito, ha.” aniya saka nginitian ito. Nagpaalam na rin siya sa matandang nakapamasid sa kanila at tumalikod na.
“Leilanie,” tawag ni Ira bago niya buksan ang pinto. Napalingon siya rito. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makatitigan si Ira. Itinaas nito ang supot ng bahagya. “Thanks for these. Take care,”
Ang tamis-tamis ng ngiti niya rito at tumango na siya. Sapat na sa kanyang tanggapin nito iyon at i-acknowledge. Magaan ang kalooban niyang nilisan ang lugar at ipinangako sa sariling babalik doon para tingnan ang kalagayan nito. Napangiti siya sa naisip.

BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romantik[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...