“Pauwi na rin ako. Sige,” pigil hiningang paalam ni Chelsea kay Ira. Nagtaka man kung bakit ito maaga, hindi na lang siya nagusisa. Minabuti niyang halikan si Irvin at ipinasa na sa matanda. Doon na nagsimulang umiyak si Irvin. Mukhang naramdam nitong aalis siya. Napakamot tuloy siya ng ulo at nalito. “Irvin, goodbye na. Next time ulit, dadalawin kita. Promise…” aniya saka hinalik-halikan ang bata. Inayo-ayo niya ito dahil ayaw rin naman niyang umalis doon ng masama ang loob nito.
Lihim siyang napangiwi ng yumakap ito sa leeg niya at umiyak. Ayaw na talaga siyang pakawalan. Napabuntong hininga na lamang siya at muling binuhat ang bata. “Tahan na,”
“He missed you. Why don’t you stay for a while?” ani Ira saka lumapit sa kanila ni Irvin.
Kumabog ang dibdib nila sa pagkakalapit. Gusto na niyang batukan ang sarili. Ira was just two feet away. Kung maka-react ang puso niya, wagas! Napailing siya sa sarili.
“Tatta…” nguyngoy ni Irvin at hinigpitan pa ang yakap.
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Mukhang wala talaga siyang choice kundi ang hintaying mapayapa si Irvin. Hindi rin naman magiging magaan sa kalooban niya kung aalis na ganoon ito.
“Shh…” anas niya saka hinaplos ang likuran nito. “Anong gusto mong gawin? Gusto mong maglaro?”
“Book…” nguyngoy nito.
Napangiti siya. Magiisang taon na ito niyan at may mga salita na itong alam na sabihin. At alam niya ang gusto nitong ipahiwatig. He wanted her to read him a book. Pansin niyang mahilig ang bata sa ganoon at natutuwa siya.
“Sige, sir. Basahan ko muna ng libro si Irvin. Sa kuwarto muna kami,” paalam niya.
“Okay. I’ll just be in my room.” anito saka nagpauna na.
“Ang bilis ni sir. Kaka-text ko lang na nandito ka, dumating agad,” namamanghang bulong sa kanya ni Yaya Muring.
Kumabog tuloy ang dibdib niya. Muli, agad niyang ipinilig ang ulo. Ayaw niyang bigyan ng meaning iyon. Masasaktan lang siya. Napailing siya sa sarili dahil wagas na namang maka-react ang puso niya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Hanggang doon nga ay ramdaman niya ang pagiwas nito kaya tama lang na huwag niyang bigyan ng ibang kahulugan ang paguwi nito agad. Nagpunta na lamang sila ng matanda sa kuwarto ni Irvin at binasahan ito. Gayunman, hindi pa rin siya mapakali. Si Ira pa rin ang laman ng isip niya hanggang sa napahinga siya ng malalim.
“Iinom lang ho ako,” paalam niya saka pinasa si Irvin sa matanda. Aangal sana ang bata pero binigyan niya ito agad ng paborito nitong laruan na bola kaya doon napunta ang atensyon nito.
Lumabas na siya at nagtungo sa kusina. Sakto namang naabutan niya si Ira doon na umiinom din ng tubig. Naiilang man, umasta pa rin siyang natural. Kalmado siyang kumuha ng tubig sa ref saka uminom.
“Kumusta si Irvin?” tanong nito matapos siyang uminom.
“Kumalma na ho siya. Naglalaro na. Aalis na rin ako n’yan,” aniya saka napahinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romansa[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...