17. LIGHT AND ALIVE

613 32 0
                                    

“Kumusta na ang pasyente?” biro ni Chelsea kay Ira. Pagkadating niya sa bahay nito, sinalubong agad siya ni Irvin kaya hayun ito sa mga bisig niya. Magaling na rin kasi itong maglakad kaya hinahabol-habol ito ni Yaya Munring. Kinarga niya ito at isinama sa silid ni Ira. Galing siya sa salon. Day off niya ang araw na iyon kaya puwede siyang magtagal.

            Bahagyang natawa si Ira dahil sa sinabi niya. Agad siya nitong nilapitan saka kinarga si Irvin. Sa tingin naman niya ay bumuti na ang pakiramdam nito. Nakatulong ang tatlong araw na pahinga nito.

            Sa halip na isang araw lang ay naisip niyang isuhestyon na dagdagan pa nito ang araw ng pahinga. Pinaliwanag niya na para hindi ito mabinat. Hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ito dahil pumayag naman agad.

            Sa loob ng mga araw na iyon ay dinalaw niya ito. Nagpupunta siya doon pagkatapos ng trabaho at uuwi na lang ng alas otso ng gabi. Pinahahatid siya nito sa driver kaya kahit papaano ay hindi naman siya nahihirapang mag-commute.

            “I feel good. Puwede na siguro akong pumasok bukas,” ani Ira.

            “Mukha ngang okay ka na. Pati boses mo, hindi na rin namamalat. Puwede ka na ngang magtrabaho basta ba tapusin mo pa rin ang gamot mo,” ayon niya. Patango-tango pa. Pareho tuloy silang natawa sa ginawi niya. “Prutas nga pala. Makakabuti ito sa’yo,” aniya ng maalala ang dalang isang supot na mansanas at dalanghita.

            “Thanks.”

            “Ipagbabalat na kita.” boluntaryo niya at nagtungo na siya sa kusina bago pa ito makatanggi.

            Magaan ang kalooban niyang naghiwa ng masanas para mabigyan din niya si Irvin. Gusto rin ng bata iyon kaya dinamihan na niya. Nagbalat na rin siya ng dalanghita. Nang matapos ay muli siyang bumalik sa silid ni Ira. Nadatnan niya ang magamang naghaharutan sa kama nito.

            Napangiti siya. Ang sarap panoorin ng dalawa. Kahit papaano, natuwa rin siya dahil nakitaan niya ng kakaibang sigla si Ira. Lihim siyang nanalangin na sana ay magtuloy-tuloy na iyon.

            “Sit here,” aya ni Ira at tinapik ang gilid ng kama.

            Tumalima siya. Nang makita ni Irvin ang dala niya sa mangkok ay mukhang na-excite ito. Natawa tuloy siya at sinubuan niya ito.

            “Baka naman gusto mo ring subuan kita?” biro niya kay Ira dahil napansin niyang nakangiti ito habang pinagmamasdan sila ni Irvin.

            “Sure,” payag nito.

            Napatingin tuloy siya rito. Hindi niya inaasahang papayag ito! Biro lang naman iyon. Inaasahan pa naman niyang tatawa ito o tatanggi kaya nawindang tuloy siya. Hindi niya tuloy alam kung papaano babaliin iyon dito.

            “K-Kumuha ka na lang,” pigil hiningang saad niya saka inilapit ang mangkok dito.

            Pero umiling ito. “I am sick. Subuan mo na rin ako,”

            Napamaang siya ng umasta nga itong nanghihina. Mukhang gusto talagang magpaasikaso! Nang ma-realized iyon ay natawa tuloy siya, kasabay ng pagiinit ng puso. Obviously, naglalambing ito. At obviously din, nagustuhan niya iyon. Natutuwa din siya. Naaliw. Kinikilig kaya tumalima na siya.

            “Señor Ira, nganga,” biro niya saka isinubo ang sliced apple dito. Tumalima naman ito. Hindi na rin siya nakapagpigil dahil natawa na siyang tuluyan sa kanilang dalawa. Nahawa na rin ito. Pati si Irvin, pumalakpak. Lalo tuloy siyang natawa dahil kung makaasta ang bata, parang naiintindihan ang mga nangyayari. Dahil doon ay kinalong niya ito at pinupog ng halik.

            “Puro ka kalokohan, sir.” tawa-tawang komento niya.

            Napamaang ito. “Ako pa ang puro kalokohan ngayon? Wow…”

            Sabay sila nitong natawa. Ang gaan-gaan tuloy ng pakiramdam niya. Hindi niya akalaing mangyayari pa iyon sa kanila ni Ira. Makikita niya ang mga ngiti nito at siya ang dahilan noon. Ang sarap-sarap noon sa pakiramdam. Para sa kanya ay awtomatikong tumatak na iyon sa puso niya.

            “Kain ka ng kain.” aniya saka ito sinubuan ng prutas. Pinigilan niyang mailang. Para mawala ang mga paruparo sa sikmura niyang nagwawala na, sinubuan din niya si Irvin para naman hindi lang ang ama nito ang pinagsisilbihan niya.

            Napasinghap siya ng subuan din siya ni Ira. Doon na namula ang pisngi at naiilang na umiling siya. “Ano ka ba? Wala akong sakit.” naiilang na tanggi niya.

            “Hindi lang naman ang may sakit ang inaalagaan. Pati na rin ang taong nagaalaga sa may sakit. Kundi sila aalagaan, puwede rin silang sumunod na magkasakit,” ani Ira.

            Napangiti tuloy siya sa sinabi nito. Gusto na niyang batukan ang sarili dahil kinikilig siya! Sinabihan na niya ang sarili. Binalaan na niya sa lahat ng dahilan kung bakit siya nandoon pero parang naging bingi na siya. Ang tanging mahalaga sa kanya ng sandaling iyon ay si Ira at damdaming lalong lumalalim.

            “Oo na…” aniya saka tinanggap na ang prutas na isinusubo nito. Napangiti na ito. Ganoon din siya hanggang sa napabungisngis na siya. “Para tayong mga tanga…”

            Natawa na rin ito at napailing. “But I miss this feeling. I felt light and… alive,”

            Napangiti siya. Iyon ang isa sa mga gusto niyang mangyari at natutuwa siya dahil nagkakatotoo na. Gayunman, sa kabila noon ay hindi pa rin siya titigil. Magpapatuloy pa rin siya sa pagaalaga dito at gagawin ang lahat para magtuloy-tuloy na ang pagngiti nito.

            Dahil doon ay gumaan din ang puso niya.

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon