"Oh, my God. Sira na naman ang diet ko." angal ni Chelsea pagbukas ng lunch box na dala ni Ira. Hindi pa ito kuntento sa pagdadala ng dinner para sa kanya, araw-araw na rin itong nagpapadala ng agahan, tanghali at hapunan. Kapag hindi naman nito magawa ay dadalhan naman siya ng meryeda o nagpapa-deliver naman ito ng pagkain niya.
Bukod sa mga bulaklak, chocolate at cake ay ginagawan din siya nito ng loveletters. Binabasa niya iyon bago matulog kaya napupuyat siya. Gabing-gabi na, kinikilig pa rin siya. Simple lamang ang nilalaman ng liham nito. Pawang mga simpleng love quotes na si Ira ang may gawa at naka-dedicate para sa kanya.
Pakiramdam tuloy niya ay tila nagbalik siya noong kabataan nila. Sa tuwing dinadalaw siya ni Ira sa salon at sa bahay, kinikilig siya. Iyon nga lang, hindi niya iyon maipakita dahil nahihiya siya. May move-on-move-on at oras pa siyang nalalaman, bibigay din naman siya. Pero masisisi ba siya? Pagkatapos ng mga pagbawi ni Ira? Ah, talagang bibigay ang babaeng kasing tigas ng bato dito. Gayunman, sa ngayon ay sinasarili na lamang muna niya ang damdaming iyon. Hinayaan niyang suyuin muna siya nito at i-enjoy ang pagkakataon.
Minsan, kasama din nito si Irvin sa panliligaw. Natutuwa talaga siya na magama. Buo na rin ang ilang salita ni Irvin at alam niyang sa mahigit isang taon na ito ay makakabuo na ito ng pangungusap. Tumatakbo-takbo na rin ito kaya napapagod na rin silang kakahabol ni Ira dito.
Sa kabilang banda, nakakulong pa rin si Brando. Ang balita niya, humingi rin ito ng tawad kay Ira. Gayunman, alam niyang nabawasan na rin ang galit ni Ira pero hanggang doon na lang. Alam niyang kumupas man ang galit at pait, hindi pa rin nito makakalimutan ang mga nangyari.
"That's okay. Kahit tumaba ka, maganda ka pa rin," nakangiting saad ni Ira saka siya kinindatan. Natawa siya. Hindi rin niya napigilang hindi matuwa sa aksyon nito.
Tuluyan na ring bumalik ang dating disposisyon ni Ira. Naging masayahin na rin ito at tuluyan ng nawala ang awra nitong galit sa mundo. Masaya siya sa nakikitang pagbabago nito. Siya naman ay masaya na rin. Kahit papaano, naghilom na rin siya. Na-enjoy niya ang sandaling sarili naman ang iniisip niya. Doon din niya na-realized na masarap na siya naman ang bibigyan ng atensyon nito.
"Ah, kaya tinatambakan mo pa rin talaga ako ng pagkain, ha? Ganoon ba 'yon?" akusa niya kuno dito.
Natawa ito saka pinisil ang baba niya. "Silly. Tinatambakan kita ng pagkain dahil ayokong nagugutom ka. Gusto ko, laging sapat ang kinakain mo at may sustansya."
Natunaw ang puso niya. Napangiti siya rito at habang nakatitig dito, doon niya naisip na napakapalad niya dahil pinagtutuunan siya ng ganoong pansin ni Ira. Pinagtyagaan siya nito. Naghintay hanggang sa maging okay siya. Nalalaglag tuloy ng husto ang puso niya...
"Kapag tinititigan mo ako ng ganyan, pakiramdam ko, gusto mo na akong sagutin." Nakangiting biro nito. Dumukwang pa ito para makatitigan siya. Mukhang gusto nitong matunaw siya at nagtatagumpay ito!
Dumagundong ang puso niya sa kaba at antisipasyon. He was indeed right. Gusto na niya itong sagutin at ayaw na niyang pakawalan! Damn! But how could she say those things? Ah, nalilito siya. Natuturete siya to the nth level!
"Are you happy?" masuyong anas nito.
"Oh, yes. Ira, I am so happy. I am flattered... ikaw ba?" pigil hiningang tanong niya.
Masuyo itong ngumiti sa kanya. "Yes. I am happy being with you, even I was just thinking about you or even I was just staring at you."
"Oh, Ira... do you love me?" naluluhang tanong niya bagaman damang-dama niya ang kasagutan, gusto pa rin niya iyong marinig. Halos umikot na ang sikmura niya dahil sa antisipasyon ng sagot nito.
"Yes. I do. I love you and I will love you forever..." masuyong anas nito. nagkaroon ng kislap din ng luha ang mga mata nito. Damang-dama niya ang sinseridad at katapatan nito.
Natunaw na ang gahiblang pagaalinlangan niya sa sagot nito. Sapat na sa kanyang marinig na mahal siya nito. Labis iyong nakapagpaligaya sa kanya. Naluha siya sa sobrang tuwa. "I love you too. Whoever you are and where ever you've been. I will always love you, as long as I am living..."
Siniil siya nito ng halik. Agad siyang tumugon ng mainit at buong pagsuyo. Tuluyan ng nilipad sa ere ang mga negatibong damdamin nila. Wala ng natitira sa mga puso nila kundi ang pagmamahalan nila sa isa't isa.
"Let's get married, okay?" anas ni Ira sa pagitan ng mga labi nila. Halos ayaw pa rin nitong pakawalan dahil maya't maya nitong inaangkin ang labi niya.
"Okay. Kiss me more," anas niya dahil gusto na rin niyang maituloy iyon.
Muli, siniil siya nito ng halik. Lihim siyang napangiti. She was so damn happy. Sa wakas, nagkatagpo din sila ni Ira, her delinquent prince charming...
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romansa[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...