Tahimik na pinagmasdan ni Chelsea ang buong Hades’ Lair. Sabado ng araw na iyon. Alas dos pa lang ng hapon, marami ng tao. Matapos magtanghalian ang mga ito ay hindi na rin umalis doon. Some ordered beer and some ordered finger foods. Mukhang balak nilang magtagal hanggang sa abutin ng dilim doon. Palibhasa, Saturday Smooth ang araw na iyon. Nakaka-relax ang RNB music na naririnig nilang lahat.
Napatuwid siya ng upo ng bumukas ang pinto ng opisina ni Ira at iniluwa ito. Nagtaka siya ng maglakad ito ng mabilis papuntang labas kaya napatayo siya at sinundan ito ng tingin. Magtanong sana siya kung anong nangyari dito ng muling bumukas ang pinto ng bar at pumasok ito. Karga na nito si Irvin at kasunod na nito si Yaya Muring.
Napangiti siya ng lumapit ang tatlo sa kanya. Hindi na bago iyon sa tuwing nagpupunta sila Irvin doon, hindi maaaring hindi siya daanan ng mga ito.
Tuluyan ng silang naging malapit ni Ira. Natutuwa siyang makita ang malaking pagbabago nito. Proud din siya dahil alam niyang kahit papaano, nagkaroon siya ng partisipasyon doon. Malaya na siyang nakakadalaw sa bahay nito at nakakakwentuhan si Ira. Sa opisina rin ay lagi na sila nitong sabay na kumakain.
“Hello, Irvin!” bati niya. Ini-lock na muna niya ang kaha bago lumapit sa mga ito.
“Tatta!” tuwang tawag ni Irvin saka agad na sumama sa kanya. Napangiti siya ng yakapin nito.
“Mukhang miss na miss ako ni Irvin, ah.” nakangiting komento niya saka gigil itong hinalikan.
“We have plans. Pagkatapos kong gawin ang trabaho ko, ipapasyal ko sana si Irvin. You can come if you want,”
Ang tamis agad ng ngiti niya. Aba, ginintuan ang pagkakataon! Gusto rin niyang makasama sa bonding ng magama kaya hindi na siya magiinarte. Tumango agad siya rito. “Malapit na ang out ko. Sasama talaga ako,”
Ngumiti na rin si Ira. Kinuha na nito si Irvin sa kanya at dinala sa opisina. Tinanguan naman niya si Yaya Muring na ngiting-ngiti rin sa kanya.
Magaan ang loob niyang itinuon ang sarili sa trabaho. Pasipol-sipol pa siya. Natatawa tuloy si Beth sa kanya. Pagdating ng alas tres, matapos mag-endorse kay Lizbeth ay nagtungo na siya sa opisina ni Ira.
Sabay-sabay na silang lumabas at nagtungo sa ocean park. Tuwang-tuwa si Irvin sa mga nakikita at matyaga naman nilang itinuro sa bata kung anong klaseng isda o hayop ang nakikita nito.
“It seems you are enjoying it too,”
Nakangiting tumingin siya kay Ira. “First time, eh.” aniya saka napahinga ng malalim. “Wala naman talaga akong pagkakataong mamasyal noon dahil inubos ko ang oras ko sa pagaaral. Namatay pa ang nagiisang kasama ko sa buhay kaya hindi ko na rin naisip ang mga ganitong klaseng lakad.”
“I am sorry to hear that,”
Natawa siya ng makita ang lungkot sa mga mata nito. Nakakatuwang makitaan niya ito ng simpatya pero agad naman niya iyong itinama. “Ano ka ba? Four years ago pa iyon. Sanay na ako.”
“Ako kaya? Masasanay din?”
Masuyo siyang ngumiti rito. “Lahat ng galit, sakit at pait, lumilipas. Panahon at oras ang kailangan para doon. Dadating ang araw, kapag maalala mo ang lahat, bawas na ang galit at sakit sa puso mo hanggang sa tuluyang mawawala na.” payo niya at sana, makatulong iyon sa pagmo-move on nito sa mga nangyari.
Inakbayan niya ito. Sa tangkad nito, mabuti naman ay naabot pa rin niya. “Ang lungkot naman ng pinaguusapan natin. Change topic naman. Pagusapan na lang natin ang birthday mo. Tatanda ka na naman, sir. Paano ba ‘yan?”
Natawa ito. Napangiti na siya dahil sa pagbabago ng mood nito. Gayunman, itinuon na niya ang atensyon dito habang abala sina Yaya Muring at Irvin sa pagtingin-tingin sa mga isda sa dambuhalang aquarium.
“Magkaedad lang tayo. Pagkatapos ng birthday ko, after three months, ikaw naman ang tatanda.”
“Mas matanda ka pa rin ng three months. Don’t me,” biro niya saka pinagalaw ang hintuturo ng kaliwa’t kanan.
Napahalakhak na itong tuluyan. Maging siya, natawa na rin at napailing siya sa sariling kalokohan.
“I only want to have a simple dinner. You, me, my family and my friends.”
Naginit ang puso niya. Talagang sinama pa siya nito sa plano. Napangiti siya at tumango dito.
“Naku, kailangan kong bumili ng regalo.” aniya saka napaisip. Hindi siya papayag na hindi ito bigyan. Aba, first time niyang makiki-birthday dito. Madalas noon ay pinagtitirik niya lang ito ng kandila sa simbahan at nagwi-wish siya na lahat ng wish nito ay matupad. Kaya kailangan niyang lubusin ang pagkakataong invited siya.
“No. Mas mahalagang magpunta ka.”
Napangiti siya. Hindi na siya nakapagpigil dahil sa kilig na tumama sa kanya. “Hindi naman ako papayag na wala. Ano bang request mo?”
“Your presence. Hindi mo puwedeng bilhin iyon at ibalot. Pumunta ka na lang. Okay?”
“Pero—”
“Ah… nagugutom na ako. Nakakagutom ang kakulitan mo. Let’s go and have some dinner.”
Napamaang na lamang siya ng lapitan na nito sina Irvin at Yaya Muring. Natawa na lamang siya ng maisipang nautakan siya nito. Pero gayunman, bibili pa rin siya. Hindi siya nito mapigilan! Period!
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romance[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...