33. ANONYMOUS

765 50 0
                                        

 "MA'AM, FOR you. From your 'forever'..." nakangiting saad ni Apol habang iniaabot ang isang long stem white rose kay Chelsea. Napanganga siya. Kay aga-aga, iyon agad ang salubong sa kanya ng mga empleyado niya. Nakakabigla dahil alam niyang walang dahilan para bigyan siya ng bulaklak ng mga ito. At saka forever? Ni wala nga siyang boyfriend o manliligaw! Papaano siya magkakaroon ng forever?

Doon na nagsisunuran ang mga empleyado ng salon. Iisa rin nilang iniabot sa kanya ang isang long stem white rose na hindi na niya pansin kung saan hinugot ng mga ito. Nang matapos ay nagpalapakan ang mga ito. Kilig na kilig ang mga bakla at halos magtulakan na sa sobrang tuwa.

"Come on. Sabihin na ninyo kung kanino ito galing?" natatawang tanong niya.

Nagtinginan ang mga ito at nagsenyasan. Gusto niyang matawa dahil mukhang balak pa siyang pagkaisahan. Pigil-pigil niya ang hininga ng harapin siya ng mga kasamahan.

"Ma'am, hindi pa ho ito ang tamang panahon." Seryosong sagot ni Apol na mukhang naging awtomatikong ginawang leader ng grupo.

Napamaang siya ng isang tango lang nito sa mga kasamahan, agad nagsibalikan ang mga iyon sa trabaho. Si Apol naman ay hindi niya magawang sitahin dahil natakasan siya! Nagpunta ito sa pinto at agad sinalubong ang unang kliyente nila.

Sinubukan niyang kausapin ang ilang empleyado pero agad silang nakakaiwas sa kanya. Kung kausap man niya, hindi pa rin umaamin. Sa huli, napabuntong hininga na lamang siya.

Sa loob ng maghapon, sa trabaho niya itinuon ang pansin. Nang matapos siya sa mga papeles sa branch niya sa MOA, nagpasya siyang pasyalan ang mga branches niya. Inuna niyang puntahan ang Rockwell at nagulat siya dahil pagdating niya roon ay ganoon na naman ang nangyari. Binigyan siya ng mga empleyado niya ng isang long stem white rose at galing din iyon sa kanyang 'forever'. Kahit anong pilit din niya ay hindi rin sila nagsabi ng totoo sa kanya.

Ganoon din ang ginawa ng mga kasama niya sa huling branch na pinuntahan niya. Labis na rin siyang nagtataka dahil wala naman siyang ibang lalaking kilala na gagawa noon. Alangan namang si Ira? Ah, agad niyang inalis ang ideyang paasa sa isip niya. Imposible iyon. Alam niyang kahit nakakulong na si Brando, walang forever para sa kanila.

She sighed. Minabuti na lamang niyang huwag pansinin iyon. Tinapos na niya ang trabaho at nagpaalam na siyang mauuna sa mga kasama. Lumabas na siya sa salon at nagulat siya sa nakita sa labas ng salon niya!

Ira was standing beside her car. He was holding dozens of white roses. He was smiling tenderly and her heart was melting...

Agad niyang ipinilig ang ulo. Hindi tamang matunaw siya rito. Kinakalimutan na niya ito. Hindi tamang makaramdam siya ng panlalambot sa mga moves nito...

"Ikaw pala ang may pakana ng lahat. Papaano mo nalaman ang mga puwesto ko?" matabang niyang saad saka humalukipkip. Pakiramdam niya, sa ganoong paraan ay marerendahan niya ang pusong malapit ng magpatangay dito.

"First, yes it is my idea to give you flowers. Second, pinahanap ko ang mga puwesto mo. After that, I talked to your employees. I said I want to say sorry and ask for their help. I am glad that they are very accommodating specially Apol. He helped me purse the plan." Masuyong saad ni Ira saka huminga ng malalim. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makitaan ito ng lungkot at pagsisisi. Gusto niyang batukan ang sarili dahil ang dali-dali niyang maapektuhan kay Ira.

"Ira—"

"Napagisip kong may mga pagkukulang ako. Alam kong nasaktan kita ng husto at nangangako akong gagawin ang lahat para mapatawad mo. Please, let me do that. Let me heal all the pains I caused you..." anas nito at napakurap-kurap. Napatingin ito sa malayo at ng muling mapatingin sa kanya ay nadurog ang puso niya sa nakikitang sakit at pait nito. "Last week, I found out the truth. Nagkausap kami nila Penelope at nalaman kong ikaw pala ang totoong nagbibigay sa akin ng sulat. Honestly, I thought it came from my wife. At aaminin ko, isa sa mga rason kung bakit ko nagustuhan si Bonsai noon ay dahil doon. Your letter touched my heart." Amin nito saka sinabi ang lahat.

Natutop niya ang bibig ng matapos nitong sabihin iyon. Maging siya, hindi rin makapaniwala sa tinakbo ng pangyayari. "A-Ang buong akala ko, nabasa mo iyon at hindi pinansin. Kaya gumawa din ako ng gumawa ng sulat hanggang sa nabalitaan ko na lang na kayo na ni Bonsai. The last letter is this..." aniya saka kinuha ang nagiisang sulat na nakatago pa rin sa wallet niya. Sa nanginginig na kamay, iniabot niya pa rin iyon kay Ira. Binuksan nito iyon at binasa. At habang binabasa nito iyon, pumatak ang luha nito...

Dear Ira,

It's been two wonderful years since the first time I made you a letter to tell you how much I like you and how much I adore you. And until now, my feelings haven't changed. Still, you are the best thing happened to me. You inspire me and made my day complete.

Now, I want to do more than that. I want to reveal myself and be with you. Meet me at the gym after school. I'll be there waiting for you...

Anonymous

"Anonymous..." anas nito. Mayroong hiya at ligaya sa mga mata ni Ira habang nakatitig sa kanya.

Bahagya siyang natawa at naluluhang napatango. "Yes, it's me. Anonymous, the nameless wallflower," biro niya ngunit pumatak naman ang kanyang luha.

Mahinang natawa rin si Ira hanggang sa alanganing napangiti sa kanya. "Honestly, I am flattered and overwhelmed. Minsan, naiisip ko nga kung deserve ba kita. Ang laki at ang haba ng inilaan mong panahon sa akin at hindi ko pa tinanggap ang pagmamahal mo noon sa Boston samantalang ako, walang ginawa kundi saktan ka." Nanghihinayang at nagsisising saad nito saka napailing. "Pero sa tuwing naiisip ko na magmo-move on ka na at kakalimutan ako, natatakot ako. Sa sobrang takot ko, handa akong gawin ang mga bagay na ginawa mo noon sa akin: ang maghintay hanggang sa mapansin mo. At gagawin ko iyon. Ngayon, ako naman ang maghihintay sa'yo hanggang sa bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa lahat ng ito." sinserong pangako nito.

Napayuko siya at naiyak na rin. Muli, bumalik ulit sa kanya ang lahat. Kahit alam niyang mahal pa rin niya ito, hindi pa rin mababago ang katotohanang marami ng nasira. Sobra niya itong minahal kaya sobra din siyang nasaktan. "Ira..."

"Kung tutuusin, wala ka namang kasalanan sa nangyari." Malungkot nitong saad saka dismayadong napailing sa sarili. "Wala ka namang ibang ginawa kundi ang magpakatotoo sa nararamdaman mo. And I am so sorry if I reacted like that. Hindi ko na rin kasi alam ang iisipin ko sa mga nangyari..." nahihiyang amin nito saka siya malungkot na tinitigan. "Please, give me a chance. Babawi ako. Pangako..."

Impit siyang naiyak at natutop ang mukha. Kinapa niya ang sariling damdamin hanggang sa malungkot siyang napailing dito. "I'm really sorry, Ira. I-It's just that... sobra kasi kitang minahal. Sa'yo ko na pinaikot ang mundo ko. Gusto ko ring mahalin naman ang sarili ko kasi... napunta na sa'yo lahat... A-Ayokong mahalin kita ng ganito..." umiiyak na amin niya.

Bumalatay ang sakit sa mukha nito hanggang sa sunod-sunod ang naging pagtango saka siya ginawaran ng mapangunawang ngiti. "I understand. I'm so sorry for everything, okay? God... I'm so sorry... please, stop crying..." anas nito saka siya kinabig. Napahagulgol na lamang siya sa dibdib nito. Natunaw tuloy siya sa higpit ng yakap nito. Hinagod nito ang likuran niya at nakatulong iyon para mabawasan ang bigat na dinadala niya sa dibdib.

"Shh... stop crying. Please, ayaw na kitang nakikitang umiiyak..." masuyo nitong anas saka siya hinalikan sa noo. Matagal iyon. Sapat na segundo para pagaangin ang dibdib niya. "Naiintindihan kita. Believe me, I know your suffering that's why I am giving you enough time. Ako naman ang maghihintay sa'yo. Hindi ako susuko. Nandito lang ako palagi para sa'yo." pangako nito.

"T-Thank you..." luhaang anas niya at niyakap siya nito ng mahigpit. Napangiti siya bagaman hilam ng luha. Gumaan ang pakiramdam niya bagaman hindi pa iyon ang katapusan. For now, that was enough for her. Seeing Ira okay was okay with her. At natutuwa siyang dahil nandoon ito na handang maghintay para naman maging maayos na siya. Sa ngayon, sapat na iyon sa kanya...

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon