“MAY MGA mababait pa ring tao d’yan. Naniniwala akong darating din ang araw, may makakapagturo kay Brando at ititimbre siya sa pulis para hulihin,” ani Atong kay Ira. Patango-tango pa ito. Kadarating lang nito buhat Japan. Siniguro muna nitong maayos ang kalagayan ng ama bago umuwi. Humabol din ito sa darating na birthday niya sa susunod na araw.
“Tama. Naniniwala din ako d’yan. Wala naman taong nakakapagtago ng habang buhay sa batas. Kung mayroon man, sigurado naman akong pagbabayaran pa rin niya sa ibang paraan ang kasalanang ginawa.” ayon naman ni Gerald.
Napatango siya at huminga ng malalim. Hanggang ngayon, wala pa ring development sa kaso pero pasasaan din at mahuhuli si Brando. Kung noon ay nafu-frustrate siya, ngayon ay hindi na. Naisip niyang tama si Leilanie, magiging maayos din ang lahat. Lahat ng problema, may solusyon at magtiwala lang siya sa mga taong naghahanap kay Brando.
Napasandal siya sa swivel chair at muling inalala ang lahat. Dahil kay Leilanie, nagbago ang takbo ng isip niya. Unti-unti, nawala ang lungkot at galit sa puso niya.
“Ano palang plano mo sa birthday mo?” untag ni Atong.
Ngumiti siya at hinarap ang mga ito. “Just simple dinner. Huwag kayong mawawala, ha. Sa bahay lang naman tayo,”
“Kasama si Leilanie?” nakangising tanong ni Gerald.
“Wow. Nawala lang ako ng ilang Linggo, mukhang malaki na ang nabago kay Ira. Tell me everything, Gerald.” singit ni Atong.
At hindi naman nagpapigil si Gerald. Ibinida nito ang development sa buhay niya. Napailing-iling siya sa mga kaibigan at pabirong ibinagsak ang isang folder sa mesa. “I’m out of here.” aniya saka napatayo. Napailing-iling na rin siya pero ang totoo, lalabas na talaga siya dahil alas tres na ng hapon.
Uwian na ni Leilanie. Ilang beses na niya itong hindi naabutan sa area nito. Kundi man nakauwi, mayroon iyong nilakad. Nanghihinayang siya dahil gusto pa naman sana niya itong makasama o samahan. Kahit man lang sa ganoong paraan, makabawi siya dito.
He missed her too. May mga pagkakataong hinahanap niya ang presensya nito, ang mga hagikgik nito at ngiti. May kakaibang init ang babae sa kanya at pakiramdam niya ay hindi na siya nagiisa. Na hindi na siya malulungkot pa at puwede pa siyang maging masaya sa kabila ng pait na pinagdaanan niya.
Alam niyang nangako siya kay Bonsai. Kaya nga rin ito iniwasan pero sa huli, hindi rin niya napigilan ang sarili. Hindi pa rin niya ito natiis. Papaano niya magagawa iyon? Hinahanap mismo ng puso niya ito?
There. He finally admitted to himself now. If Bonsai took everything when she dies, Leilanie bring back everything he lost including his life. He smiled at the thought.
“Guilty!” kantyaw ni Atong matapos ipagdiinan ang mga pagbabago niya at ang espesyal na treatment niya kay Leilanie.
Napapahiya man, napabuga siya ng hangin. “Why don’t you prepare yourself? Darating daw si Penelope sa birthday ko. She called last night. Nakapagpa-book na raw siya ng flight.” nakangising ganti niya kay Atong bagaman totoo naman iyon. Gusto daw dalawin ni Penelope ang inaanak at para na rin makibalita sa kaso ni Bonsai.
Lihim siyang napangisi ng makitang natigilan si Atong hanggang sa napailing ito. Mukhang pinilit na balewalain ang ibinalita niya at muli siyang kinantyawan. “Iniiba mo naman ang usapan. Aminin mo na kasi na guilty ka naman talaga,” nakangising bawi nito.
“Atong, actually, it’s three o’clock. Out na si Leilanie kaya aalis na rin siya,” nakangising pambubuko ni Gerald sa kanya.
Lihim siyang napamura hanggang sa natawa na lamang siya. Parang kailan lang, si Gerald ang kinakantyawan nila. Ngayon naman, siya ang nasa hot seat. Napailing na lamang siya. “Okay. I have to go now. Baka maunahan pa ako ni Leilanie, hindi ko na naman siya maabutan.”
“Woohoo!” sigaw ni Atong na ikinatawa niya. Nag-high five pa ang dalawang kaibigan niya at napailing na lamang siya sa mga ito.
“Crazy,” natatawang saad niya saka nagtungo sa pinto. Hindi na rin naman niya kailangan idetalye pa ang lahat ng nararamdaman. Kabisado na rin siya ng mga ito kaya nasisiguro niyang alam ng mga ito na masaya na siya ngayon.
“Ira,” tawag sa kanya ni Gerald at nilingon niya ito. Tumayo ito at nilapitan siya. Tinapik nito ang balikat niya at ginawaran siya ng natutuwang ngiti. “Finally, you looked happy now. Kahit ganito kami, masaya kami ni Atong para sa’yo. Go get your girl.”
Bahagya siyang natawa saka tumalima. Paglabas niya at napahinga siya ng malalim. Muli siyang napangiti ng maalala ang mga kaibigan. Natutuwa siya dahil bukod sa pamilya, may mga kaibigan siyang hindi umalis noong nagluluksa at nalulungkot siya. They all stayed and understand him. For that, he was truly grateful.
Naglakad na siya papuntang cashier. Napangiti siya ng makitang katatapos lang mag-endorse ni Leilanie. Gusto niyang mapapitik sa tuwa ng maabutan ito. Pakiramdam niya, nagtagumpay talaga siya.
Biglang umalon ang dibdib niya. Saglit siyang nalito kung papaano ito sisimulang kausapin. Damn… he was really nervous! Pakiramdam niya, nagbalik tuloy siya sa dati. Dinadaga ang dibdib. Napailing siya sa sarili.
“Ready to go?” tanong niya ng makatapatan ito. Mukhang hindi siya nito pansin kaya nagulat ng bigla siyang magsalita. Lintik. Hayun na naman ang puso niya. Ang lakas ng kabog! Napatikhim siya at kinalma ang sarili. Pambihira. May anak na siya. Isa na siyang biyudo pero kung kabahan kay Leilanie, para siyang teenager. Kung nalalaman lang nito—na kinakalma niya lagi ang puso sa tuwing kaharap ito—tatawanan siya nito. Napailing muli siya sa sarili.
“Ah, oo. Bakit mo naitanong?”
Just to make Leilanie feel better around him, he smiled though his heart was beating like crazy. “Ihahatid kita. Kung may pupuntahan ka, sasamahan na kita. I won’t take no for an answer. I’ll just wait outside, okay?” aniya at dalangin niya, sana’y huwag na itong makidebate. Mahuhulog na yata ang puso niya ng sandaling iyon dahil sa labis na kabog ng dibdib.
“O-Okay,” tila nahihiwagaang sagot nito at umalis na.
Doon naman siya nakahinga ng maluwag! Napabuga siya ng hangin at dali-daling lumabas. Binilinan niya ang body guard na sumunod na lang sa kanila para naman masolo niya si Leilanie. Pumayag naman ang mga ito kaya nakahinga na siya.
Matyaga niyang inabangan si Leilanie sa parking lot. Nang lumabas ito sa pinto ng Hades’ Lair, pakiramdam niya ay huminto ang mundo niya. Tila naging slow motion ang kilos nito. Magmula sa pagkurap hanggang sa pagngiti.
And damn. He suddenly realized why he felt that way. He didn’t just like Leilanie. He already fell for her without even realizing it…
![](https://img.wattpad.com/cover/210764264-288-k261345.jpg)
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romans[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...