“Hindi bale, nakausap ko na ang Ninong Theodore mo. Alam mo naman na dating hepe siya dito sa San Jose at marami siyang koneksyon. Siya na ang bahalang makipagugnayan kay SPO1 Calban tungkol sa kaso. Just concentrate on taking good care of your son. Pasasaan din at makukuha mo rin ang hustisya sa pagkamatay ng asawa mo.” anang ama ni Ira. Malaki na rin ang itinanda nito. Noong huling nakita ito ni Chelsea ay graduation nila ng high school.
Hindi na siya nabigla na makitang hindi nito hawig si Ira. Actually, lahat silang magkakapatid ay hindi ito kamukha. Sa tingin niya ay nagmana ang magkakapatid sa ina. Maitim ang ama nito samantalang tisoy at tisay ang magkakapatid. Kamukha pa ito ni Romy Diaz. Maigsi nga lang ang kulot na buhok at marami ng puti. Malamig ang awra nito at alam niya noong kapanahunan nito ay ilag ang mga taga-San Jose dito. Sa pagkakatanda niya, namatay ang ina ni Ira noong ipanganak nito ang bunsong kapatid na si Irish.
Alas diyes na ng tanghali sila dumating sa lumang mansion ng mga Agbayani sa San Jose. Agad silang sinalubong ng magasawa Irish at Jeff. Sakto namang katatapos lang makipagusap ng ama nito sa cellphone kaya nagawa na silang harapin. Ito na mismo ang kumalong kay Irvin at ayaw na nitong bitawan. Halatadong nagtaka pa nga ito sa presensya niya pero agad naman siyang ipinakilala ni Ira bilang nanny at cashier sa bar. Napatango na lamang sa huli ang matanda.
“Thank you, dad. Malaking tulong ho sa akin ‘yon,” ani Ira.
Napatango ang matanda. “Okay then. Iwan niyo na muna si Irvin dito. Tingnan mo na ang mga negosyo natin. Nagpunta nga pala ako sa Timog. Napaayos mo na pala iyong casino at napalakihan. Good job,”
“Thanks,” ani Ira saka tipid na ngumiti.
“Sige na. Lumakad ka na para makabalik ka agad dito. Isama mo na si Leilanie para naman masolo ko si Irvin,” anito saka siya tinanguan.
“Sige ho. Mauuna na muna kami,” paalam nito. Nagpaalam na rin siya at sumunod dito.
Ilang sandali pa ay pinuntahan na nila ang I-Casino sa timog, silangan, kanluran at ang huling pinuntahan nila ay ang hilaga sa San Jose. Naglalakihan ang mga iyon. Halatadong bigtime ang mga nagpupunta dahil sa magagarang sasakyang nakaparada sa parking lot.
Nalula din siya sa laki ng opisina nito. Carpeted ang sahig. Mayroong malaking antique na office table sa gitna noon. Nasa likuran ang isang malaking bookshelf. Sakop noon ang buong dingding. Puno iyon ng libro. Sa harap noon ay ang upuan nito. Leather executive chair iyon. Kumportable itong nakaupo doon habang mabilis na pinapasadahan ang mga papeles at pinipirmahan.
She was really mesmerized while staring at him. Para itong hari na nagtatrabaho sa harapan niya. Ang sarap-sarap nitong panoorin hanggang sa napakurap-kurap na lamang siya ng isara na nito ang huling folder saka tumayo.
“Let’s go.” anito saka naglakad palapit sa kanya. Tumayo na siya at agad na sumunod dito. “What do you want to try? We have slot machine, Poker, Blackjack, baccarat, Craps, Pai Gow tiles and Casino War.”
Nahilo yata siya sa dami ng mga sinabi nitong laro hanggang sa alanganing natawa. “Wala akong alam ni isa doon, sir. Manonood na lang ako,”
“Pero—”
“Sir, baka hinihintay ka na rin ni Irvin.” paalala niya rito.
Nakahinga siya ng maluwag ng mapatango ito. Mabuti naman dahil baka mamaya, maubos lang ang pera nila kakasubok niyang maglaro doon. Hindi pa naman siya talented pagdating sa baraha o anumang uri ng sugal.
“Let’s go then.” anito saka siya hinawakan sa siko at iginiya na papalabas ng casino. Napasinghap siya ng maramdaman ang init ng palad nito. Tila dumaloy iyon sa buong katawan niya.
“Boss Ira!”
Kapwa sila natigilang pasakay ng kotse nito ng mayroong tumawag dito. Nang mapalingon sila, napalunok siya ng makita kung sino ang tumawag dito: si Eggay at Rudy!
Gayunman, naging maagap pa rin ang mga body guards ni Ira. Agad nakaantabay ang mga ito ng makalapit ang magkapatid.
“You want anything?” seryosong tanong ni Ira.
Ngiting-ngiti ang dalawang tumango. “Gusto lang naman namin humingi ulit ng sorry sa nangyari. Matagal ka na naming hinihintay dito para makahingi ng pasensya. Nahihiya na rin kasi kaming magpunta sa Hades’ pagkatapos na lang ng mga ginawa namin,” anito saka siya nginitian. “Ma’am, pasensya na ho ulit. Nakainom na rin kasi kami noon kaya alam niyo na? Medyo iba na akong magsalita noon,” ani Eggay. Ang mayabang nitong awra noon ay tuluyan ng nawala. Mukhang na-realized talaga nitong mali ito. Nakitaan din niya ito ng hiya.
Napatango siya. Sapat na sa kanya ang mga narinig at nakita. Si Ira ay napatango na rin at napabuntong hininga. “Okay then. Maglalaro ba kayo?” tanong ni Ira.
Agad tumango ang dalawa. “Padating pa ang mga pinsan namin. Para naman, makabawi kami sa mga nagawa noon sa Hades’. Magdadala kami ng magdadala ng mga kakilala namin para dito maglaro.” ani Rudy.
Tinapik ito ni Ira sa balikat. “Good luck then. We have to go now,” paalam nito.
Tila nakahinga ng maluwag ang magkapatid bago sila tuluyang sumakay. Kahit papaano, gumaan ang dibdib niya sa nangyari. Napahinga na lamang siya ng malalim habang pauwi na sila sa mansion ng mga Agbayani.
“Are you okay?” untag nito.
“Super.” agad niyang sagot at bahagya siyang natawa. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya dahil sa nangyari. Muli napahinga siya ng malalim at napatingin kay Ira.
Doon naginit ang mukha niya. Huling-huli niya itong nakatitig sa kanya! Biglang kumabog ang dibdib niya. She suddenly didn’t know what to do or where to look at. His stares made her really uneasy.
“B-Bakit?” hindi mapigilang tanong niya.
Umiling si Ira saka naupo na ng tuwid. Gustuhin man niya itong kulitin, hindi niya nagawa. Pumikit na ito at nagpahinga. Napabuntong hininga na lamang siya kinalma ang sarili. Inisip na lamang niyang walang meaning iyon at hindi na niya dapat dibdibin.
Napabuga na lamang siya ng hangin.
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romansa[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...