“SIGURADO AKO. Si Atong na ang susunod na magaasawa,” nakangising saad ni Ira habang naglalakad papuntang parking lot. Natawa naman ang asawa niyang si Phoebe Luz o mas madalas nilang tawaging Bonsai dahil maliit lang ito. Nasa four-nine lang ang height. Pero kahit hindi biniyayaan ng magandang height ang asawa niya, mahal na mahal pa rin niya ito.
High school sweet hearts sila ni Bonsai. Kaklase na niya ito noon pang first year high school. Kapwa sila last section. Fifteen years old sila ng maging sila at dahil sa mga bata pa sila noon, itinuon muna nila ang atensyon sa pagaaral hanggang makatuntong sa kolehiyo. Nagkahiwalay sila ng landas noong eighteen years old siya. Nagkaroon ng problema ang ama niya at nakulong ito. Kinailangan nilang magkakapatid na magpunta sa Boston sa kung saan naroroon ang kuya Ikhan niya na siyang panganay sa kanilang apat na magkakapatid para makaiwas sa gulo. Tatlo silang lalaki at bunso ang babae. Siya ang pangatlo sa magkakapatid.
Lalo niyang minahal si Bonsai noong hintayin siya nito. Naging matyaga ito at hindi naging judgemental sa kabila ng nangyari noon. Gambling lord ang kanyang ama sa San Jose. Kinakatakutan, iniilagan. Maraming taon nitong hinawakan ang buong lalawigan hanggang sa magpalit ng hepe ang kanilang lugar. Una nitong ginawa ay kasuhan ang ama niya ng mapatunayan ang mga illegal nitong gawain.
Pinagbawalan siya ng mga kapatid na magkaroon ng communication sa iba dahil na rin sa kalagayan nila. Kaya labis siyang nagpapasalamat na naintindihan iyon ni Bonsai. Bago siya umalis, nagsumpaan sila. Babalikan niya ito at maghihintay naman si Bonsai.
Bumalik siya sa Pilipinas noong twenty three years old. Una niyang inasikaso ang mga sugalang pinasara noon sa San Jose. Sa ngayon, legal na casino na iyon—ang I-Casino. Apat ang branch noon. Nasa timog, silangan, hilaga at kanluran ng San Jose. Mayroon ng permit at maayos na ang lahat. Siya na rin mismo ang nagpapatakbo noon.
Makalipas ang dalawang taon, sinimulan nilang magkakaibigang itayo ang Hades’ Lair. Naging maayos naman ang lahat. Salamat sa dalawang kaibigan niyang sina Gerald at Atong. Dahil sa mga ito ay naging possible ang lahat.
Kaya ng matapos ang lahat ay agad na niyang inaya si Bonsai na magpakasal. Ang tagal-tagal nitong naghintay at sumuporta sa kanya. Bumawi siya ng todo at sumumpang ibibigay ang lahat ng sa tingin niyang makapagpapasaya dito.
Napangiti siya ng maalala kung saan nagsimula ang pagiibigan nila. It was all started in a love letter. Noon, dahil anak siya ng gambling lord ay hindi siya basta-basta nakikipagusap at nakikipagkaibigan kaya tanging sina Gerald at Atong lamang ang naging malapit sa kanya. Dahil doon ay hindi makalapit si Bonsai at idinaan sa sulat ang nararamdaman. Anonymous ang inilalagay nitong sender sa sulat pero ang hindi nito alam, nakita niya ito noong ilapag nito ang sulat sa desk niya.
What she wrote touched his heart. Tumatak sa kanya ang mensaheng gusto siya nito kung ano siya, saan siya galing at kung sino man siya. Bukod sa dalawang kaibigan, mayroon pang isang taong tanggap siya sa kabila ng kapintansan at background.
He started to saw her at different sight. Noon, hindi niya ito pinapansin pero magmula ng matanggap niya ang liham ay lagi na niya itong pinagmamasdan at pinapanood ang lahat ng kilos. Unti-unti, nakilala niya itong mabuting tao. Hindi lang iilang beses niya itong nakita naging matapang para sa iba, tinutulungan ang iba sa assignments, approchable din ito, magalang sa mga teachers, hindi judgemental—dahil nga nakuha siya nitong magustuhan—at mabait.
Dahil hindi siya poetic na tao, minabuti niyang itong tapatin. Noong una ay nagulat ito sa ginawa niya. Mukhang hindi inaasahan ni Bonsai noon na magiging prangka siya sa damdamin. At dahil malaking bagay ang mga nalaman ay niligawan niya ito ng pormal. Naging sila nito makalipas ang ilang buwan. Naging matibay ang pagiibigan nila sa pagtakbo ng panahon hanggang sa maikasal.
Dalawang buwan ng buntis si Bonsai noong nagpakasal sila sa edad nilang beinte syete. Sa ngayon ay anim na buwan na si Irvin. Ang baby boy nila na kamukhang-kamukha niya.
Tuwang nilaro nito ang pisngi ni Irvin na natutulog sa bisig nito. He smiled while looking at them. They were his greatest treasure and he will do everything for them.
“Hindi rin nakapaghintay si Gerald, pinakasalan din niya agad si Anariz,” natatawang ayon ni Bonsai.
Natawa siya at tumango. Three months ago, sinugod ni Anariz si Gerald sa opisina nito sa Hades’ Lair Malate. Nagtapat ito ng damdamin. Buong akala nila noon ay hindi na magkakabalikan ang dalawa. Salamat naman at nagising si Anariz. He was really happy for Gerald that finally, Anariz forgive him. Hindi itinago ni Gerald ang lahat kaya naunawaan nila ni Atong ang pinagdaanan nito.
After what happened, they got married. Doon sila galing ni Bonsai—sa reception ng kasal nila Gerald na ginanap sa hotel at papunta na silang parking lot. Medyo maingat sila dahil malapit lang iyon sa highway. Pauwi na sila dahil tapos na ang kasiyahan. Lumipad na papuntang Maldives sina Gerald para sa honeymoon. Bago pa iyon ay panay ang kantyaw nila kay Atong na ito na ang susunod. Kahit papaano, gusto rin niyang makahanap na ito ng babaeng magaalaga dito kundi na talaga nito makakatuluyan ang bestfriend ni Bonsai na si Penelope. Sa ngayon kasi ay nasa Canada si Penelope bilang nurse. Hindi ito nakauwi dahil na rin hindi ito pinayagang magbakasyon ng ospital na pinapasukan.
Penelope liked Atong so much. High school pa lang sila ay obvious na hinahangaan nito si Atong. Lagi nitong binibigyan ng kakanin at kung anu-anong pagkain. Hanggang kolehiyo, sinundan nito ang kaibigan niya. Iyon nga lang, bago magtapos ng kolehiyo ay mukhang nawalan na ito ng pagasa dahil tumigil na sa paglapit-lapit sa kaibigan niya. Sa tuwing tinatanong nila si Atong ay simple lang ang sinasabi nito: hindi sila bagay kaya hindi nito niligawan si Penelope.
Hindi na sila nagsalita ni Gerald dahil pare-pareho nilang alam ang ibig nitong sabihin. Kaya nga rin nila napili ang pangalang ‘Hades’ Lair’. That bar was owned by the sons who were involved in underground activities. Kung tutuusin, si Atong ang pinakamatindi dahil ama nito ay big boss ng mafia sa Japan. Kaya nga rin nasa Pilipinas si Atong at doon pinagaral ay dahil na rin nanganib ang buhay nito noon. Madalang lang itong papuntahin sa Japan para mailayo sa mga kalaban ng ama nito. Alam niyang isang dahilan iyon kung bakit bukod sa walang naging matinong relasyon ito, hindi rin nito niligawan si Penelope.
“Right.” nakangiting ayon niya saka inalalayan itong makasakay sa kotse niya. Nang masigurong okay na ang asawa ay lumigid siya saka sumakay sa driver’s seat. Bago niya pinaandar ang sasakyan ay tingnan niya ang magina. Agad niyang inayos ang ulo ni Irvin ng muntikan na iyong malungayngay. Mukhang nangangalay na si Bonsai sa anak nila. May kalakihan kasi si Irvin. Six months na ito pero mukhang eight months na. Mukhang namana din ang pagiging malaking bulas niya.
“Are you okay? You looked tired,” masuyo niyang tanong kay Bonsai at hinaplos ang buhok nito.
She smiled at him tenderly. Hinaplos din nito ang pisngi niya at malambing siyang tinitigan. “I am okay. Ikaw ang mukhang pagod. Paguwi natin, imamasahe kita. How about that?” anas nito saka gigil siyang kinurot sa pisngi. Bahagya siyang natawa. He found her gesture sweet. Ganoon ito maglambing sa kanya.
“I love that,” anas niya saka ito siniil ng halik.
Napaungol na lamang siya ng kusang tumigil si Bonsai. Natawa ito at napailing sa kanya. Sa huli, natawa na rin siya at napakamot ng ulo. Alam niyang tama lang ang ginawa nito dahil hindi talaga niya titigilang halikan ang asawa kaya kysa na itong huminto.
Pinagana na niya ang makina ng sasakyan. Doon naman umalis ang katabi nilang sasakyan sa gawi ng asawa niya kaya sila na lamang ang natira sa parking lot. Hinintay na muna niya iyon tuluyang maakalis bago niya pasibadin ang sasakyan. Pero bago niya pinaandar iyon, muli siyang napatingin sa gawi ng asawa at ngumiti. Ngumiti rin ito sa kanya.
And that very moment, everything seemed to stop. Biglang mayroong liwanag na nagmula sa gawi ng asawa niya. Before he could think and made a move, the Ford Ranger collided to his silver Volvo. Pakiramdam niya ay humampas ang buong katawan niya sa isang matigas na bakal. Agad siyang nawalan ng malay dahil sa tindi ng sakit na bumalot sa kanyang buong katawan…
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romance[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...