“Oh, my God…” anas ni Chelsea ng makita si Ira na nakatayo sa may pinto ng Hades’ Lair. Mayroon itong hawak na isang bungkos na bulaklak. Bumilis ang tibok ng puso niya. Lalo yatang tumindi ang nararamdaman niya kay Ira magmula noong mayroong mangyari sa kanila.
Lalong naghatid iyon ng kakaibang takot sa kanya. Habang tumatagal, para na siyang sinisilaban sa sitwayson. Ilang beses din niyang tinawagan si Jasper para makibalita pero nafu-frustrate na siya dahil wala pa itong magandang balita.
She was restless. Doon na rin kasi niya natuklasan kung gaano na kalalim ang damdamin niya kay Ira. Hindi niya ibibigay ang sarili ng ganoon dito kung hindi. Hindi rin niya gagawin ang lahat ng iyon kung wala siyang pagmamahal dito.
At ayaw na niyang itago pa ang lahat dito. She was so in love with him and she wanted to be honest. Hindi na siya nakakatulog. Nagiging magugulatin na rin siya. Hinihingi na rin iyon ng pagkakataon. Sa tuwing tinitingnan niya si Ira, lagi niyang naiisip ang mga rason kung bakit sila nauwi sa ganoon. It was all because of her. It was all because she loved this man…
“For you,” nakangiting saad ni Ira saka ibinigay ang bulaklak.
“Thank you,” anas niya saka malungkot na tinitigan ang bulaklak. Wala pa sila nitong napaguusapan tungkol sa kanila pero dama niya ang kahalagahan kay Ira. Lalo na siyang nakokonsensya dahil doon.
“Puwede ba kitang makausap?” pigil hiningang tanong niya.
Agad itong napatango. “Sure.” anito saka siya iginiya sa bar. Naupo sila doon. Saglit siyang nakaramdam ng takot sa gagawing pagtatapat hanggang sa inisip na lamang niyang mas magandang sabihin na niya ang lahat ngayon kaysa pa mahuli ang lahat. Napatango siya sa naisip.
“Ira—”
Napaigtad siya ng mag-ring ang cellphone nito. Nakalapag iyon sa mesa kaya kita nila kung sino ang caller: ang ama nito. Hindi na sana iyon sasagutin ni Ira pero napalatak na lamang ito ng maging sunud-sunod ang tawag ng matanda.
“Sagutin mo na muna. Mukhang importante,” udyok niya kay Ira.
Napabuntong hininga ito. “Okay. Excuse me,” anito saka sinagot ang cellphone. Pigil hininga naman siyang naupo sa tabi nito hanggang sa kabahan siya ng makitang dumilim ang mukha nito.
“What? I don’t believe that. That’s impossible!” sigaw nito at natutop ang ulo. Natahimik si Ira. Mukhang pinakikinggan ang sinasabi ng taong kausap nito hanggang sa bumalatay matinding galit sa mukha nito. Namula ang buong mukha. Nasa mga mata din ang sakit at pait hanggang sa disappointed na umiling. “I’ll check it out. Just wait for my call.” mariing saad nito saka pinatay ang cellphone.
Napatayo siya ng mapatayo din si Ira. Tuluyang nasira ang magandang disposisyon nito. Nasaktan tuloy siya sa nakitang mabilis na pagbabago nito. “I-Ira…”
Kinabahan siya ng tapunan siya nito ng nanlilisik na tingin. “Stay here. Don’t go anywhere, you hear me?”
Sunud-sunod ang naging pagtango niya. Nagtataka man kung bakit maging sa kanya ay galit ito, inunawa na lamang niya. Mukhang sagad hanggang langit ang init ng ulo nito at umaasa siyang magiging maayos din ito.
Pumasok na ito sa opisina. Nagtagal ito doon ng thirty minutes. Paglabas nito, mukhang mainit na mainit na talaga ang ulo. Pati mata, namumula na. Mukhang naiiyak na sa sobrang galit.
“Let’s go.” tiim bagang na saad nito. Ni hindi na siya hinintay na sumagot at mag-endorse man lang. Hinawakan na siya nito sa kamay at mabilis na iginiya palabas. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng sasakyan.
“I-Ira…” anas niya at hinawakan ang kamay nito. Mariin nitong ikinuyom ang kamao at hinila kaya hindi na niya nahawakan. Nasaktan siya sa ginawi nito pero inunawa niya. Ganoon marahil kalaki ang galit nito para maging siya ay idamay. “Saan tayo pupunta?” takang tanong niya ng mapansing palabas na sila ng Maynila.
Hindi nagsalita si Ira. Parang nagtitimpi ito sa tabi niya hanggang sa makarating sila sa Antipolo. Kinutuban siya ng pumarada sila sa isang police station doon. Nakita rin niyang nakaparada ang sasakyan ng ama ni Ira doon.
“Let’s go,” malamig na saad nito saka siya iginiya papasok sa loob ng presinto. Sinalubong sila ng ama nito sa lobby. May mga kasama itong mga lalaking naka-leather jacket. Mukhang ang ilan doon ay koneksyon nito.
“Dad,” malamig na bati ni Ira saka kinamayan ang katabi nitong lalaking may katandaan. “Ninong Theodore,”
“He’s inside.” seryosong saad ng matanda at tumango naman ang ama ni Ira. Tinapunan din siya nito ng tingin at muli, kinutuban siya kung bakit hindi man lang siya nito tinanguan. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Bago pa siya nakapagtanong ay agad na siyang naigiya ni Ira papasok hanggang sa bumungad sa kanila ang mahigit sampung mesa ng mga pulis. Ang isa doon ay inoukupahan ng pulis na nagi-interview kay Brando…
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Roman d'amour[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...