26. BEGGING ON MY KNEES

685 43 3
                                    

“Please, I have to talk to Ira.” Pigil hiningang saad ni Chelsea kay Beth. Gusto na niyang panghinaan ng loob ng magiwas ito ng tingin saka napahinga ng malalim. Ban na rin siya sa Hades’ Lair kaya nasa labas lamang siya ng bar. Pinatawag na lamang niya si Beth sa guwardya. Laking pasasalamat niya ng paunlakan siya nito.

            Mabuti pa ito, hindi siya natiis samantalang si Ira, tuluyan na siyang tinikis. Masakit man sa kalooban ay inunawa niya pa rin ito. Ganoon siguro marahil ang taong nagmamahal. Nasasaktan na siya, si Ira pa rin ang iniisip niya.

            Napabuntong hininga siya at pilit na pinatatag ang sarili. It’s been two weeks since the last time she talked to Ira. Matapos ang masalimuot na pagkakaharap nilang tatlo, tuluyan na nitong isinara ang pinto. Maging ang pakikipagusap tungkol sa kaso ay abogado na lamang nito ang nakikipagusap sa kanya.

            Tumestigo siya at kahit nagalit ang buong angkan ni Brando sa kanya, ginawa niya. Inamin din niya na siya ang nagpapadala ng whereabouts ni Brando sa tulong ni Jasper na tumestigo din para patotohanan ang testimonya niya. Sa ngayon ay natapos na rin ang usapan nila ni Jasper at binayaran na niya ito. Binigyan pa niya ito ng bonus dahil na rin sa naging dedication nito sa trabaho.

            Sa kabila ng mga ginawa niya at mukhang balewala na iyon kay Ira. It was so frustrating. She was so damn stressed out and depressed. Hindi na siya nakakatulog at nakakain kakaisip dito. Kahit ganoon ang nangyari sa kanila, pinagdarasal pa rin niya ang kalagayan nito at ni Irvin.

            God, she missed them both. Sana, pagbigyan siya ni Ira. Kahit makita lang niya ang dalawa sa malayo, kahit isang segundo lang, mapapanatag na siya. Maging kasi sa bahay nito ay hindi na siya makadalaw. Mahigpit ang bilin ito sa guwardya at naiiyak na lamang siya dahil sa sama ng loob. Sana, huwag maging ganoon kalupit si Ira sa kanya. Sobra na siyang nasasaktan at nahihirapan…

            “Ma’am, pasensya na talaga pero mahigpit ang bilin ni sir.” nahihiyang sagot ni Beth saka napayuko. “I’m so sorry dahil hindi man lang kita matutulungan…”

            Lumubog ang puso niya. Gayunman, inunawa din niya ang kalagayan ni Beth saka nanlulumong napatango. Lulugo-lugo siyang bumalik sa sakyan at hindi pa iyon pinagana. Nakatulala lamang siya roon hanggang sa napahagulgol na lamang sa mga palad.

            Napaigtad na lamang siya ng makarinig ng katok sa bintana. Biglang kumabog ang dibdib niya ng makitang si Ira iyon. Madilim ang mukha nitong nakadukwang sa bintana. Nakapatong ang dalawang kamay sa taas ng windshield niya.

            Agad niyang pinunasan ang mukha at dali-daling lumabas. Kahit papaano, nakasilip siya ng kaunting pagasa. Hindi naman ito lalabas ng Hades’ Lair para harapin siya kung balewala lang dito. Dahil doon ay nabuhayan siya ng loob.

            “Ira, k-kumusta ka na?” pigil hiningang bati ni Chelsea. Right there and then, she realized how he missed him. Gusto niya itong yakapin ng pagkahigpit-higpit pero sa nakikita niyang ekspresyon nito? Mukhang hindi nito magugustuhan iyon.

            “What do you want?” malamig na tanong nito.

            Napayuko siya. “I’m so sorry for everything. Inaamin ko ang mga kasalanan ko at ginawa ko naman ang lahat para makabawi… k-kung hindi pa nasasabi sa’yo ng abogado mo. A-Ako iyong nagpapadala ng whereabouts ni Brando noon. U-Umupa ako ng private investigator para hanapin siya at—”

            “It doesn’t matter to me anymore. Dapat lang naman na sabihin mo iyon dahil involved ka naman,” malamig na putol nito na siyang nakasugat ng husto sa kanyang puso…

“Please, forgive me...” nagsusumamong saad niya saka hinawakan ito sa braso.

            Napakagat labi siya ng hilahin nito iyon at inis siyang tinitigan. Nakasugat sa damdamin niya ang paraan ng pagtitig nito. “Wala na tayong dapat na pagusapan,” anas nito saka napabuga ng hangin. “You know what? Since I knew everything, why don’t you just stop messing me around and continue your life, huh? Hindi iyong habol ka ng habol sa akin. Hindi ka ba nagsasawa?”

            Tila dinaklot ang puso niya sa mga sinabi nito. Ang sakit-sakit na masabihan ng taong mahal niya ng ganoon. Ang tagal niya itong minahal at sa huli, iyon lamang ang mapapala niya. ang mapagsalitaan ng ganoon kasakit…

Kasabay noon, pumait din ang puso niya. She did everything she could. Nagpakababa na siya ng husto dito at mukhang hindi pa ito kuntento. He was still mad at her. Anuman ang gawin niya, mukhang hindi na siya nito mapapatawad…

            Pero tao lang siya. Nasasaktan at napapagod din. Marunong din siyang sumuko kung nakikita niyang wala na siyang patutunguhan sa kanyang ginagawa…

            “R-Right…” mapait na anas niya saka luhaang tinitigan ito. “T-Tapos na ang lahat kaya dapat, ayusin ko na rin ang buhay ko at sarili ko. H-Hindi ko na dapat pang hayaang paikutin ang mundo ko sa’yo…”

            Mapait siyang napangiti. Lalong bumigat ang kanyang dibdib.  “Noon ko pa ito ginagawa. E-Ewan ko ba… alam ko naman na kahit kailan, hindi mo ako makikita dahil wala ng ibang babae pa sa puso mo kundi si Bonsai pero ikaw pa rin ang pinangarap ko…” luhaang amin niya saka dismayadong napailing sa sarili.

            “Chelsea—”

            Huminga siya ng malalim. Bagaman luhaan, ginawaran pa rin niya ito ng malungkot na ngiti. “H-Huwag kang magaalala. Hindi na kita guguluhin. Hindi na rin ako magpapakita pa sa’yo. Sana, mapatawad mo ako sa lahat ng ito. G-Goodbye, Ira…” umiiyak na paalam niya rito.

            Mabigat ang kaloobang umalis na siya sa harapan nito. Hindi na rin naman siya nito pinigilan. Mukhang kuntento na sa mga last words niya. Lumulan na siya sa sasakyan at umalis. Habang palayo, lihim siyang umusual ng dasal. Sana, maging maayos pa rin si Ira pagkatapos ng lahat ng iyon.

            At kagaya nito, sana ay maging maayos siya at makalimutan na rin niya ito. Panahon na para isipin naman niya ang sarili niya. Tama ng inilaan niya ang maraming taon ng buhay niya kakapangarap kay Ira na wala namang ibang nakita noon kundi si Bonsai…

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon