“Hush now baby… daddy’s coming…” anas ni Chelsea at may kasama na iyong dasal. Ngawa kasi ng ngawa si Irvin. Ni hindi niya mapatahan. Ilang beses na rin nitong napalo ang mukha niya. Hindi naman niya masisisi sa pagloloko ang bata dahil hindi siya nito kilala.
Naawa na siya dahil magiisang oras na itong umiiyak. Pagalis ng kapatid ni Ira, agad siyang binilinan ni Ira tungkol sa gamit ng bata. Tulog na noon si Irvin. Kung magigising daw ito ay tapikin lang daw niya ang hita nito. Iyon daw ang gusto ng bata para madaling makatulog.
Kaso ay hindi iyon nangyari. Nang magising ito, bigla na lang umiyak. Kinarga na niya ito at hinimas-himas ang likuran. Malamig ang buga ng aircon pero pinagpapawisan siya. Niyugyog na niya ito sa bisig para makatulog pero wa-epek pa rin.
“Ano bang gusto ng baby? Ganito ba? Huwag ka ng umiyak, Irvin. Baka kabagan ka na niyan, eh…” malamyos na anas niya at inihiga ito sa kama. Pinayakap niya rito ang hotdog pillow na kasing laki nito saka tinapik sa hita. Marahil, dahil na rin sa pagod ay unti-unti na rin itong tumahan hanggang sa namungay ang mga mata nito. Nakatulog din ang bata sa kalaunan hanggang sa tuluyang naging payapa na ito.
Doon lamang siya nakahinga ng maluwag. Napahiga na rin siya sa tabi nito at nagpahinga. Nang maging maayos ang pakiramdam ay dahan-dahan siyang tumagilid at pinagmasdan ang guwapong mukha nito.
Habang lumalaki, lalo nitong nagiging hawig si Ira. Napangiti siya at marahang hinaplos ang pisngi nito. Napaungol ang bata at sumiksik pa sa kanya. Naginit ang puso niya. She suddenly felt fondness to the child. Palibhasa, naawa rin siya rito dahil isa ito sa mga nag-suffer dahil kay Brando.
Ikinulong niya sa bisig si Irvin para maramdaman nito na hindi ito nagiisa ng sandaling iyon. Nag-hum siya ng lullaby para sumarap pa ang tulog ni Irvin. Hindi na niya napansing nakatulog siya.
Nagising na lamang siya ng makarinig ng kalabog. Napabangon siya at agad nagtungo sa labas. Natutop niya ang bibig ng makitang hindi makagulapay sa kalasingan si Ira. Inaalalayan ito ng dalawang body guards.
“Leave me alone!” sigaw nito saka tinulak ang isang body guard. Hahawakan pa sana nito ulit si Ira pero itinaas na nito ang isang kamay para awatin ito. Pumalag din ito sa isang lalaking humahawak dito at nagpilit na maglakad papunta sa silid ng anak.
“Shi Irvin? Here’s my shon?” langong tanong nito. Muntikan na itong mapasubsob sa kanya kundi lang naging maagap ang dalawang lalaki sa likuran nito. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang hindi naman naiinis ang dalawa. Seryoso lamang na inaalalayan si Ira.
“T-Tulog na siya. Magpahinga ka na rin…” pigil hiningang saad niya. Seeing Ira shattered was breaking her heart. Napalunok siya at huminga ng malalim para mapagaan ang namimigat na dibdib.
“I want… to shee him…” anito saka pasuray na pinasok ang silid. Pahawak-hawak ito sa dingding hanggang sa tuluyang makaupo sa tabi ng natutulog na anak.
Saglit siyang kinabahan sa kung anong balak nito. Inakala niyang guguluhin nito ang anak pero inayos lamang nito ang kumot at hinaplos ang noo. Tahimik nitong pinagmasdan ang anak hanggang sa nagiwas siya ng tingin ng makitang umaalog na ang balikat nito saka sinapo ang mukha. She couldn’t stand seeing Ira hurt. Obviously, walang nangyaring maganda sa lakad nito. Hindi pa kasi tumawag si Jasper kaya hindi niya alam kung anong nangyari.
“I-Iwan niyo na lang muna siya…” naninikip ang dibdib na baling niya sa dalawang tahimik na body guards. Mukhang nakaunawa naman ang dalawa kaya lumabas na. Siya naman ay dahan-dahang naglakad palapit kay Ira na umiiyak na ng sandaling iyon.
“S-Sir—”
“That bashtard eshcaped… Hindi daw alam ng kapatid niya kung shaan makikita shi Brando... Nagpunta daw doon si Brando dahil nagbigay ng pera para sha mommy nilang may shakit… Hindi daw niya alam na pupuntahan siya ni Brando… Nabigla din daw sha noong dumating shi Brando at dali-dali ding umalish...” madulas na saad ni Ira. Palibhasa, lasing na kaya nasabi nito ang mga impormasyon saka pinunasan ang mukha gamit ang balikat. He looked devastated and it’s killing her…
“I am shaying sorry to my shon… I made a promise to him… hahanapin ko ang taong nakapatay sa mommy niya. I made a promise to my wife too… She’ll get the justice she deserves but what the fuck? That bashtard eshcaped! I am so damn useless! Walang akong silbing anak ng dating gambling lord! Walang magawa ang mga koneksyon ko!” asik nito at pahawi-hawi pa ito ng kamay. Napaiyak ito. She could feel his pain… his agony and it made her hurt too…
“Sir, magiging maayos din ho ang lahat…” pampalubag na loob na saad niya. Alanganin man, hinawakan niya ang balikat nito at marahang pinisil. She wanted to help him ease his pain somehow. Sana, kahit sa simpleng gawi ay magawa niya.
Natawa ito ng bahaw at napailing. “Magiging maayos lang kapag shumuko na ang gagong ‘yun. Tangina… hindi na sha naawa sa anak ko… nawalan ng nanay si Irvin… Marami ring pangarap ang asawa ko…” nanghihinayang nitong saad saka tila nagbaliktanaw. Masakit man, nakita niya kung gaano ito nangungulila at mahal ang asawa. Nauunawaan niya. Bonsai was his wife… his life… and she was taken away from him.
“Hindi na ‘yon mangyayari… Now, the only thing I can do ish to make it sure that Brando would go to jail… I… want… justice… that’s all. Wala akong pakialam sha personal issues niya na nalaman ko mula sha mga imbestigador… I don’t care if he wash depressed that time or what… what I want is… justice…” determinadong saad nito saka siya tinitigan. Lango man sa alak, kitang-kita pa rin niya ang matinding kagustuhang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng asawa. “And I will do everything to make it… happen…”
“S-Sir? Sir…” natatarantang tanong niya ng unti-unti na itong nahiga sa tabi ng anak. Panay ang nguyngoy at pahawi-hawi ng kamay hanggang sa tuluyang nakatulog sa kalasingan.
Napabuntong hininga na lamang siya at inayos na lamang ito. Inalis niya ang sapatos at itinaas ang binti nito para makahiga ng maaayos. Napaungol ito at napatingin siya rito. Tila hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya ng makita ang guwapo nitong mukhang nakatulog na mayroong luha sa mga mata.
She wiped his tears and made a promise. Kung handa itong gawin ang lahat, ganoon din siya. Determinadong napatango siya at tinawagan si Jasper.
“Magandang gabi, ma’am. Tatawagan ko na ho sana kayo. Naunahan ninyo ako,” agad na bungad ni Jasper.
“What happened?” pigil hiningang tanong niya.
“Mukhang nakatunog si Brando. Nakaalis na siya bago dumating ang mga pulis. Sinundan ko siya agad. Nakarating kami dito sa Antipolo pero nagkawalaan kami. Pasensya na ho talaga, ma’am. Nagkaroon kasi ng banggaan kaya nagkaroon ng alternate route. Hindi ko siya nasundan dahil doon pero huwag kayong magalala. Hahanapin ko pa rin siya. Nakausap ko na ang mga koneksyon ko dito sa Antipolo at hinahanap na rin siya,” determinadong saad nito.
“Okay. I heard his mom is sick. Siguradong hindi dito nagtatapos ang communication niya sa pamilya niya. Bantayan mo rin sila,” bilin niya.
“Consider it done, ma’am,”
“Thank you.” tanging nasabi niya at tinapos na ang tawag. Napatingin siya sa magamang tulog na tulog na at napahinga ng malalim.
Wala siyang ibang magawa ng oras na iyon kundi ang ipagdasal ang lahat. May awa ang diyos. Alam niyang matatapos din ang lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romansa[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...