27. ACCEPTANCE

739 49 1
                                    

After two months…

“Gusto mo raw akong makausap,” malamig na tanong ni Chelsea kay Brando. Ang laki na ng pinagbago nito. Kumupas na ang kakisigan dahil sa dami ng iniisip. Balbasarado na rin ito at pumayat. Tuluyan na itong nakulong at pinagdurusahan na ang kasalanan. Isang araw nang nakakaraan ay tinawagan siya ng ina nito. Hindi na niya kinabakasan ng galit ito pero dama pa rin niya ang kalamigan. Ito ang nagsabi sa kanya na gusto siyang makausap ni Brando.

            Tuluyan na silang hindi nagkita ni Ira. Masakit man, ipinagpatuloy na niya ang buhay ng nagiisa. Muli, inasikaso niya ang salon at nang makitang maaari na siyang mag-branch out ay umupa siya ng isang unit sa MOA. Sa ngayon, doon siya madalas para matutukan iyon.

            Hindi na rin siya nagawi sa Hades’ Lair. Para saan pa? Para ipagtabuyan lang ni Ira? Mapait siyang napangiti. Talagang naghatid ng matinding lamat iyon sa puso niya. Sa tuwing naiisip iyon ay nalulungkot siya. Kaya sa tuwing nakakaramdam siya ng negatibong damdamin, isinusubsob niya ang sarili sa trabaho. Iyon ang naging dibersyon niya para makalimot. Pagdating niya sa bahay, dahil pagod na siya ay agad na siyang makakatulog. Wala ng dahilan para maisip niya pa si Ira.

            Naupo siya sa tapat ni Brando at napahinga ng malalim. Humalukipkip siya at pinagmasdan ito. Pansin niyang wala na ang galit sa mukha nito. Nandoon ang matinding hiya at lungkot. Ang huling pagkikita naman nila ni Brando noon ay sa korte. Mahigit isang buwan na iyong nakalipas kaya naninibago siya ngayon sa pagbabago nito.

            “May pupuntahan pa ako. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” malamig niyang saad. Hindi pa rin nawawala ang sama ng loob niya sa mga ginawa nito. Bagaman naiintindihan niya ang naging aksyon nito ay hindi pa rin tama iyon. Nandamay at nakapatay ito. Dapat talagang pagbayaran nito iyon.

            “I want to say sorry for everything,” nahihiyang simula nito saka napayuko. Natutop nito ang mukha at dismayadong napailing sa sarili. “Alam kong may mga nasabi ako na nakasakit sa’yo at inihihingi ko iyon ng paumanhin. I-I just love you this much kaya ko iyon nagawa…” nagsising anas nito.

            Napabuntong hininga siya. Aaminin niya, nakatulong ang nakita niyang sinseridad at katapatan para humupa ang sama ng loob niya rito. Iyon nga lang, nakakalungkot pa rin ang mga nangyari.

            Huminga ito ng malalim. “Magmula ng makulong ako, nagkaroon ako ng pagkakataong pagisipan ang lahat hanggang sa na-realized ko na ang laki na naging kasalanan ko sa inyo. Pati pamilya ko, nadamay na. Lumalala na ang hypertension ng mommy ko. Galit na rin ang kapatid ko sa mga kapalpakan ko. I know I deserve this. Only thing I can do is to accept it and set you free. Utang ko ito sa’yo dahil sa laki ng damage na ibinigay ko sa buhay ninyo ni Ira. Thank you for being part of my life, Chelsea. I will never forget you.” anito saka naluha.

Siya naman ay tuluyan ng nakahinga ng maluwag. Finally, she get the closure she needed. Bagaman hiniwalayan niya ito ng maayos noon, mas panatag siya ngayon dahil nakitaan na niya ito acceptance. Sa huli, ipinagdasal din niya ito na sana, makahanap ito ng babaeng tunay na magmamahal dito.

            “Sige na. Baka hinahanap ka na sa salon,” simpleng taboy nito saka masuyong ngumiti sa kanya. “Take care, okay?”

            “You too,” anas niya saka ito niyakap. Napahinga siya ng malalim ng tapikin nito ang likod niya bago siya tuluyang pinakawalan. Saglit pa siya nitong pinagmasdan hanggang sa tuluyan na siyang nagpaalam.

            Napahinga siya ng malalim habang nagmamaneho. Dama niyang hungkag pa rin ang pakiramdam niya at alam niyang si Ira lamang ang maaaring makapunan noon. Ah, kumusta na kaya ito? Dalawang buwan na silang hindi nagkikita nito. Miss na miss na niya ang magamang Irvin at Ira. Siguro, ang kulit-ulit na ni Irvin.

            Malungkot siyang napangiti. Labis-labis na siyang nangungulila sa magama at ilang beses siyang nagtangkang puntahan o tawagan ang mga ito pero sa huli, pinigilan niya ang sarili. She made a promise to Ira and she’ll not break that. Naisip din niyang hindi makakabuti iyon sa kanyang sarili. Uusad na siya. Bakit pa niya kailangang puntahan ang taong galit na galit sa kanya?

            Sa Chelsea’s Salon MOA siya dumiretso. Ilang sandali pa, naglakad na siya papuntang salon niya ng magulat na lamang siya dahil mayroong yumakap sa hita niya. Mabuti na lamang, naka-pantalon siya. Kung nagkataong naka-palda siya, siguradong nasilipan na siya!

            “Irvin! S-Sinong kasama mo?” gulat na tanong niya ng makilala ang batang yumakap sa hita niya.

            Maingat niya itong ikinalas sa binti niya at lumuhod siya sa harap nito. Hinawakan niya ang pisngi nito at namasa ang mga mata niya. God… she misses him so damn much! Dahil doon ay niyakap niya ito ng mahigpit.

            “Tita!” natutuwang bigkas nito saka napahagikgik. Natawa siya dahil hindi na ‘tatta’ ang tawag nito sa kanya. Nagkaroon na ng development! Pansin din niyang hindi na ito dapat pangaalalayan. Mahigit isang taon na rin ito kaya marunong na ring maglakad.

            “Irvin!”

            Napaigtad siya ng marinig ang galit na tawag ni Ira sa anak. Agad siyang kumalas sa bata at natutureteng hinanap si Ira sa karamihan ng mga tao. Nang makita niya itong naglalakad ng mabilis palapit sa kanila, napatayo siya. Agad binayo ng kaba ang dibdib niya dahil sa presensya nito at sa dilim ng mukha.

            “Irvin!” alalang sigaw din ni Penelope. Mukhang namamasyal ang tatlo at nagkawalaan.

            “I-I really don’t have any idea about this. He just came and hugged me,” pigil hiningang paliwanag niya kina Ira ng ganap na makalapit na ang mga ito. Halos sumabog na ang puso niya dahil sa tuwa. Kahit sa ganoong paraan man lang, nagkita sila nito. Masaya na siyang makitang nasa maayos na kalagayan ang dalawa.

            Hanggang sa malungkot siyang napangiti. Hayun. Sa kabila ng ginawa niyang paglimot kay Ira, tila hindi pa rin kumupas ang damdamin niya. Napabuntong hininga na lamang siya.

            “Nalingat nga kami kaya hindi namin napansing nakalayo na siya,” nagaalalang sagot ni Penelope saka binuhat si Irvin.

            Pasimple siyang napatingin kay Ira na tahimik na nakamasid sa kanya. Agad kumislot ang puso niya. Hindi niya matagalan ang pagtitig ni Ira kaya minabuti niyang magpaalam na lamang. “Okay. Mauuna na ako. Sige.” paalam niya.

            Pagtalikod ay napabuga siya ng hangin. Dalangin niya na sana ay hindi nahalatang natensyon siya sa presensya nito. Napabuntong hininga na lamang siya at naglakad paalis.

            Pagdating sa opisina ay nanghihinang napaupo na lamang siya sa swivel chair. Ipinikit niya ang mga mata pero si Ira pa rin ang nakikita niya. Palibhasa, na-excite din siya pero sinuway niya muli ang sarili. Excite-excite tapos masasaktan lang kapag tinaboy ni Ira? No way!

            Napabuga na lamang siya ng hangin dahil doon.

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon