"Ma'am, sige na ho. Sumama na kayo. Birthday ko naman. Pagbigyan niyo na ho ako," ani Apol, ang isang tagagupit niya sa Chelsea's Salon MOA. Binabae ito. Kasing edad niya. Makwento ito at maingay sa salon. Magaling din ito sa paggugupit kaya marami din itong suki.
Kahapon pa siya nito pinipinilit dahil ni minsan, hindi siya sumama sa mga mga empleyado kapag nagaaya ang mga ito ng birthday, binyag o kasal. Noon kasi ay kuntento na siya sa pagiisa, pamamahinga at pangangarap kay Ira. Pero ngayon, napagisip niyang kailangan din niyang maglibang para tuluyang makalimot sa mga nangyari.
Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng huli silang magkita ni Ira. Aaminin niya, hindi pa rin ito naalis sa isip niya kaya madalas niyang ipaalala sa sarili na kahit kailan, hindi na sila nito magtatagpo.
Marahil, iyon lamang ang kulang sa kanya noon kaya hindi niya nakayang magmahal ng iba: ang tuluyang tanggapin sa sarili na kahit kailan ay hindi sila nito magkakasama. Nakalimutan niyang pagtuunan ang sarili at pinaikot ang mundo dito.
Kaya sa lahat ng iyon, dapat ay matuto na siyang maglibang. Alam niyang hindi man iyon ang sagot para tuluyang makalimutan si Ira, batid niyang maaaring maging daan iyon para mabawasan ang pagiisip niya rito.
"Okay. Sige na nga. Saan ba tayo pupunta?" nakangiting sagot niya kay Apol. Apolinario talaga ang pangalan nito pero mas gusto nitong magpatawag ng Apol dahil kinikilabutan ito sa totoong pangalan.
Natawa siya ng magsitilian ang mga empleyado niya. Kasalukuyan siyang nasa Chelsea's Salon MOA. Ang dalawang branch niya ay si Stephanie na muna ang tumitingin at itinatawag na lamang nito ang ilang detalye na kailangang siya ang magdesisyon.
"Sa Hades' Lair tayo!" sigaw ni Apol. Maging ang mga kasama niya, nagsitilian na rin sa tuwa samantalang siya, natulala!
"H-Hades' Lair?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. Umaasa siyang nagkamali lang siya ng dinig. Ano ba naman kasing klaseng biro ng tadhana iyon? Move on nga, eh! Tapos ay sa isang lugar pa sila pupunta kung saan maaalala niya pa si Ira?
Isa pa, ban din siya sa lugar. Nagalala siyang baka hindi papasukin. Pero naisip niya, tapos na ang kaso. Siguro naman, na-lift na ang pagkaka-ban niya? Ah, nagalala pa rin siya. Gayunman, hindi rin niya masabi sa mga kasama iyon. Kahit malapit ang mga ito sa kanya, personal issues pa rin niya iyon na hindi siya handang ipangalandakan.
"Yes, Ma'am. Sa Hades' Lair Malate tayo! Ang daming papa doon! Baka mamaya, doon niyo mahanap ang forever ninyo! Naku! Gorabels na tayo doon!" kinikilig na saad ni Apol. Nagsiayunan naman ang mga kasama niya at tinudyo siya tungkol sa 'forever' niya.
"Oo nga, Ma'am! Tsaka isa pa ho, mayroon silang tinatawag na midnight promo ngayon. Lahat ng girls, mayroong fifty percent discount! Kaya malakas ang loob ni Apol na magaya doon kasi makakatipid siya!" tumatawang singit ni Jolina, ang babaeng manikurista niya na mas matanda sa kanya ng limang taon.
Nagtawanan ang mga empleyado niya dahil natiklo talaga ang plano ni Apol. Siya naman ay lihim na napahinga ng malalim. Gusto sana niyang tumanggi pero nakahiyaan na niya. Sabit na nga lang siya, siya pa ang mamimili ng lugar?
Siguro naman ay hindi magtatagpo ang landas nila ni Ira doon. Sa pagkakaalam niya ay si Gerald ang tumatao doon ng madalas. Napabuntong hininga na lamang siya at kinumbinsi ang sariling okay lang iyon. Kung magtatagpo ang landas nila ni Ira doon ay ano naman? Isa ito sa mga owner. Natural lang na makita niya ito doon. At dapat din na deadma na ito sa kanya.
Ang tungkol naman sa pagkaka-ban niya, naisip niyang sumubok pa rin. Kundi siya papasukin, hindi na lamang siya tutuloy. Magiisip na lamang siya ng magandang paliwanag sa mga kasamahan kundi siya makakapasok.
Napabuntong hininga siyang muli saka tinapos na ang trabaho. Ang mga kasama niya, dahil sa pananabik ay mukhang tinapos agad ang paglilinis ng salon. Mahigpit siya sa ganoon. Ayaw na ayaw niyang marumi ang salon na iniiwan.
Matapos magsara ay nagsipuntahan na sila sa Hades'. Pigil hiningang sumama siyang pumasok at nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na siya hinarang. Anuman ang dahilan kung bakit hindi na siya ban, hindi na niya malalaman pa dahil wala naman siyang balak na alamin pa iyon sa mga mayari ng bar.
Nang makaupo na siya ay doon tila hinalukay ang sikmura niya. Alam niyang hindi naman niya makikita si Ira doon pero ganoon pa rin ang reaksyon ng puso niya, dumadagundong sa kaba. Hindi niya masisisi ang sarili. Hades' was one of the reasons why she and Ira got close. Ah, memories suddenly filled her heart.
"Ma'am, let's party!" aya ni Apol sa kanya. Kinantyawan na rin siya ng mga kasama. At dahil gusto niyang pagbigyan na rin ang mga ito, uminom na rin siya ng beer.
Nagpalakpakan ang mga ito. Natawa na lamang siya sa mga kasama. Dito na lamang niya itinuon ang atensyon. Nakipaghuntahan din siya hanggang sa nagkayayaan silang sumayaw ng magpatugtog na ang banda ng groove na music.
![](https://img.wattpad.com/cover/210764264-288-k261345.jpg)
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romance[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...