30. REMEMBERING YOU

698 48 1
                                    

"HINDI TALAGA ako makapaniwala na ang laki-laki ng pinagbago ni Chelsea. Noong huli kaming nagkita, naiparetoke na niya ang ilong niya. Kung nagkataong hindi ko alam na nagparetoke siya, iisipin kong ibang tao talaga siya. Total transformation ang nangyari dahil gumanda talaga siya. Kaya noong sabihin ni Ira na siya si Leilanie, naniwala ako dahil hindi ko akalaing gaganda siya ng ganoon," siguradong saad ni Penelope. As usual, si Chelsea pa rin ang topic. Magmula ng makita nila ni Penelope si Chelsea sa MOA ay palagi na lamang iyon ang bukangbibig nito. Papunta sana sila noon sa grocery at sinamahan siya ni Penelope.

Lihim na napahinga ng malalim si Ira at tahimik na nagtatrabaho pero ang totoo, si Chelsea ang nasa isip niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sa naging palitan nila ng salita nito sa parking lot ng Hades' Lair Malate. Kasama niya si Gerald noon sa opisina. Hindi siya makatulog kaya pinuntahan niya ito. Matagal na siyang nakakaramdam ng ganoon: magmula ng magkasira sila ni Chelsea dalawang buwan ng nakararaan ay hindi na siya nakakatulog ng maayos.

Nakita niya sa CCTV si Chelsea ng Hades' Lair Malate at hindi niya inasahan ang naging reaksyon ng puso niya. He felt excited, he felt warm and glad. He saw her smile again. She seemed so damn alive and it pained him. Mukhang naka-move on na samantalang siya, durog na durog pa rin.

Nakuntento na siya ng makulong si Brando. Nabigyan na ng katarungan si Bonsai. Kung tutuusin, malaki ang dapat niyang ipagpasalamat kay Chelsea dahil malaki ang naging partispasyon nito sa kaso. Nabilib din siya na ito ang concern citizen na nagbigay ng impormasyon tungkol sa whereabouts ni Brando at nawalan na siya ng pagkakataong makapagpasalamat dito. Una, dahil sa galit niya at pangalawa, dahil na rin sa bigat ng mga nangyari sa kanila.

Galit pa rin siya kay Brando at normal lang iyon dahil sinadya nito ang lahat. Alam niyang panahon ang kailangan niya para makalimutan ang galit dito. Sa ngayon, sapat na sa kanyang pinagbabayaran na nito ang lahat sa kulungan.

Dapat, kagaya ni Chelsea ay muli niyang pinagpatuloy ang buhay. Pero bakit ganoon? Nangyari ang lahat ng gusto niya pero hindi siya masaya? Then, he realized it why after he saw Chelsea at MOA. Habang yakap nito ang anak niya na mukhang tuwang-tuwa, doon humiyaw ang damdamin niya. He felt how he missed her. He wanted to hugged her too but he realized, it wasn't wise thing to do.

Dahil mali ang mahalin ito. Si Chelsea ang naging puno't dulo ng lahat kaya namatay si Bonsai. Napakasama naman na niya kung pipiliin pa rin niya ito. Muli, pinilit niyang kinumbinsi ang sarili na tama lang na nagkahiwalay sila kahit napakahirap sa parte niya.

He already fell for her. He loved her. At alam niya na hanggang ngayon, nanatili ang damdaming iyon. Parang umuusbong pa kahit anong pigil niya. That's why he had so many sleepless nights. He kept on thinking about her. Nagalit man siya, nandoon pa rin ang pagmamahal at pagaalala.

And then he saw her again at the bar. He was really mesmerized while watching at her on the CCTV. Ang ganda-ganda ng ngiti nito, parang saglit niyang nakalimutan ang kaguluhan sa pagitan nila. Lumabas pa nga si Gerald para siguruhin iyon. Siya kasi ay paniwalang-paniwala na si Chelsea iyon. Natatapatan kasi ito ng ilaw kaya nakilala niya. Si Gerald naman ay hindi maniwala dahil nga para rito ay hindi na magpapakita pa si Chelsea.

Nataranta siya ng makitang aalis na ito kaya sinundan na niya. He couldn't believe how his heart responded to Chelsea. Sa laki ng damage na nangyari sa buhay niya, natuturete pa rin ang puso niya. Mabuti na lang, hindi iyon nahalata noong magkausap sila.

Pero hindi niya magawang itago na nasaktan siya sa treatment nito. Balewala na kasi siya kung kausapin nito samantalang noon, nagiiyak pa ito para tanggapin niya ang mga paliwanag. He realized right there and then how he hurt her. Dahil sobra niya itong nasaktan, napagod na ito kakaasa sa kanya. Iyon na marahil ang karma niya sa pagtalikod noon dito.

And everything he thought about that, he was really hurt. Nalulungkot din siya dahil gustuhin man niyang tapusin ang paghihirap niya at kausapin ito, naaalala naman niya ang mga nangyari noon. He was really torn. The struggle was there and he was so damn frustrated...

"Papaano mo naman nasigurong si Chelsea iyon? Kami nga, hindi siya nakilala. It's been what? Twelve years? Ang tagal na noon para maalala pa natin siya. Hindi rin natin siya naging kaklase. Hindi rin siya nag-stand out sa buong school kaya hindi namin talaga siya kilala," kontra ni Atong.

Parang aso at pusa ang mga ito. Halos araw-araw na ganoon sa opisina nila dahil laging nandoon si Penelope. Palibhasa, tuluyan na itong nag-resign sa pagiging nurse at nagtayo na ng sariling negosyo dito sa Pilipinas. Sa ngayon, isang buwan na ang Pen's Marketing—isang maliit na distributing business ng mga gamit sa ospital. Malapit lang iyon sa Hades' Lair Katipunan.

Umismid si Penelope. "Natatandaan ko siya dahil hindi lang naman namin siya minsan nakita ni Bonsai na nagiiwan ng love letter sa table ni Ira. Maraming beses." pagmamalaki nito kay Atong.

Natigilan si Ira at napatingin kay Penelope. Nabigla siya sa narinig dahil hindi niya inaasahan iyon. Hindi nasabi ni Chelsea na nagbibigay ito ng sulat noon. Ang nasabi lang nito, naging school mate sila at naging prince charming siya nito na hindi niya magawang paniwalaan dahil sa patong-patong na kasinungalingan noon.

"Letter? What letter? Wala akong natanggap na sulat mula sa kanya," takang tanong niya. Biglang dumagundong ang puso niya sa kaba. Pakiramdam niya ay may bago na namang revelation na mangyayari.

Napaarko ang kilay ni Penelope hanggang sa napabuga ng hangin. "Okay, okay. Nakita namin ni Bonsai na naglagay siya ng letter noong first year tayo sa desk mo. At dahil isa akong dakilang usisera, kinuha ko iyon at binasa namin ni Bonsai. Honestly, we were touch to her message. She said that she loved you whoever you are and what you've been. For her, you are her only superman, her delinquent prince charming. Hindi mo natatandaan iyon?" naguguluhang tanong ni Penelope at napabuga ng hangin. "Papaanong nangyari iyon? Pinabalik ko kay Bonsai ang sulat na iyon bago ka dumating. Kahit naman usisera kami, hindi naman kami kontrabida sa buhay mo." Paliwanag nito.

Oh, shit...

Biglang-bigla talaga siya sa narinig. From there, parang nag-rewind sa isip niya ang lahat hanggang sa naalala niya si Bonsai na naglapag ng sulat sa desk niya noong highschool. Kung totoo ang sinasabi ni Penelope, may tendency na nagsasabi ng totoo si Chelsea...

Gusto ng sumabog ng ulo niya dahil sa kakaisip kung nagkita na ba sila ni Chelsea noon. Halos sabunutan na niya ang sarili ng wala pa rin siyang maalala hanggang sa nagpasya siyang umuwi para siguruhin ang lahat. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan dahil dire-diretso na siyang lumabas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nagmamaneho. Magisa na lamang din niya sa sasakyan. Wala na ang mga body guards niya. Pinatigil na rin niya iyon matapos ang kaso.

Paguwi sa bahay ay agad siyang dumiretso sa studyroom at hinanap ang yearbook. Halos sumabog na ang dibdib niya habang mabilis na inililipat ang pahina noon. "Chelsea Zarate... Chelsea Zarate... Chelsea Zarate..." anas ni Ira habang binubuklat ang year book nila sa San Jose High School.

Hanggang sa kumislot ang puso niya ng makita ang pangalang 'Chelsea Zarate'. Nasa section one ito at pinakahuling babae. Napanganga siya sa nakitang itsura nito.

Malalaki ang salamin nito. Makakapal ang buhok at buhaghag na hanggang balikat. Nakangiti ito kaya kitang-kita ang braces nito. Sa unang tingin, hindi niya iisiping si Chelsea ito. Naikonekta lamang niya ito sa babae ng mapansin ang mapupungay na mga mata nito, labi at baba na taglay pa rin ni Chelsea ngayon.

And then it hit him. He remembers those eyes begging him because of those bullies. Nanghina siya ng maaalala ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa lalim ng kanilang koneksyon. They were intertwined. Destiny made really fun of them...

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon