NAPATINGIN NA lamang si Chelsea kay Ira ng dumaan lang ito sa harapan. Wala ang pamilyar na pagtango-tango nito sa kanya. Napapaisip tuloy siya. Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon ito. Kinakausap lang siya kapag tungkol sa trabaho. Kapag nasa Hades’ naman si Irvin, nakalapit man siya ay hindi na ito humaharap. Wala na ang pamilyar na kaunting kwento nito tungkol sa bata habang nakikipaglaro siya. Napabuntong hininga siya at muling napaisip. Gusto na niyang mapasabunot sa sarili ng wala talaga siyang maisip na dahilan para hindi nito pansinin.
“Okay ka lang?” natatawang tanong ni Lizbeth. Hindi na niya ito napansing dumating dahil na rin sa pagiisip kay Ira.
Nag-change shift sila dalawang linggo ng nakararaan. Aminadong na-relieve ang pakiramdam niya dahil una, makakapagpahinga siya ng maaga, pangalawa ay may pagkakataon na siyang tingnan ang salon at pangatlo, may pagkakataon na siyang makipagkita kay Jasper.
Napabuntonghinga siya ng maalalang wala pa rin itong balita. Nagkita sila ni Jasper isang linggo ng nakararaan pero wala pa rin daw itong lead. Hindi daw kasi kilala si Brando sa Antipolo. Taal na taga-Laguna din ito at wala naman din silang mahanap na taong magiging konektado doon.
“Panay ka kasi buntong hininga kaya akala ko, may iniisip ka.” nakangiting paliwanag ni Lizbeth.
Matamlay siyang umiling ito. “Okay lang ako. May iniisip lang ako. Endorse na ako, ha?” aniya saka nag-cash count na para tingnan kung balanse siya.
Nagtrabaho na sila nito hanggang sa matapos. Nagayos na rin siya ng gamit at lumabas ng quarters. Doon naman niya nasalubong si Ira. Papasok ito sa opisina at siya naman ay pasalubong sa gawi nito.
Biglang tumalon ang puso niya ng magtama ang paningin nila. Saglit lamang iyon nangyari pero pakiramdam niya ay oras na ang lumipas bago siya nito hindi pinansin. Napamaang siya rito. Nang tuluyan na itong pumasok sa opisina, napabuga na lang siya ng hangin.
Naninikip tuloy ang dibdib niya. Ayaw man niyang makaramdam ng ganoon, hindi niya mapigilan. Gusto na niyang sakalin ang sarali dahil sa nararamdamang sama ng loob. Alam niyang wala siyang karapatan pero hindi niya mapigilan.
Minabuti niyang umalis. Nagpahatid na siya sa salon para matingnan ang mga pendings doon at nang makauwi na rin siya agad. Nakakaubos ng powers si Ira kaya gusto niyang magpahinga.
Pagdating sa salon ay agad na siyang nagtrabaho. Nang matapos niya ang mga dapat pirmahan ay lumabas na rin siya. Pumara na siya ng taxi at nagpahatid sa subdivision kung saan siya nakatira. Hindi niya ginagamit ang sariling sasakyan dahil na rin sa sitwasyon. Napatingin siya sa orasan at napabuntong hininga ng makitang alas singko pa lang ng hapon.
Kumusta na kaya si Irvin? Hindi ko siya nakita kahapon. Hindi naman kasi namamansin si Ira kaya hindi man lang ako makapagtanong sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung bakit hindi pumasyal ang bata sa Hades’…
Napabuntong hininga siya sa naisip. Dahil doon ay naisipan niyang dalawin ang bata. Wala naman siyang nakikitang masama. Sa pagkakaalam niya ay gabi na rin dadating si Ira kaya hindi na sila nito magpapangabot. Napatango siya sa naisip.
Nagpahatid na siya kina Ira. Napahinga siyang malalim saka sumandal. Ilang sandali pa, napatuwid siya ng upo ng makitang malapit na siya sa bahay ni Ira.
Napangiti siya ng makita sa terasa ang bata. Karga ito ni Yaya Muring. Agad siyang kumaway dito pagkababa ng taxi. Dahil kilala naman siya ng mga bantay doon ay pinapasok na rin siya.
Dali-daling pinuntahan ang bata at natawa siya ng makitang parang kinikilig ito. Ngiting-ngiti at hindi alam kung papaano kakawala kay Yaya Muring!
“Tatta!” sigaw ni Irvin saka kilig na pumasag sa bisig ng matanda.
Napahalakhak siya. Iyon ang tawag nito sa kanya. Dahil nabubulol pa ito sa ‘tita’, ‘tatta’ ang tawag nito sa kanya. “How are you, Irvin?” nakangiting tanong niya at kinuha ito agad sa matanda. Gigil na hinalikan niya ang guwapong bata ng mapansing mainit ito. Agad niyang kinapa ang noo nito at nagalala siya ng mapansing may sinat ito. “Nilalagnat ho yata siya, Yaya.”
“Oo nga, eh. Kaya nga hindi kami nakapunta sa Hades’, kahapon pa ‘yan ganyan. Ngayon nga lang sumigla dahil dumating ka. Mukhang nami-miss ka ng batang ‘yan,” natutuwang imporma nito.
Napangiti siya at niyakap ng mahigpit si Irvin. Since nandoon na siya at na-miss itong alagaan, siya muna ang humawak dito. Naglaro sila at pinakain niya ito. Panay ang kwento ng matanda tungkol sa bata at natatawa na lamang siya sa mga kapilyuhan ni Irvin.
“Ay naku. Noong minsan pa, nalingat lang ako. Nakarating na agad sa pinto. ‘Tatta’ ng ‘Tatta’. Hinahanap ka. Sa tuwing nakasakay kami sa kotse, tuwang-tuwa. Iyon ulit ang sasabihin. Sanay na sanay na ang batang ito sa’yo,” nakangiting kwento ng matanda.
Tila hinaplos ang puso niya at niyakap pa ito ng mahigpit. There she realized that she loved Irvin like her own son. Kulang na lang ay manggaling ito mismo sa kanya. Hindi mahirap mahalin ang bata. Kagaya ng ama nitong si Ira…
“You came,”
Nanigas ang likuran niya ng marinig ang tinig ni Ira. Bigla siyang kinabahan. Saglit siyang nalito kung papaano ito iiwasan. Kung maaari lang sana ay ayaw niyang magpangabot sila doon. Masasaktan lang siya sa magiging pagiwas nito.
Napabuga siya ng hangin. Bakit ba niya iniisip iyon samantalang puwede naman siyang magpaalam agad? Napatango siya sa naisip. Huminga muna siya ng malalim bago ito hinarap. Napalunok siya ng makita ang seryoso nitong itsura habang nakatitig sa kanya. Para yata siyang naduwag pero naisip niya, bakit siya matatakot? Aalis siya. Iyon lang naman ang tama para makaiwas dito.
Nilakasan niya ang loob para makapagpaalam na rito.
BINABASA MO ANG
HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)
Romansa[STATUS: COMPLETED💞]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF IRA AGBAYANI, THE 2ND BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. HIGHEST RANK: #1 IN SECOND LOVE 💞 BOOK IN ORDER: 💞BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-geral...