EPILOGUE

1K 47 2
                                    

"Bons, alam kong masaya ka para sa akin. I want to thank you for everything. I looked at everything at a different sight. Hindi ako galit sa ginawa mo dahil sapat na sa aking minahal mo ako ng husto. You even die for our son and for that, I would be forever indebted to you...

I want to say sorry too. Hindi ko na magagawa ang pangako ko sa'yo. I made a promise not to fall in love with other woman but still, I did. I couldn't help it, Bons... Chelsea was just lovable, I couldn't control myself falling in love with her too...

It's been a year now and everything turned out fine. Thank you for those wonderful memories. Iingatan ko si Irvin. Iingatan din kami ni Chelsea. Rest assured that we'll be okay here. May you have rest in peace now, Bons..."

Napatingin si Ira sa isang taong naglapag ng isang bungkos ng bulaklak sa lapida ni Bonsai. Napangiti siya ng makitang si Chelsea iyon. Chelsea smiled at him too and his heart melts. Ganoon pa rin ang epekto ni Chelsea sa kanya kahit pa malapit na silang ikasal nito. Dalawang buwan mula sa araw na iyon ay gaganapin ang simpleng kasal nila sa simbahan.

Si Chelsea mismo ang nagayang dalawin nila si Bonsai. Gusto nitong makausap daw nitong umusal ng dasal para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bonsai na mukhang tulad niya ay nagpaalam din sa pagpapakasal. Sa ngayon, mukhang na-relieved na ito. Napangiti siya sa nabakas na ligaya sa mukha nito.

Doon din niya na-realized na kung anuman ang naramdaman niya para kay Bonsai ay tuluyan na ring kumupas. Alam niyang kapag naisip niya ito, mapapangiti pa rin siya pero hanggang doon na lang. Bonsai was part of his past and she would remain there forever...

At salamat kay Chelsea. Dahil dito, muli siyang naging masaya at kuntento. Wala na siyang mahihiling pa. Tanggap na tanggap na rin ito ng pamilya niya. Naunawaan siya sa lahat ng desisyon niya at sa lahat ng naging aksyon ni Chelsea. Dinala niya ito sa Boston isang buwan ng nakararaan ay pinakilala bilang fiancée. Humingi din ng paumanhin si Chelsea sa ama niya na agad naman nitong tinanggap. Ang mahalaga lang daw dito ay makitang masaya si Ira. Sa huli, naging masaya ang pamilya ni Ira para sa kanila dahil sa plano nilang pagpapakasal.

Si Brando ay nakakulong pa rin. Twelve years imprisonment ang parusa nito at pinagpapabayaran nito iyon ngayon. Alam niyang darating ang araw, lubusan niyang mapapatawad ito.

He has a lovable son. He has Chelsea now, his everything... his life. Ano pa ba ang mahihiling niya?

"Are you okay?" masuyo nitong tanong sa kanya.

Ngumiti siya at tumango. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa damuhan at inalalayan iyong makatayo. He kissed her forehead and sniff her hair. God... he was satisfied. Holding Chelsea that way was enough for him.

"Yeah. I am okay. Let's go?"

"Where to?"

Ngumiti siya. "Hades' Lair. Let's go to the place where I finally met you, shall we?"

Ang tamis ng ngiti nito sa kanya. Dahilan iyon para tuluyang mawala na ang lahat ng negatibong damdamin sa puso niya. Just one smile was enough for him. Palibhasa galing iyon sa babaeng mahal na mahal niya sa kabila ng mga pinagdaanan nila.

And he made a promise to himself that he would love her until his last breath and be her prince charming...

***WAKAS***

HADES' LAIR TRILOGY BOOK 2: IRA'S REDEMPTION (soon to be published under phr)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon