001
Binibini, nabigyan ka na ba ng bulaklak na makukulay?
O mabulaklak na salitang ni walang kabuhay-buhay?
Inalayan ka na ba ng kanta?
O puro himig lang ng kasinungalingan talaga?Napuri ka na ba dahil sa'yong ganda?
O ganda mo lang ba binigyan ng halaga?
Lagi ka bang masaya?
O pinapaluha ka lang n'ya?Binibining marikit, 'wag kang papaloko
Binibining mabait, 'wag kang magpagago
Binibining mapilit, 'wag ka sa tarantado
Binibining mapanakit, maghanap ka ng seryosoBinibini, hindi lahat ng nagsabing 'mahal kita', totoo na
Hindi lahat ng nangakong papakasalan ka, magtatagal pa
Hindi lahat ng pinangako n'ya, matutupad na
Hindi lahat ng nag-aalala, mahal kaBinibini, ikaw ay kayamanan
'Wag kang maghahabol sa pekeng ginto
Binibini, karapat-dapat kang alagaan
Kailangan mo na sigurong ihintoModernong Maria Clara ka nga ba?
O hinahayaan mo lang matawag na maharot nila?
Binibini, hanapin mo ang 'yong halaga
Na minsan hindi rin mahanap nila'Wag padalos-dalos sa pagmamahal
Karamihan kasi ng mabilisan 'di nagtatagal
Tinuturing ka na nilang kanal
Nahuhulog sila pero ni ayaw na ring magtagal at sumugal@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD