Tony's Pov
"Tita mauna na po ako!" Sigaw ko Mula sa labas ng bahay.
"Sige anak! Mag-iingat kayo!" Sagot naman ni tita Mula sa loob.
Paglabas ko ng gate ay pulang kotse agad ang bumungad sa akin na pag mamay-ari ni Meyon.
Mayaman talaga sila ,well mayaman naman talaga kaming tatlo.
Kahit na hindi ako anak ni tita ay tinuring Niya akong parang tunay na anak niya kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Pagkatapos kasi ng ensidenteng nangyari sa pamilya ko ay sila nang dalawa ni tito Arman ang tumayong mga magulang ko.
Mayaman naman talaga sila tita kaya hindi sila nahihirapang pag aralin ako.
May dalawa silang anak na lalaki, Yung panganay ay si Kuya Alfred 22 years old, ang sumunod naman ay si Kuya Aljon 20 years old, pareho silang gwapo at pareho din sila na maganda ang pangangatawan.
Minsan nga pinagnanasaan ko sila pero hanggang do'n lang yon . hahaha.
Nasa states sila nag-aaral ,nandon din pati si Tito Arman para ihandle ang business nila. Gwapo rin itong si Tito Arman kahit may edad na ay maganda parin ang katawan , kaya walang dudang doon nagmana ang dalawa niyang mga anak.
-
Pagpasok namin sa loob ng classroom ay saamin agad napunta ang kanilang mga atensyon.
Halos lahat sila ay may tinitingnan sa cellphone nila tapos titingin sa Amin at magbubulungan.
Hindi nalang namin sila pinansin at naglakad na kami papunta sa aming mga upuan.
Maaga pa naman eh kaya Wala pa ang unang guro namin .
Maya-maya pa habang nag-uusap kami ay may dalawang babaeng pumunta sa amin pwesto.
Napansin kong sila yung dalawang babaeng napapansin ko na hindi kami hinuhusgahan sa kanilang tingin sa tuwing papasok kami ng classroom.
"Ahmm, hi ako nga pala si Angel at ito namang kasama ko ay ang kaibigan Kong si Alice."pagpapakilala nila sa Amin.
Para namang walang balak kausapin ng mga kasama ko ang dalawang babaeng nasa harap namin dahil nakatingin Lang sila dito na may blankong ekspresyon.
Medyo natakot naman sila sa tinuran ng dalawa kong kaibigan kaya napatawa ako ng mahina.
"Hoy kayo , wag niyo nga silang tinatakot ng ganyan, mukha naman silang mababait eh." Pagsaway ko sa dalawa kaya nagbago agad ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Hello, ano nga palang sadya niyo?" Nakangiting tanong ni Meyon sa kanila.
"Ahmmm ,ano kasi--- hmm gusto sana naming makipagkaibigan sa inyo kung okay lang." May pag-aalangan at parang nahihiyang sabi sa amin ni
.
"Weeee??? Kayo makikipagkaibigan sa mga nerds na katulad namin?? Sure kayo?" Parang hindi nakumbinsing tanong ni Jenna sa kanila.
"Oo naman, gusto kasi namin Yung mga personality niyo, yung hindi katulad ng mga estudyante dito, ang simple niyo lang kasi." Nakangiting sabi sa Amin ni Angel.
Nah! Kung alam niyo lang Kung ano talaga ang totoong kami baka magdalawang isip kayong kaibiganin pa kami.
"Okay, so Friends?" Nakangiti namang sabi ni Meyon.
"Friends!" Masayang sabi nila Angel at Alice.
Kaya ayon na nga ,nagchikahan agad kami ,ay! Sila lang pala dahil busy ako si binabasa ko.
Nalaman ko rin sa kanila na trending kami ngayon sa school dahil sa nangyaring eksena kahapon.
Kaya pala ganon nalang ang umasta Yung mga estudyanteng makakakita sa Amin.
Mukhang mabilis silang nagkapalagayan ng loob ha.
"Matanong ko lang, bakit hindi masyadong nagsasalita si Tony?" Curious na tanong ni Alice.
"Ganyan talaga sya, pero wag na wag niyo yang gagalitin dahil baka pagsisisihan niyo ang mangyayari." Sabi naman ni Jenna sa kanila kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi nagtagal ay dumating na ang Prof namin at nagsimula ng magturo.
-
Napagpasyahan ng dalawang bago naming kaibigan na sabay sabay na kaming maglunch kaya heto kami ngayon, naglalakad patungong cafeteria.
Habang naglalakad ay may nakita kaming kumpulan ng mga babaeng estudyante sa daraanan namin habang nagtititili .
Tsk ! Kung makatili daig pa Yung nakakita ng multo.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng biglang-
BLAGGG!
"Fuck!" Mura ng lalaking nakabanggaan ko.
____________________________________
Vote and Comment 🙏
BINABASA MO ANG
Gangster Gay✓
Teen FictionBxB: STATUS: COMPLETED BOYSLOVE STORY WARNING: This story is UNEDITED.