Chapter 31

6.2K 317 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bahay nina Jenna kasama sina Kuya Alfred, Kuya Aljon, Tito at Tita.

Wala dito ngayon ang mga magulang ni Jenna dahil nasa Europe may inaasikaso sa business nila doon.

Tanging mga katulong nila at mga guards ang kasama ni Jenna dito kaya dito muna kami mamamalagi hangga"t wala pa kaming matutuluyang safe na lugar.

Marami ring nagbabantay sa labas na mga ka gang ko at mga ka gang ng Black Tiger Gang na pinamumunuan nila Kuya Alfred at Kuya Aljon.

Matagal ko ng alam na sila ang bumuo ng Black Tiger Gang ngunit hindi lang ako nagpahalata na alam ko na sila yun.

Nandito kami sa sala nila Jenna ngayon.

Pinagpahinga na namin sina tito at tita sa isa sa mga guest room dito sa bahay nina Jenna.

Ang tanging nandito lang ngayon sa sala ay si Kuya Aljon, Kuya Alfred, Jenna, Meyon, Thoper at Ako.

Mahahalata mo parin sa mukha nila kuya na hindi pa sila naka move on sa nasaksihan nila kanina sa akin lalo na ngayon na alam na siguro nila na ako ang namumuno sa Blood Moon Gang.

" Ahemmm! So ano ng magiging plano natin? Ngayong nagsisimula ng kumilos ang Whiteshadow Gang, sigurado akong nagpaplano na naman sila ngayon kung paano na naman sila susugod sa atin." Pambabasag ni Meyon sa katahimikan.

" Hindi na natin kailangan pang hintayin na susugod sila sa atin." Sambit ko sa malamig na tuno.

Alam kong alam na nina Jenna at Meyon na pag naging ganito na ang tuno ng pananalita ko ay siguradong seryoso o galit ako sa mga oras nato.

Kita ko ring parang kinabahan sina Kuya Aljon at Kuya Alfred ng marinig nila ang tuno ng aking pananalita.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa akin ni Jenna.

"Hindi na natin pa hihintayin na susugod sila sa atin dahil tayo na mismo ang susugod sa kanila." Sagot ko sa tanong niya .

Alam kong nagulat sila sa naging desisyon ko dahil kita ko sa ekspresyon ng  kanilang mukha.

"P-pero Tony alam mo namang dilekado kung susugod nalang tayo bigla sa campo ng Whiteshadow Gang, alam nating lahat kung gaano kadelikado ang gagawing pagsugod natin sa kanila. Parang sinusulong narin natin ang ating kamatayan." Protesta naman ni Kuya Aljon.

"Tama ang Kuya mo Tony, hindi natin kakayanin ang sumugod sa kanila lalo pat alam natin kong gaano sila karami." Pagsang-ayon naman ni Jenna sa sinabi ni Kuya Aljon.

" So you think na ganon ako kabobo para sumugod nalang ng walang nabuong plano?" Sabi ko na nagpatahimik  sa kanila.

" Hindi magiging dilekado kung pag-iisipan at pagpaplanuhan nating mabuti ang gagawing pagsugod sa kanila." Dugtong ko sa aking sinabi.

"Okay so may naisip ka na bang plano para sa gagawing pagsugod natin sa kanila?" Tanong naman ni Kuya Alfred.

Nginisihan ko naman sila bago sumagot.

"Of course! Hindi naman ako magsasabing susugurin natin sila kung wala pa akong naisip na plano." Sagot ko sa tanong niya.

"So ano ang plano mo sa gagawin nating pagsugod sa kanila?" Tanong ni Meyon.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon